John Lloyd Cruz & Angelica Panganiban:
24/7 in Love… with YOU!

ANGELICA PANGANIBAN

Real Name: Angelica Charlson

Birthdate: November 4, 1986
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

JOHN LLOYD CRUZ
Real Name: John Lloyd Espidol Cruz

Birthdate: June 24, 1983
Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday


 

NOONG UNA, akala ng marami ay gimik lang ang pagkaka-link kina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Paano ba naman, very much in love sila sa kani-kanilang mga hot partners noon. Nabigla na lang ang madla nang maglabas si Gelai ng isang Instagram pic tungkol sa kanyang ‘Perfect Sunday’ with Lloydie. Gimik? Hmmm…

Maya-maya, headline na sa mga babasahin (tulad ng Pinoy Parazi, hihihi!) na hiwalay na sina Derek at Angelica. Kinumpirma na rin ni Shaina ang pagba-baboo niya kay John Lloyd. Hmmm… gimik? Sobra naman na ‘ata itez!

Sa isang eks-klusibong panayam ay inamin na ni Lloydie na sila na ni Angelica at sa katunayan nga, binigyan pa niya ito ng sorpresa sa Banana Split. Imposibleng gimik ito dahil ang saya-saya lang nila!

Marami nang napagdaanan sa love ang dalawang celebrities natin. Sila na nga ba ang itinakdang magmahalan nang panghabang-buhay? Magtatagal nga ba ang love story na nag-umpisa sa Vietnam?

Parehong intense at emotional ang Cancer at Scorpio kaya magkasundo sila. Sa katunayan nga, marami silang similar traits na dahilan kung bakit hindi na kailangan ng todo-effort para magsama. Meron din silang konting pagkakaiba, pero hindi ito makaaapekto sa relasyon. Mada-ling maawa ang Cancer sa iba, na minsan ay hindi big deal sa Scorpion.

Kilala ang Scorpio sa pagiging malalim at hanggang kaya, hindi niya direktang sasabihin ang tunay na nararamdaman lalo na kung ito’y nasasaktan. Pareho nilang kailangan ang love, loyalty at faithfulness. Madali nila itong makukuha sa piling ng isa’t isa. Mas nangingibabaw ang emosyon kesa sa logic para sa parehong zodiac, kaya madalas silang sumablay sa pag-ibig. ‘Heart Over Head’ ang kanilang motto.

Ang love match sa pagitan ng Cancer at Scorpio ay isa sa ‘perfect matches’ sa zodiac (kaya ba may ‘Perfect Sunday’? teehee). Malakas ang kanilang chemistry at habang tumatagal ay lalo itong tumitibay. Ibibigay ng lalaking Cancer ang security na hinihingi ng Scorpio. Madali nilang maiintindihan ang saloobin ng isa’t isa. No words needed, ‘ika nga. Dahil pareho silang may mood swings, dapat lang nilang siguraduhin na hindi sila magsasabay.

Hmmm… now John Lloyd and Angelica should know why it didn’t work with the rest. They’re meant to be in love 24/7 forever and ever! PAK, PAK, PAK!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “
John Lloyd Cruz & Angelica Panganiban:
24/7 in Love… with YOU!”

  1. angelica and lloyd..i am very happy for both of you… i love you so much.. all i can say is that as long as both of you open too each other… be loving caring too one another…my wish for both of you stay humble no one will get in the way… if you love and care too each other..no matter what temptation is their in the world…is the best way too grow old with the person that care and love you back…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.