John Lloyd, ‘di nanghihina ang sa nawalang pelikula nila ni Sarah

MARAMING FANS NINA John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang dismayado dahil hindi na matutuloy ang bagong pelikulang pagsasamahan sana ng dalawa under Star Cinema. Ito ay ang pinaplanong third installment ng A Very Special Love at You Changed My Life na siyang nagluklok sa kanila bilang mga Box-Offfice King and Queen sa magkasunod na taong 2008 at 2009.

Ang kampo raw ni Sarah ang nagpasabing hindi na raw sila interesadong gawin ito. Kung bakit, wala pang lumalabas na detalye.

As far as John Lloyd is concerned, mukhang okey lang naman sa aktor kung hindi na tuloy ang muling pagtatambal nila ni Sarah. Sabi nga ng binata, wala naman daw siyang nararamdamang panghihinayang. Unang-una, hindi naman daw umabot sa puntong natapos na ang script. Siguro raw, kung meron na at nabasa niya ito tapos nakita niya raw na may kapupuntahan pa ring maganda ‘yong lovestory nina Laida at Migui (mga characters nila ni Sarah), at nakita niya rin umano halimbawa na ii-enjoy ito ng lahat ng sumusuporta at tagasunod nilang dalawa, baka nga raw manghinayang siya nang sobra.

Sa sinabing kawalan na ng interes ng side ni Sarah to do the said film reuniting her and John Lloyd, hindi maiwasang may mga intrigang maglabasan. Gaya na lang ng ispekulasyong umiiwas daw marahil ang young actress-singer na makipagtambal muli kay John Lloyd dahil baka magkaroon ng isyu sa kanila ng girlfriend ng aktor na si Shaina Magdayao.

Minsan na nga kasing na-link sa isa’t isa sina John Lloyd at Sarah sa dalawang beses na pagsasama nila sa pelikula. At hindi malayong may mabuo na namang love angle kapag muli silang nagtambal.

Subok na kasi ang magandang chemisty at kilig factor na hatid sa fans, not to mention the box-office appeal nga ng Sarah-John Lloyd tandem. Kaya siyempre, asahan na ang posibilidad na i-involve sila romantically sa isa’t isa kahit pa sabihing sa promo lang ng pelikula nila.

Eh, si Shaina pa naman daw, noon pa man ay napapabalita nang possessive at sobrang selosa sa relasyon nila ni Lloydie.  Siyempre pa, makakanti at makakanti ang aspetong ito kapag nagsimula nang i-drumbeat ang muli nilang pagtatambal sa pelikula.

Sa mga panahong ito, parang nata-trauma sa mga intriga si Sarah. Kasi may isyu rin sa kanila ni Cristine Reyes dahil sa diumano’y panliligaw sa seksing aktres ni Rayver Cruz kahit may ugnayan pa umano ito sa young actress-singer.

Nakawiwindang na nga naman kung halimbawa, magkakaroon din ng intriga sa pagitan nila ni Shaina na posibleng mag-ugat sa pakikipagpareha niyang muli kay Lloydie.

Ispekulasyon at haka-haka pa lang naman ito sa sinasabing kawalan na ng interes umano ni Sarah na gawin ang ikatlo sanang project na pagtatambalan nila ni John Lloyd. Kung ano talaga ang rason, tanging ang kampo lang ng young actress-singer ang nakaaalam.

Let’s just wait kung may paglilinaw siyang sasabihin.

“Yon na!

Si Toni Gonzaga na ang kumpirmadong sunod na makakapareha ni John Lloyd Cruz sa panibagong pelikula ng Star Cinema. Excited na nga raw ang aktor sa nakatakdang pagtatambal nilang ito ng actress TV host. He’s looking forward din daw kung ano ang madi-discover nila sa isa’t isa while working together sa loob ng nasabing pelikula. Baka raw this month ay makapagsimula na silang mag-shoot.

Abala rin si John Lloyd ngayon sa taping ng fantaseryeng Imortal kung saan sa unang pagkakataon ay katambal niya si Angel Locsin. At mas lalo umanong nagiging exciting at masaya ‘yong experience habang tumatagal na magkatrabaho silang dalawa.

Hindi lang tungkol sa kani-kanilang career o sa showbiz ang napagkukuwentuhan nila kundi sa iba pang mga bagay gaya raw ng pagkahilig din ng aktres sa mga kotse, mga investments, at iba pa.

Si John Lloyd ang naging replacement ni Robin Padilla bilang bagong leading man para kay Toni. Si Toni naman ang naging kapalit ni Sarah.

Ano kaya kung biglang magkaroon naman ng ideya na pagsamahin sa pelikula sina Sarah at Robin? Single si Sarah ngayon at pasok sa sinasabing kuwalipikasyon ni Robin na kailangang walang sabit ang kanyang leading lady na baka masagasaan.

‘Yon nga lang, si Robin ngayon ang may sabit. Dahil lantad na sa publiko ‘yong espesyal na ngang pagtitinginan nila ni Mariel Rodriguez at balitang may pelikula nang pinaplano para sa mga ito.

Anyway, pasasaan ba at may maiisip ding bagong project para kay Sarah ang Star Cinema. And a new leading man din for her na hindi nakakatakot i-experiment at sugalan dahil sure fire na kakagatin din ng fans.

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

12 thoughts on “John Lloyd, ‘di nanghihina ang sa nawalang pelikula nila ni Sarah

  1. look what has happened now…ang lakas ng movie ni jlc at toni and Alyna( shaina’s teleserye) is doing well…na extend pa! but look at Sarah tyugi yong show nya na IDOL…hahahaha… God pours His blessings to those who are HUMBLE….like shaina and jlc!!!!!

