John Lloyd confirms he and Ruffa are just friends

NAKAKALOKA NAMAN ITONG si Dr. Manny Calayan. Parang gusto nitong makipag-kumpitensiya pa sa dami ng publisidad ni Dra. Vicki Belo dahil sa sex video. Hindi nga maituturing na eskandalo ang kanyang ginawa sa ASAP last Sunday, pero naman, kahit sino naman sigurong marunong makinig sa isang kanta ay maloloka talaga.

Sa nasabi kasing programa, ini-launch ang self-titled album nito at nang mapanood nga namin si Dr. Calayan, na kumanta nang ‘live’ kasama pa si Martin Nievera, we have proven our point.

Hindi na nga siya nakasabay nang maayos sa concert king pagdating sa boses, eh medyo sumablay pa ang birit niya. Kami talaga ang nahiya for him sa totoo lang.

AT LEAST, SI John Lloyd Cruz na mismo ang nagklaro na never silang nagkaroon ng anumang romantic involvement ni Ruffa Gutierrez.

Hiyang-hiya man ang magaling na aktor, ipinakita pa rin nito ang pagiging isang tapat na kaibigan kay Rufing at ang pagiging gentleman niya nang siya na mismo ang sumagot sa matagal ng tsismis tungkol sa kanila, lalo pa’t ito ang sinasabing dahilan ng break-up nila diumano ng kanyang non-showbiz gf.

Sa SNN the other night, nagpaliwanag si Lloydie at humingi ng dispensa kahit na kay Sarah Geronimo na itinuro ding dahilan din daw ng rumored split-up nila.

ALIW NA ALIW naman kami kay Pokwang nang mapanood namin ito na ginagaya ang nanay ng kontrobersyal na Hayden Kho.

Bukod kasi sa halos nagaya nito ang hitsura ni Mrs. Kho, napakagaling ding nakuha ng komedyante ang istilo ng pagsasalita nito.

Nang huli naming makahuntahan si Pokwang, grabe ang tawa namin sa panggagaya niya kay Mommy Dionesia. Lahat kasi ay swak sa kanya, ultimo ang pagpapa-impit ng boses. Pero nang mapanood namin siya sa Banana Split spoofing Mrs. Kho, naku, isa lang ang nasabi namin, “lumang-luma” sa galing niya ang mga nagpapanggap na komedyante riyan, hahahaha!!!

Pero how true na may mga nagbabalak daw na ihabla si Pokwang dahil sa ginawa niya? Ang reaksiyon daw ay nanggaling diumano sa kampo ni Dra. Belo na kahit nasa abroad ay updated sa mga nangyayari sa bansa at very protective pa rin kay Hayden?

May ganu’n? Tsk, tsk, tsk…

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.