John Lloyd Cruz at John Prats, nag-iwasan sa Gawad Tanglaw?!

NAG-DEADMA-HAN SINA JOHN Loyd Cruz at John Prats sa nakaraang Gawad Tanglaw na ginawa sa Jose Rizal University sa may Mandaluyong. Si John Lloyd ay nanalo bilang Best Actor para sa pelikulang In My Life habang sina John Prats kasama sina Jason Gainza at Zanjoe Marudo para naman sa Best Comedy Show (Banana Split).

Ilang silya lang ang pagitan nina John Lloyd at John Prats sa isa’t isa, pero walang batiang namagitan sa dalawa.”Okey naman kami, wala namang problema,” sabi naman ni John Prats nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi.

Kung matatandaan, sina John Prats at John Lloyd ay dating beso-beso friend, dahil nagkasama ito sa programang Keybol, pero nasira ang friendship na iyon kamakailan nang pumutok ang balita na si Lloydie ang dahilan nang hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats.

Kung paniniwalaan kasi ang balita, may tagong relasyon sina John Lloyd at Shaina na siyang ipinagpuputok din ng kalooban ni Ruffa Gutierrez na sinasabing “lihim” ding karelasyon ni John Lloyd.

Natapos na kamakailan ang “awayan” nina Shaina at Ruffa dahil pinag-usap sila ng ABS-CBN na ang ending ay kapwa hindi raw nila alam kung paano lumaki ang “gulo” sa pagitan nila, kung saan sinasabing nagpalitan umano sila ng mga maaanghang na text messages sa cellphone.

At sa Gawad Tanglaw nga kamakailan, obvious na nag-iiwasan sina John Lloyd at John Prats, dahil sa kanilang ikinilos na para bang hindi sila magkakilala samantalang dati silang bestfriends.

NILINAW NI ALEX Gonzaga na walang katotohanang aalis na siya sa Juicy matapos mapabalitang na makakasama niya sa nasabing programa si Cristy Fermin. Base sa mga naglalabasang balita, hindi raw nagustuhan ni Alex ang bago niyang posisyon na mula sa pagiging host ay isa na lang siya sa mga field reporter. “Naku, hindi naman totoo iyon. Dito pa rin ako sa Juicy. Tsaka kung meron mang dapat tanungin kung aalis ako o hindi, e, si Mommy ‘yun,” tuluy-tuloy na pahayag ng “Prinsesa” ng TV 5.

Sa kabilang banda, pinagta-wanan lang din ni IC Mendoza (co-host ni Alex) na maging siya ay discontented na sa Juicy. “Bakit naman ako aalis, e, naghahanap nga ako ng raket tapos iiwan ko itong Juicy, no hindi!” Mariing sabi ni IC.

Pero teka muna. How true na itong si IC ay ikinama ng isang guwapong aktor kamakailan, kung saan ang nakababaliw, sa halip na si IC ang maging babae ay si aktor pa ang dumapa at nagpakababae sa anak ni Dolly Anne Carvajal?

Sa totoo lang, layas na tao si IC, ang dami-dami niyang namamataang aktor at aktres kung saan-saan, kaya naman ang lahat ng mga blind item na kanyang sinasabi ay pawang katotohanan at hindi kopya sa kung saang dyaryo lang.

HINDI NA SI Angel Locsin ang makakapareha ni Vhong Navarro sa Kokey ng channel 2. Base sa nakalap naming balita, si Toni Gonzaga na raw ang makaka-love interest ni Vhong sa nasabing programa.

Ayon sa aming source, ang dahilan kung bakit pinalitan ni Toni si Angel ay dahil gagawa ng soap opera si Angel with John Loyd Cruz at hindi naman magiging magandang panoorin kung sa isang araw ay dalawang beses na mapapanood si Angel sa dalawang project ng Dos.

Teka napapansin ko, parang lagi na lang second choice si Toni. Hindi kaya maging “Second Choice Queen” ang magandang aktres-host na ito?

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “John Lloyd Cruz at John Prats, nag-iwasan sa Gawad Tanglaw?!

  1. yah puro abs-cbn shows ang nanalo sa gawad tanglaw.. doon yun ginanap sa xcol namin im a student of jose rizal university.. grave talaga super na star struck ako ni luis.. about sa kokey @ako i like toni g. a lot than angel locsin/// si toni kasi very flexible na babae, anything u look forward on her eh talaga namang kayang kaya niyang gawin compare to angel locsin na wala kang i lolook forward sa kanya… at mukhang bukya si angel noh at definately bubita siya.. to all fans of angel, no hard eelings ha sinabi ko lang base on my observation… love love love…. peace peace peace…..

  2. ok lang mag-iwasan c jlc at john p. kung magbabatian pa sila ay baka magtilamsikan pa sila during the awards night at maraming madulas. hehehehe

  3. PURO Kapamilya ang mga nanalo sa GAWAD TANGLAW…kinareer ng husto ng ABS ang pagkapanalo nila rito!

    INAABANGAN ng lahat kung paano bwebweltahan ni tita CRISTY ang mga umalipusta sa kanya sa ABS sa bago niyang show sa TV5…Show no mercy tita!

    ANGEL, kaya ito pinalitan kasi pangit na support lang siya sa isang unanong naka costume! ano pat lumipat siya sa ABS kung ganitong role lang pala ang gagampana niya, yuk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.