  2. Malakas ang Miss You Like Crazy ni Bea kaysa Hating Kapatid kaya takot si Sarah na baka hindi na mapantayan ang dalawang movie nila ni John Lloyd. Sana sinubukan niya at kung talagang hindi kikita ay iyon na ang huli. Maraming negative comments kay Sarah mula nang inendorse niya si Legarda at Villar. Takot na at nagiging sigurista lang siya. Sayang din ang project na inayawan niya. Basta siguruhin lang niyang lahat nang susunod na pelikula na wala si JLC, magiging blockbuster dahil isisisi nang management sa kanya ang pagayaw niya kay JLC.

  3. Malakas ang In My Life kasi Vilma Santos movie yun….credit is not for JLC…kahit nga not known actor ilagay mo dun kikita eh……..good move lang naman inde matuloy movie nila ni Sarah kasi ang daming issues ni JLC etong taon na ito………Inde kaya kaya pinagsama ng Dos si Toni at JLC para lang magka movie? kai si Toni inayawan ni Robin si JLC inatawan ng kampo ni Sarah.. I guess inde naman talaga si Sarah ang may say kung aayaw o gugusto ituloy kundi ang Viva………pero sa case ni Robin at Toni….si Robin talaga ang umayaw kasi gusto nya may love angle…ewan ko lang kung kumita yang Robin Marielle kasi madami inis kay Marielle

  4. ewan ko lang a, pero naremember ko dati nung avsl pa lang yung mga times na box office hit na to tapos iniinterview sila ni sarah si jlc tlga ang hesitant na sundan ang movie agad kc daw bka di mhigitan o mapatayn man lng ang part 1 prang binibitin niya si sarah o ang camp nito, thou wala lng imik si sarah go w/ the flow lng, khit medyo nkkaoffend ang dating ng words ni jlc. siguro ngaun msyado ng stress si sarah dhil sa dami ng paninira sa kanya way back election upto now……at di b nga d naman kalakihan ang tf ni sarah sa movie mataas p sa concert tapos madedrain p siya ng husto kc may soap sya IDOL……plus may chika p possessive si shaina ayaw niya siguro gulo…..then ang abs napapansin ko harsh ang mga decision ginagawa nla sa mga artist na hind nila mamanduhan ng husto tulad ni sarah na hindi star magic kundi viva talents.parang yung policy nila na artista k lng pwde ka mpalitan kmi ang dapat masunod. pero hindi applicable sa lahat tulad kay kris kc malakas yun sa 2.

  5. Robin Padilla made a grave mistake. Inayawan si Toni dahil may sabit. Bakit, kailangan ba na ang lahat nang leading ladies niya, magkaroon nang relasyon para pumatok sa takilya? Laking pagkakamali Robin. Toni’s movies are all blockbusters. Si Mariel, proven Flopsina Princess. Puro flops ang movies niya at maski ang tv shows niya mababa ang ratings. Mistake, big mistake. . . .

  6. sinu nga,ling ako kasi sabi ko pagkatapos kong matalo sa kampanya win or lose di na ako magaartista pero makapal muka ko eh ubod ako ng sinungaling at iniyoiyot kona yun c pinky webb d bale rapist din kapatid nya ehhhhhhhhh ang asar talo nood kayio ahhhhhhhhhhhhh

  7. Napatunayan ni JLC na sya talaga ang Box Office King maski hindi nya kasama si Sarah. In fact, for this year, so far movies nila ni Bea ang nangunguna sa box office records. Last year, In my Life is more than P100 million earner. Si Sarah, so far around P75 million pa lang yung Hating Kapatid nya, to think na kasama dun si Juday at Lucky, so, hindi pa rin yun super blockbuster na matatawag, though no doubt kumita na. I think napaaga masyado yung pagtanggi ng side ni Sarah, dapat inantay muna nila yung result ng Hating Kapatid, kaya ngayon nasa side ni JLC ang advantage kaya cool lang sya kung ayaw nina Sarah. I think the substitute na JLC-Toni Gonzaga tamdem might work realy well. Kaya dapat, lagaing mababang loob lang, kasi walang nakakaalam sa pwedeng mangyari in the future.

    • at least sarah proved na di lang pera pera ang habol nya…ang pangit nga naman if she’ll do a movie with jlc na hindi bukal sa kalooban nya….ok lang na di matuloy, sarah is very talented movies and concerts, no doubt kumikita talaga

      • Ang camp ni Sarah sa ngayon may reputation na lahat ng pakakakitaan kinukuha, aside yung kinainisan ng lahat na political endorsements nya last election, base sa reviews ng HK nagmukhang TV show kasi daming ads. Kaya malakas ang loob nilang tumanggi sa movie with JLC kala nila papalo ng husto sa box office yung HK at tatalunin ung Miss You Like Crazy. In the end, proven pa rin na mahalaga na maganda yung movie bukod sa sikat ang artista dito.

  8. BELIEVED ME OR NOT JOHN, JINX SI SHAINA SAYO. DAHAN DAHAN MAWAWALAN KA NG PROJECT. NAKAHALATA NA KASI MADLANG PEOPLE GINAGAMIT MO LANG MGA LEADING LADIES MO, RIGHT? . . . YOURE JUST FOR THE TAKILYA… OBSERVED.

    • ur observation is very true… manggagamit nga ito sa mga leading ladies nia, kunwari mga type nia. just like the way she used bea alonzo… bagay cla ni shaina, parehong lasengga…

Leave a Reply

Your email address will not be published.