John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala pa ring linaw ang pagbabalikan

Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz
Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz

Wala pa ring linaw kung totoo ngang nagkabalikan na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Oo nga’t pareho silang nasa Hong Kong, pero walang confirmation na magkasama nga ang dalawa.

Kung si Lloydie ang tatanungin, ayaw niyang pinag-uusapan ang kanyang love life. Gusto nitong maging private para iwas sa intriga. Hindi na rin mabilang mga mga babaeng naugnay sa magaling na actor, pinag-usapan, inintriga, hindi nagtagal, nauwi rin sa hiwalayan.

‘Yun ngang break-up nina John Lloyd at Angelica Panganiban, palaisipan pa rin sa publiko. Malaking question mark kung ano talaga ang naging dahilan ng split-up nila? Parehong ayaw magsalita kung ano ang status ng kanilang relationship. Tuloy, marami ang nag-iisip na hiwalaya na nga ang dating mag-dyowa.

Kung tungkol naman sa issue ng love affair nina John Lloyd at Bea Alonzo ang pag-uusapan, itinatanggi ng actor na may namamagitan sa kanila ng actress. Pero marami ang nagpapatotoong may understanding na ang dalawa. Magkasama silang nag-out of town at nagbakasyon sa Hong Kong. Ayaw namang mag-comment ni Bea tungkol sa issue sa kanila ni JLC na may namumuong romansa sa kanila ng kanyang leadingman.

Sinagot ni Lloydie ang issue sa kanila ng kanyang leading lady, friends lang daw sila ni Bea. Say ng entertainment press na nakataas ang kilay, “Sige na nga, maniwala na tayo, friends lang sila ni Bea…”

Kung totoo mang may relationship ngayon sina Bea at John Lloyd, sa kanila na lang ‘yun. Ang importante masaya at maligaya sila sa isa’t isa. Hayaan na lang natin ang panahon ang magdikta kung talagang para sila sa isa’t isa.

In every relationship, ang lalaki ang dapat umamin bilang respeto nito sa babaeng mahal niya.  ‘Yun ang hintayin nating sabihin ni John Lloyd, si Bea Alonzo na ang mahal niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articlePaolo Ballesteros, may pinagdaraanang problema kaya andaming kapalpakan?
Next articlePamilya ni James Reid, botong-boto kay Nadine Lustre

No posts to display