John Lloyd Cruz and Isabelle Daza:
It Takes a Man and a Woman!

JOHN LLOYD CRUZ
Real Name: John Lloyd Espidol Cruz
Birthdate: June 24, 1983
Zodiac Sign: Cancer

ISABELLE DAZA
Real Name: Isabelle Diaz Daza
Birthdate: March 6, 1988
Zodiac Sign: Pisces

MIGGY AND Laida are back! After years of waiting, sa wakas ay mapapanood na ng mga hopeless romantics ang third and final installment ng ‘A Very Special Love’ series. On March 30, pakikiligin na naman tayo ng tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo! Powerhug!
Teka… huwat?! Break na ang ating rain dance lovers?! Huwahappened?!
May bago nang babae sa buhay ni Miggy at ito ay gagampanan ng model-turned-actress na si Isabelle Daza. Well, sino ba naman ang hindi mapapalingon sa ganda ng unica hija ng Miss Universe, aber?!
Sa totoong buhay ay parehong committed sa kani-kanilang dyowawits sina Lloydie at Isabelle. Will this movie project change their lives?
Isang ‘rollercoaster ride of emotions’ ang karaniwang resulta ng pagsasama ng isang Crab at Fish. Nauunawaan nila ang isa’t isa dahil pareho silang full of compassion and very emotional. Parehong sensitive ang dalawa at swak ang emotional rapport nila. Alam nila ang pangangailangan ng isa’t isa. Big plus pa ang pagkahilig nila sa music and arts.
Meron din naman ilang differences ang dalawa, pero hindi ito big deal sa relasyon. Mas malawak ang pag-unawa ng Pisces sa bagay-bagay kumpara sa Cancer, na kung minsan ay medyo makitid ang utak. Sa totoo lang, puso ang pinaiiral ng dalawang ito. Wa sila care sa logic o analysis pagdating sa pag-ibig. Romantic din sila by nature kaya hindi problema ang paglalabing-labing. They’re compatible, pero ang isa sa kanila ay kailangang maging praktikal. Dahil sa sobra nilang pagtutok sa lovelife, may tsansa na ito ang ikababagsak nila personally.
Ang bugso ng damdamin ng lalaking Cancer sa babaeng Pisces ay sakto na para mainlab sila sa isa’t isa nang bonggang-bongga. In return, magiging mapusok din ang babae kay lalaki. Walang issue in terms of physical attraction, stability, loyalty and comfort ang union na ito. Madalas pa nga na gets na nila ang nais ipunto ng isa bago pa man ito magsalita. The chemistry is really strong and yes, it’s a great love match! Jackpot!
Well, well, well papel! It seems like Lloydie and Isabelle can hit it off if they choose to. It only takes a man and a woman to make love last!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.