John Lloyd caused Annabelle-Ruffa feud?

BA’T HANGGANG NGAYON, wala pa ring patid ang isyu kina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz? And to think, tapos na ang I Love Betty La Fea, huh!

True ba na talagang nakita ang dalawa sa Mandarin Hotel sa Makati kamakailan? Sabi nga namin, baka naman kumain lang dalawa du’n since magkaibigan naman sila, ‘di ba?

Pero ini-insist ng aming nakausap, me “something” na nangyari. Teka muna, ‘eto na naman tayo. Baka si Tita Annabelle na naman ang first caller namin sa umaga para talakan kami.

Baka isipin na naman ni Tita A eh, meron na naman kaming malisya sa aming isinulat, at pinalalabas naming “nagtsugihan” sina John Lloyd at Ruffing.

No, hindi po sa ganu’n. Kaya nga mas pinaniniwalaan namin ang siney ni Ryffa na magkaibigan lang sila ni John Lloyd at hindi ito ang tipo niyang lalaki.

Naku, ‘pag tinalakan kami ni Tita A nito, ise-segue na rin namin ang tanong sa kanya kung totoo bang me gap sila ng panganay niyang si Ruffa?

Ba’t ganu’n? Ba’t sinasabi niya sa mga reporter na nakakahuntahan niya na sa nga, bumalik na rito si Yilmaz Bektas at kunin na si Ruffa para wala na siyang problema.

It seems me pinag-aawayan na naman ang mag-inang parang aso’t pusa, pero alam naming nagmamahalan sila’t ganu’n lang ang kanilang relasyon.

Ano nga kaya ang pinag-aawayan nila? Sana, mali ang nasagap naming balita na si John Lloyd ang kanilang “paksang” pinag-aawayan.

Pero teka, sino kaya ang tinutukoy ni Tita A na, “Ang pinapatulan naman ngayon ni Ruffa eh, isang hampaslupa!”

Uy, baka wala namang sinasbaing ganu’n talaga si Tita A. Saka imposible ring si John Lloyd ang tinutukoy na “hampaslupa” ni Tita A, kasi, in fairness, walang tsu-choosy ke Lloydie, ‘no!

Lahat ng magulang yata, pinapangarap na makatuluyan ng anak nila si John Lloyd. Pero sa pagkakakilala nakin kay Tita A, mas type niyang sa isang “prinsipe” o sa napakayamang angkan mapunta ang kanyang mga anak.

So, pa’no? Ingat!

KINAUSAP NAMIN NG “baklaan” lang si Ai-Ai delas Alas. Kasi nga, tumayms 2 ang kanyang kagandahan nu’ng mabalitaang meron siyang Venezuelan suitor na ang neymsung ay Julio Cabrerra.

Tinanong namin ang Comedy Box-office Queen kung “nagdyug” na sila. “Wa, mare. Hindi rin. Juice ko, kung gusto ko, madali lang. Pero wa ko muna feel.”

Why naman? “Eh, hayaan muna nating mag-enjoy lang kami sa company ng isa’t isa. Saka baka ‘pag ibinigay ko na eh, dedmahin na ‘ko sa susunod. Ayokong isiping katawan ko lang ang habol niya.”

Isang fashion model itong si Julio at nabalitaan ni Ai-Ai na magkakaroon ng sexy pictorial ang naturang Venezuelan, kaya may-I-watch daw niya talaga.

“Gusto kong makita na naka-briefs lang siya, tingnan ko kung maganda nga ang katawan ng lolo mo?”

Me ganu’n?

NAGPALIT NA NG cellphone number si Aling Dionesia, este, Mommy Dionesia, dahil ang dami raw kulit nang kulit sa kanya sa interbyu kaugnay sa pangsosopla ni Manny Pacquiao sa manliligaw o boyfriend ng ina na isang dance instructor.

Nauna rito’y kinausap sa telepono ni Manny ang lalaki at sinabihang “Bakit pinaperahan mo ang nanay ko?” dahil nga nanghihiram ito ng P3 million ke Mommy Dionesia.

Na sinagot ng lalaki ng, “Hindi po. Nagmamahalan po kami. Puhunan po namin ‘yon para sa isang negosyong itatayo namin.”

Kaya nu’ng Monday, sa aming radio program (sa DWIZ 882 sa inyong AM station, ang Wow! Ang Showbiiiz! 11-12nn) ay pinilit naming makuha ang panig ni Mommy Dionesia.

Pero ang sey ng nakausap ng aming staff, ibinigay na raw ni Aling Dionesia ang number na ‘yon sa kapitbahay nito at hindi niya alam kung ano raw ang new number ni Mommy Dionesia, na buo pa rin ang paniwalang punumpuno pa siya ng “asim…”

Ng isang isang tunay na sinigang?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “John Lloyd caused Annabelle-Ruffa feud?

  1. Aling Dionisia turned Mommy Dionisia? Funny hehe. Ok rin minsan my ganyang issue o kya pag nkikita sya s TV, para my mapagtawanan tayo at lite lng ang bugay.

  2. Mommy Dionisia should hang out with Vicki Belo to get some ponters. Did they go to HOW TO BE A SUGAR MOMMY class together? Ano kayang negosyo and gagawin nila nang dance instructor niya? Probably a clothing (particularly panty) line made of katya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.