John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, apat na araw nagbakasyon sa Singapore

KAKARATING LANG pala ng bansa nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban last Tuesday afternoon galing Singapore.

Hindi trabaho kundi 3-nights and 4-days na bakasyon ang ipinunta ng box-office king at aktres sa SG.

Umalis daw ang dalawa na mga walang ibang kasamang mga kaibigan o alalay nu’ng nakaraang Sabado.

Paglabas ng airport ng mga ala-singko nang hapon ay dumiretso na raw si Angelica sa taping niya ng Banana Split sa Music Museum sa Greenhills, San Juan. Habang si John Lloyd naman daw ay umuwi na ng bahay niya sa Valle Verde.

Naloka raw si Angel (palayaw ng aktres) sa flow ng traffic sa EDSA, dahil past 7pm na siya nakarating ng Greenhills. Si JLC raw ay sa C-5 dumaan na surprisingly ay hindi naipit sa traffic.

Pagdating na pagdating sa Music Museum, kahit walang rehearsal, salang daw agad si Angelica sa taping na tila hindi na stress sa traffic. Take note, nakadalawang episode pa raw ang nai-tape ng produksyon.

Namudmod pa raw ng pasalubong si Angelica sa mga taong ka-close nila sa Banana Split.

Isang mamahaling Y3 bag pa nga raw ang ipinasalubong ng mag-jowa sa isang trusted staff ng sitcom at kaibigan nila.

Naulinigan namin na balak daw ulit bumili ni Lloydie ng isa pang bahay sa Valle Verde.

 

Thea Tolentino, kinikilig kay Enrique Gil

 

FINALLY, NABIGYAN na ng GMA-7 ng sarili niyang serye ang female Protégé grand champion na si Thea Tolentino via Pyra, Ang Babaeng Apoy na nagsimula nu’ng nakaraang Lunes lang ng hapon sa kanilang afternoon prime.

“Masaya po ako na napansin nila ko mula Anna Karenina,” sey ng young actress.

Kapareha ni Thea ang guwapitong si Jeric Gonzalez na kapwa winner ng una sa reality search ng Kapuso Network na Protégé.

Noon pa man daw ay crush na ni Thea si Jeric, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. “Hanggang ngayon naman po ay crush ko siya, bukod kina Dennis Trillo at Enrique Gil,” kinikilig na pag-amin ng bagets.

Una raw silang nagkita ng Kapamilya star sa isang event November last year, kung saan nagpa-picture sila ng kanyang nanay kay Enrique. “Mukha po kasing mabait si Enrique. Blurred nga po ang kuha ng nanay ko sa min, eh, pero ‘yung kuha ko sa kanila, maganda,” tsika ni Thea.

Keri lang daw kay Thea na magkaroon sila ni Jeric ng kissing scene sa serye nila, kaya lang baka hindi raw pumayag ang GMA-7, dahil 17 years old pa lang siya.

Suportado sina Thea at Jeric nina Angelu de Leon, Gladys Reyes, Roxanne Guinoo, Ryan Eigenmann, Christopher Roxas, Polo Ravales, mga baguhang sina Elle Ramirez at Zandra Summer, at si Janno Gibbs sa papel na bading na mentor ni Pyra.

 

Vice Ganda, sinimulan ang shooting para sa kanyang MMFF movie

 

NAKAKADALAWANG SHOOTING days na si Vice Ganda so far ng kanyang MMFF movie na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na mula sa direksyon ni Wenn Deramas.

Last Saturday ang first shooting nila sa Mandaluyong, kung saan kasama ng Phenomenal Box-Office Star sa mga eksena sina Joey Marquez at Maricel Soriano bilang mga magulang niya. Nu’ng nakaraang Tuesday naman ang kanilang second shooting day.

Malamang, marami ang mag-aabang sa panibagong pelikula ni Vice na siguradong magpapahagalpak na naman sa lahat, lalo pa’t magkasama sila ni Marya na hindi lang mahusay sa drama kundi magaling din sa comedy!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, apat na araw nagbakasyon sa Singapore

  1. nyahahahhaha may balitang bakla,,,na isa sa dahilan ng pag punta ni JLC sa Singapore ay magpapatingin na rin,,,tungkol sa nalalagas niyang BUHOK,,,nyahahha,,,,nakakalbo na  at manipis na ang buhok sa bumbunan,,,nyahahhaa 

Leave a Reply

Your email address will not be published.