John Lloyd at Maja, nagkatuwaan!

DALAWA SA PINAKAMAHUHUSAY na artista ng bagong henerasyon ang napiling endorser ng Banana Peel na nagkaroon ng media launch noong October 29 sa Eivissa Superclub, Tomas Morato Avenue, Quezon City, ito ay walang iba kundi sina John Lloyd Cruz at Maja Salvador. Hindi naman maaaring intrigahin ang dalawang Kapamilya stars dahil alam ng mga utaw na may karelasyon si Maj sa katauhan ni Matteo Guidicelli at si Lloydie eh, kay Shaina naman na napapabalitang may suliranin ngayon at tina-try raw nilang ayusin ito as soon as possible. Meganon? Kahit nga parehong hindi available ang dalawa, mukhang may something na nagaganap sa pagitan nila sa nabanggit na event? Nagkatuwaan daw sila sa isa’t isa? Ito’y ayon lamang sa mga mahadera na nagmamatyag d’un, hehe! Sa mga nakunang litrato ng aming mga kaparazzi, tayo mismo ang humusga kung may katotohanan ba ang mga bintang na itey (bintang talaga?) hehe!

Photos by Luz Candaba

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.