John Lloyd and Luis Kissed!

NATULOY PALA ANG dalawang hunk actors na lumipad patungong Macau dahil bukod sa ginagawa na nila itong Divisoria sa ngayon, du’n pala nila gustong kubrahin ang panalo nila sa pakikipagpustahan nila sa Pacman-Hatton match-up.

Yes, sosyal ang drama ng dalawang hunk actors na ito dahil sa abroad pa talaga nakikipag-deal ng pustahan.

Ayon sa aming reliable source, dalawa rin sila sa mga dedma lang sa isyung nagpapa-book sila du’n sa mga ‘you know hu?’ na nagbibigay ng magandang rate sa kanilang serbisyo.

Kaya naman pala kahit walang gaanong (napapanuod naman sila paminsan-minsan sa mga soaps) projects ang mga ito, living comfortably sila.

UY, NAALIW NAMAN kami sa mga ipinadalang litrato sa amin ng aming mga friends from Davao na super fans daw ng kolum namin dito sa Parazzi.

“Alin nga kaya ang pipiliin?” ang title ng nasabing photos kung saan ipinapakitang namimili ng mga magagandang bulaklak ang Ateng Koring Sanchez.

Hindi pala feel ng matapang at magaling na brodkaster na gumamit ng mga imported flowers sa kasal nila ni Senador Mar Roxas.

Kilala nga naman ang Davao sa pagkakaroon ng flower farms na talaga namang world-class kaya’t bakit pa nga naman gagamit pa ng galing sa labas ng bansa, ‘di ba?

Ang isa pang ikinaloka namin, nang ibalita nga sa amin na tinakasan ni Ateng Koring ang kanyang nobyo habang seryoso itong nakikipag-usap kay Davao City Mayor Duterte para lang lumusob sa mga flower farms, para nga mamili ng mga bulaklak.

For sure, kung puti o dilaw o bughaw o pula ang mapipili niyang kulay, ‘yun na tiyak ang magiging color motif ng kanilang inaabangang kasal this year!

ALIW DIN KAMI sa mga photos na ipinadala ng mga kapwa Vilmanians. Super aktibo talaga ang vilmasantosyahoogroups.com sa buong mundo (take note!!!), dahil talo pa nila ang PR ng Star Cinema sa pagbibigay ng updates on In My LIfe shoot na nangyayari sa new York.

Du’n nga namin nalaman na nakunan na pala ang ‘kissing scene’ nina John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Kilig din kami du’n sa mga litratong nagyayakapan ang dalawa, hahahaha!! ‘Di ba ampon namin si Luis at mahal na mahal naman naming paborito si Lloydie, hay!!

Ibang klaseng Ate Vi naman ang nakita namin du’n sa mga larawan.

Tunay ngang nakaka-excite ang pelikula. Sa September pa ito ipaLalabas and yet, at this early, sobra na itong box-office hit.
Ultimo ang mayor ng New Jersey ay nakipag-pose pa sa ating Star For All Seasons, na nailarawan nga sa ilang on-line sites du’n na version ni Meryl Streep sa Pilipinas pagdating sa husay sa pagganap.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

3 thoughts on “John Lloyd and Luis Kissed!

  1. Pingback: John Lloyd Cruz and Luis Manzano Kiss | Pinoy Channel | Showbiz PEP.ph Kapamilya Kapuso News

  2. Pingback: John Lloyd Cruz and Luis Manzano as Gay Lovers on the movie In My Life

Leave a Reply

Your email address will not be published.