John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez meet secretly at Willie’s yacht?

SINAGOT NA NI Ruffa Gutierrez ang isyung away nila ni Tita Anabelle Rama pero nilinaw nitong umalis na muna ito at tumuloy sa condo unit nito sa Greenhills na kung saan doon nakatira si Raymund Gutierrez.

Mahal daw niya at malaki raw ang paggalang niya sa kanyang Mommy kaya hindi na lang niya ito sasagutin. Kaya lang, hindi naman nito sinagot kung si John Lloyd Cruz nga ba ang involved dito.

Para sa katahimikan nila, hindi na lang binanggit si John Lloyd, kaya lang marami na ang nagsasabing siya nga ang dahilan ng away nilang mag-ina.

Sinabi pa ni Ruffa na sana tumigil na ang sumusulsol sa Mommy niya. Pero hindi naman siguro panunulsol ito kung ikikuwento ko ang iba pang nakarating sa amin na balita tungkol sa kanila ni John Lloyd.

Hindi ko naman kasi alam kung paano makontak si Ruffa kaya hindi ko pa ito nakumpirma sa kanya.

May nagkuwento kasi sa akin na ang isa raw sa tagpuan nila ni John Lloyd ay ang yate raw ni Willie Revillame. Reliable ang nagkuwento sa amin, kaya medyo naguguluhan kami kung totoo ba ito.

Kung totoo man ‘yun, ano kaya ang masasabi diyan ni Tita Anabelle dahil close pa naman iyan kay Willie.

Dapat klaruhin ito ni Ruffa, pero siguro bago niya sagutin iyan, linawin muna nito kung ano ba talaga meron sila ni John Lloyd.

NAG-RENEW NG KONTRATA si Pauleen Luna sa Renew Placenta nu’ng nakaraang Sabado, kung saan siya ang endorser nito ng apat na taon na.

Doon sa renewal of contract napag-usapan ang lovelife ni Pauleen na gaya ng kina Tita Anabelle at Ruffa, super-pakialam din dito ang magulang niya.

Sabi naman ni Pauleen, hanggang ngayon, na-appreciate pa rin naman daw niya ang pangingialam ng magulang niya sa kanyang lovelife dahil naniniwala naman siyang mas alam ng mga ito kung ano ang nararapat para sa kanya.

Nitong huli lang, na-link ito sa isang non-showbiz guy na talagang kontrang-kontra rito ang mga magulang niya. Mabuti na lang daw at mahal siya ng Diyos dahil nu’ng nagkaproblema sila sa isyung ‘yun, tinambakan daw siya ng maraming trabaho kaya wala na siyang panahon na harapin pa ang problema sa lalaking ‘yun.

Wala na raw siyang komunikasyon sa lalaking ‘yun as in cold turkey basta nakalimutan na raw niya ito at bandang huli na-realize niyang tama pa rin pala ang magulang niya.

Dahil nga sa sex video scandal, lalo raw siyang naging maingat ngayon at sabi nga niya kapag magka-boyfriend daw siya uli, never daw siyang magpapakuha ng kahit na litrato na nakikipaghalikan sa boyfriend. Mahirap na raw.

Pero one year na raw siyang loveless ngayon at mabuti na lang naging kaibigan naman daw niya ang ex-boyfriends niya.

Sa mga ex-boyfriend daw nito, mas close daw niya ngayon si JC de Vera. Madalas daw silang nag-uusap at nagtsa-chat, pero hindi naman daw ibig sabihing posibleng magkabalikan sila.

Ang narinig kasi namin ngayon, parang kakaiba raw ang closeness nila ngayon ni Dennis Trillo na kasama niya sa bagong primetime series nilang Adik sa ‘Yo na nagsimula na nu’ng Lunes.

Pero siyempre, hindi puwedeng magkadebelopan at baka makasira sa bagong loveteam nina Dennis at Jennica Garcia, ‘di ba?

by Gorgy Rula

loading...

6 thoughts on “John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez meet secretly at Willie’s yacht?

  1. tangna pti b nmn yacht ni willie ginawang hotel hayup sa kalibugan yang 2 adik hahaha tangina c ropaaaaa pa cute sa mga interview tska c ropaa pok pok yan dati pa kung cno cno na mga nka sex nyan sa ibang bansa kadiri at jlc nagtatago kb hehehehe d ka ata lumalabas adik ka JLC haha MAGSAMA KAU NI ROPAA !

  2. if I were you I will just forget everything, every issue ng JLC and RG. Kasi ang solution lang dyan, forget mo na rin yung interest mong panoorin ang tv shows and movies nila.

  3. bagay pala sa akin c ruffa kasi malaki ang boto ko. at type ko din siya. ottog na ottog nga ako kay ruffa eh! pa dilpat naman ruffa sa malaki mong ok.

  4. ofcourse hindi sasabihin ni marian yan in her interviews. eh, di naloka na naman ulit buong bayan.
    but what she said in her interviews doesn’t mean yun din ang totoo nyang saloobin.maybe true, maybe not..hmmm
    so what if marian said that? kung yun ba feeling nya.
    the issue is, bakit palalakihin pa and let the whole nation know about it. we all have our evil side, c’mon.

  5. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol.II Issue #78

Leave a Reply

Your email address will not be published.