John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, secretly married in Europe?!

MAKULAY AT MARAMING intriga sa showbiz nitong mga huling buwan, kaya hindi kaagad napansin ng mga taga-showbiz, na matagal na palang nawawala sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, na magkasamang umalis kaugnay ng Star Magic World Tour. Nakabalik na sa bansa ang iba nilang kasamahang Kapamilya stars, pero nagpaiwan sa ibang bansa ang magkasintahan. Hayan, ang ending tuloy ay natsismis silang baka nagpakasal na sila roon.

Isang masayang bakasyon talaga ang nangyari kina Shaina at Lloydie sa Europe, kaya natagalan ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas. Kailangan din naman nila ang nasabing bakasyon, kaya sinulit nila at walang inaksayang panahon. Regalo nila iyon sa kanilang sarili, dahil nagsimula ang kanilang relasyon na iniintriga, at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tinatantanan ng mga pang-iintriga. Maraming pagtatangka ang nangyari na sila’y paghiwalayin. Pero nagpa-katatag silang dalawa.

Parehong masipag sina Shaina at John Lloyd. Pagkatapos ng kanilang bakasyon, magkahiwalay na mga trabaho ang bago nilang aatupagin. Maraming nakalinyang trabaho ang magaling na aktor, ganu’n din naman ang magandang aktres.  Medyo matatahimik na siguro sila, dahil napakawalang delicadeza naman ng ibang babaeng nagkakagusto kay Lloydie kung ngayong kababakasyon lang ng magkarelasyon ay eeksena silang magparamdam at laging banggitin ang pangalan ni JLC. Naku, tigilan na ang mga ganyang kadramahan, dahil nananahimik naman si Shaina.

 

BLIND ITEM: NAPAKAHUSAY na aktor daw ang bida sa ating blind item ngayon. Itago na lang natin siya sa screen name na Daniel Concepcion. Ang kahusayan daw umarte ni Daniel, ay mas mahusay sa totoong buhay kumpara sa acting na ipinapamalas niya sa harap ng kamera. Bilang aktor ay napakaamo ni Daniel, matipid siyang magsalita na tatak talaga ng isang tunay na lalaki. May breeding kasi siya, dahil galing siya sa nakaririwasang pamilya.

Sa totoo lang daw, nasa loob ang kulo ni Daniel. Ibig sabihin, kung napaka-wholesome ng kanyang image, mayroon pala siyang itinatagong mga agiw sa buhay. Noon pa napapabalita na gumagamit siya ng droga. Kasi nga, may ilan siyang mga tagong barkada na ang mga pangalan ay showbiz ding masasabi. Ilang ulit na niyang pinabulaanan at pinagtawanan ang isyu tungkol sa diumano’y pagkalulong niya sa droga. Na kapani-paniwala naman, dahil parang wala talaga.

Naku, mayroong kabarkada si Daniel na isang guwapong binata d’yan sa Roxas District, Quezon City. Nagpapatotoo ang nasabing barkada, na mayroon ngang bisyo si Daniel, dahil nagkakasama sila ng guwapong aktor sa pot session.  Napakabait daw ni Daniel kapag siya’y bangag na bangag na. Walang imik at pangiti-ngiti lang. Nakakagulat nga raw ang trip ng aktor. Alam n’yo kung ano? Kapag daw pumunta na sa isang sulok si Daniel, ilalabas na kaagad nito ang kanyang sex organ at kaagad ay magma-masturbate. Mga dalawang beses daw nagpaparaos si Daniel bago matapos ang kanilang session. Heto pa ang nakakaloka, grabe raw pala ang kadakilaan ng aktor. Ang sukat daw noon ay medyo mataba, at ang haba ay dalawang sakmal ng palad, nakalitaw pa ang leeg at ulo ng kanyang kargada, kaya masasampal mo pa! O, laban kayo d’yan?

Ang clue: Si Daniel ay hindi mas-yadong nauugnay sa mga bading. Ang trip kasi niya para sa kanyang sex life, ay mga babaeng mas matanda kesa sa kanya.

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa isa sa mga tinatawag na Ate ng bawat miyembro ng malaki naming pamilya sa Philippine Movie Press Club na si Ate Erlinda Rapadas. Nakakaaliw si Ate Linda, dahil kahit rich na siya, napakasimple pa rin niya. Wala siyang ipinagbabago sa pakikisama. Halatang sobrang happy siya sa buhay, dahil ang inspirasyon niya ay ang sarili niyang pamilya, kaya hindi tumatanda ang kanyang hitsura. Masayang kasama ang aming Ate.

Labyu, Ate Linda!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

13 thoughts on “John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, secretly married in Europe?!

  1. WOW!!!!!!!MABUTI NMN KUNG GANON,CONGRATS SA INYONG 2,,AKALA KO KC NAGTAGUMPAY NA ANG PAGLALANDI NA NMN NG BAKLANG SI LUFFA KAY JLC,,WELL SORRY KA NA LANG LUFFA,MATANDA KANA KAYA  MALABONG IKAW ANG MAGING DAHILAN NG PAGHIHIWALAY NG 2,ISA PA MUKHA KA NANG BAKLA KAYA IMPOSIBLENG IKAW ANG IPALIT NI JLC SA ISANG DALAGA AT BATA AT MAGANDANG SI SHAINA,,,MANAHIMIK KA NA LANG SA MGA ANAK MO,YUN LANG,,MALANDI,MAHABANG HITA NA LAGI MONG IPINAGMAMALAKI MUKHA KA NAMANG OKTUPUS,BAGAY NGA ANG MGA LONG LEG MO SAYO

  2. kadiri tanda na ni john lloyd…sabagay malandi naman kc si baabe. inipit nga cguro ng keps nya notrilya ni lalake.

  3. tahimik kasi ang name ni ROPA ngayon kaya kailangan ga wa ng gemek.laki namn ang talent fee nya kay manny pangilnan eh kaya kahit na di na cya napag uusapan may kadatungan pa cla

  4. love melchor so decent journalist so fair,tamah tumahimik ng iba dya kasi nanahimik naman sila shaina gosh!

  5. naku eh ano pa ang aasahan natin sa isang bitch at isang panot eh di kyembelar ng kyembelar lang yan………….ayos sige tirahan lang ng tirahan

  6. SOBRANG IMORAL AT PUTA YANG C SHAINA MAGDAYAO. WALANG NAITURONG MORALIDAD ANG INA NYA SABAGAY PUTA RIN NMAN YUNG INA NYA NA PINENDEHO YUNG AMA NILA AT SUMAMA SA MAS BATANG LALAKE. PARAUSAN LNG YAN NI JOHN LLOYD PERO DI YAN PAPAKASALAN KC TYAK NA MANLALALAKE RIN YAN GAYA NG INA NYA AT NG ATE VINA NYANG LASPAG NA KABET! BWAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.