John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, sa Vietnam nabuo ang romansa!

SABADO NG umaga ‘yun. My usual weekend breakfast sa isang fastfood na malapit lang sa bahay. My usual breakfast of pancake with large coffee or sometimes sausage with egg muffin.

Pero noong umagang ‘yun, it was unusual to hear high school girls from Angelicum (in their P.E. uniform) to talk about good-looking guys.

Overheard ang mga pangalan nina Piolo Pasual, John Llyod Cruz, Zanjoe Marudo, Sam Milby, Diether Ocampo , Gerald Anderson at higit sa lahat, ang super cutie for this girls na walang iba kundi si Daniel Padilla.

Kung saan-saan napunta ang usapan nila. Ang crush noong isa si Papa Piolo. Guwapo raw. Super guwapo. Kamukha ng boyfriend niya. Pero du’n sa isa, walang ibang lalaki para sa kanya na pinakaguwapo kundi si Daniel Padilla.

Tuloy naalala ko na ang mga artistang pinag-uusapan nila ay mga lead male stars sa bagong pelikula na 24/7 In Love ng Star Cinema na tumatalakay sa iba’t ibang klase ng pag-ibig.

Naaliw ako sa usapan ng mga ba-gets. Mga edad 16-17 siguro ang mga ‘yun. Nasa 3rd or 4th year high school ang mga itsura nila.

Bongga ang taste ng ngayon mga bagets pagdating sa mga lalaking guwapo, huh!

Sa totoo lang, hindi mo naman talaga maipagkakakila na ang mga artistang nabangit ang mga “pinaka” sa mga current male star natin.

Iba ang aura. Iba ang dating. May bril-yo.

Sa presscon ng 24/7 In Love recently, lahat sila ipinarada. Guwapong-guwapo. They glow, lalo na si Diet na in love ngayon na hindi alam ng media at publiko (that will be another story).

Si Piolo, wala pa ring makatatalo sa puwesto niya as the Most Beautiful Man in Asia. Si Zanjoe, dahil in love kay Bea Alonzo (na kapareha rin niya sa pelikula), mababasa mo sa itsura niya ang magandang feeling of being in love. Si Sam naman, as expected, with his killer smile you won’t go wrong if you’re a girl in search of a man to fall in love with.

Si Gerald, given na at palaging guwapo 24/7. Si Daniel, siya ang “Bagong Crush ng Bayan”. Buong sambayanan ng mga dalagitang bagets at beckies ay pantasya siya. Ang ganda kasi ng mukha.

I remember one high school student from an exclusive all-girls school sa may bandang Ortigas na she’ll surrender her virginity to Daniel anytime na napasadahan namin sa isang FB message sa binata.

Sa pelikula pala, kasama rin si Zaijian Jaranilla (pero wala pang kamuwang-muwang ang child actor para pag-usapan ang “love” kung saan sa pelikula, si Piolo ang ka-tandem niya.

NOW IT can be told na nabuo ang pagmamahalan nina Angelica Panganiban at John Llyod Cruz sa Hanoi, Vietnamn kung saan doon kinunan ang ilang mga eksena nila sa pelikulang 24/7.

Sa simula pa lang, may umuugong na tsismis na may namamagitan sa dalawa noon pero idine-deny nila pareho.

Si Angelica, very much involved kay Derek nu’n at si JLC ay kay Shaina naman in love.

Sa pagsasama ng dalawa sa pelikula, lalong naselyuhan ang balita na sila na nga.

Tutal, si Derek Ramsay ngayon ay in love naman sa isang non-showbiz girlfriend niya (who’s a Frisbee player like him) at si Angel naman ay super-duper involve sa pakikipagrelasyon niya kay JLC, ok na siguro sila at patuloy ang pag-inog ng mundo nila pareho na walang mga kontradiksyon.

Sa presscon, wala si JLC at nasa Batangas ayon kay Angel na from a far kung saan kami nakaupo sa loob ng Dolphy’s Theater, basa mo na punum-puno ng pag-ibig ang dalaga.

Sabi ko nga sa katabi kong si Ms. F: Si Angeica, tingnan mo, baklang-bakla. Over flowing with Joy. Parang ikaw Ms. F, always in love hindi, lang 24/7 kundi more sa mga pamangkin mo.
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, sa Vietnam nabuo ang romansa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.