John Lloyd Cruz almost quit showbiz!

MALAMANG NA HINDI malilimutan ni John Lloyd Cruz ang buwan ng Abril ngayong taon dahil sa mga kaganapan sa kanyang personal at propesyonal na buhay. Una, Lloydie and girlfriend Shaina Magdayao will be celebrating their first anniversary this month. Kumusta na ba sila ni Shaina? “Okay naman… Kung may libreng panahon, may libreng oras, we enjoy doing normal things like normal couple would do. Manood ng sine, maghanap ng mga bagong restaurants,” kuwento niya kay KC Concepcion nang magkaroon siya ng one-on-one interview sa The Buzz. Kamakailan lang ay magkasama raw sila ni Shaina at ng kanyang pamilya sa Tagaytay.

Pangalawa, malapit nang magtapos ang kanyang top-rating primetime fantaserye na Imortal na walang sawa pa ring tinututukan ng buong sambayanan. Imortal is his first fantaserye at una nilang pagtatambal ni Angel Locsin. Kilala si Lloydie sa husay niya sa drama so what made him decide to do the series kung saan kailangan niyang gumawa ng mga action scenes? “Hindi naman p’wedeng ‘yun at ‘yun lang ang ginagawa natin. Siguro in a way gusto ko rin. It’s a way of giving back to my audience.” Memorable raw ang kanyang role dito sa series bilang si Mateo Rodriguez. “Ngayon lang ako nag-leather jacket sa Maynila.”

Ano ang mga dapat pang abangan sa nalalapit na pagwawakas ng Imortal? “Every week magkakaroon ng revelation at iyong mga totoong kulay ng characters lalabas na sa papalapit na pagwawakas ng Imortal kaya kapit lang kayo. Huwag kayong bibitiw.”

Lloydie is a brilliant actor. And whether he agrees or not, he’s on top of his game! Pero alam ba ninyo that he almost quit showbiz when he was young? “Siguro 20, 22 [years old] ganyan. Iyon iyong medyo kalat-kalat ang mga priorities ko. Parang ‘di ko alam… I wanted to explore different options na p’wede kong pasukin. Parang you’re looking for a higher purpose.’’ Buti na lang at hindi niya iniwan ang showbiz dahil kapag nagkataon ay isa siyang malaking kawalan sa industriya.

So nahanap na ba niya ngayon kung sino si John Lloyd? “Nahanap ko siguro sa aspeto na iyong John Lloyd na naging part ng industriyang ito. Mas comfortable na ako na ipakita or hindi na ako natatakot na makita ng audience ko or ng tao kung ano ba ako talaga.”

Pero sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career, hindi naman niya kinaliligtaan ang kanyang pamilya. “Ako naman everyday before I go to sleep, I’m wishing sana naibibigay ko iyong kailangan kong ibigay sa pamilya ko, sa mga mahal ko sa buhay.” Kahit abala siya ngayon sa kanyang career, number one priority pa rin niya ang paglalaan ng oras sa kanyang pamilya. “Kahit sinong makausap mo ngayon na malapit sa akin alam nila kung ano ang value ng time sa akin ngayon. Kung gaano kaimportante sa akin ang oras ko, because I have a family to attend to,” sabi niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

11 thoughts on “John Lloyd Cruz almost quit showbiz!

  1. i only became interested again with pinoy showbiz when i discovered watching the john lloyd cruz…he is truly a brillant actor, plus a charming personality—the x-factor…whatever he does it surely is interesting and exciting…so i am addicted watching this guy…thanks star magic for taking care of his career, thanks boy for being good to him…

  2. not into network wars, I watch shows from both networks, however, agree ako, magaling si JLC. Ang galing mag-emote, mapa-comedy, drama or action. Yung expression ng mata niya galing! Sa GMA, sad to admit puro RGuiterrez lang lagi. Ang dami nilang artista na maraming potential. Si TJ Trinidad, he is a good actor. Acutally, I can see a JLC sa kanya. Magaling umarte, ang galing ng expression and his eyes also conveys whatever emotions na kailangan…guwapo pa. Kaya lang puro RG na lang. Yung movies ni JLC or kahit tv shows, kahit na sino ang itapat mo sa kanya, malakas and nahahatak ni JLC sa acting at nadadala niya kasi magaling talaga siya. Wala pa ata akong nakita, napanood or narinig na palabas niya both tv or big screen na hindi humatak sa takilya.

  3. Tama kayo siguro nga yung mga project na napupunta kay Richard G. Baka maging malaking problema ito ni Richard kapag hindi ma improve ang acting niya, uso pa naman ngayon ang mga drama series baka later mawalan sya ng offer. Sabi nga nila madaling sumikat sa showbiz pero mahirap mag maintain ng kasikatan, dapat marunong sumonod sa trend.

  4. Agree ako sa yo Allen, malakas lang si anabil o takot sa kanya ang executives ng GMA kaya nabibigyan ng project si retsard pero bagay lang siyang pang support sa mga nabanggit mong talents. Magaling talaga ang ABS-CBN na mag-train ng mga talents kaya maswerte ang mga kalaban networks pag nag over di bakod ang kanilang artista.

  5. oo nga,wala talaga dating sa akin acting ni Retchard G. akala ko ako lang nakapansin sa buong pinas!mukhang ang angas2 pa!nagkataon lang Gutierrez clan sya!nman walang-wala talaga sa acting nila Coco,JLC,Sid Lucero,at Echo.tingin ko isa lang sila sa talagang may itatagal sa showbiz kung acting talaga ang pag-uusapan.Aktor talaga!Retchard!boo!

  6. mm. layo na ng narating ni john lloyd. from patweetums sa tabing ilog, to drama and even action. that only shows how abs handles their talents.

  7. I agree, di nag grow ang acting ni Richard. Wala kasi ibang alam ibigay ang GMA sa kanya kundi Captain Barbel and other fantasy series. He should accept other roles na heavy drama and tama dapat syang mag worshop.

  8. di lng si JLC, mahusay rin si Coco. Wala namang promising actor sa kabila. Nas ABS-CBN lng ang mahuhusay na actor sa knilang henerasyon.

  9. laikabaito1227 agree ako sa yo, si JL talagang napakagaling umarte, napakahusay. I share the same sentiment with you about Richard’s acting. Guapo lang sya.

  10. Si JL na lang ang natitirang male star na talagang magaling umarte at sikat. Dapat si Richard Gutierez mag attend ng acting lessons, until today pa cute lang si richard kapag drama and scene hindi mo alam kung natatae or ano. lol try ninyo panoorin ang movie nila ni Claudine yung drama scene para syang natatae. true yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published.