John Lloyd, ‘di nagpapaapekto sa malisyosong isyu

PALABAS NA ANG pinakaaabangang primetime teleserye ni John Lloyd Cruz na Imortal. He is paired up for the first time with the beautiful and sexy Angel Locsin. Kakaibang Lloydie ang makikita natin sa series as he plays Mateo Rodriguez, a mysterious young man who is destined for greatness and power. I can’t wait to see him doing death-defying action stunts on Imortal. Ano kaya ang kahahantungan ng pagmamahalan nina Lia (Angel) at Mateo sa mundo ng mga imortal?

Like starring for the first time in a fantaserye, it was also Lloydie’s first time to talk about the hospital scandal which involved him and girlfriend Shaina Magdayao. Isang malisyoso at bastos na intrigang walang basehan ang pinanggalingan at gawa-gawa lang ng mga taong malilikot ang imahinasyon.

In an article by Rachelle Siazon on PUSH.com.ph and posted on ABS-CBN.com, Lloydie said in a recent exclusive interview with ABS-CBN reporters, “Kung tungkol lang doon sa balitang iyon, hindi naman nakaapekto sa amin iyon ni Shaina. Sa trabaho, hindi naman nakakaapekto. I mean, hindi ganoong bagay ang makakaapekto sa trabaho ko. Alam ko iyong mga bagay na makaaapekto sa mga ginagawa ko at hindi iyon isa sa mga iyon.”

Nauna na ring nagsalita tungkol dito si Shaina sa presscon ng kanyang bagong teleserye na Precious Hearts Romances Presents Alyna. She firmly denied na may nangyaring ganito sa kanila ni Lloydie.

Sinabi ni Lloydie na hindi naman kailangan ni Shaina na humingi ng permiso sa kanya nang nagsalita ito tungkol sa isyu. Kaya raw i-handle ni Shaina ang kanyang sarili. Masaya rin siya dahil very vocal ang girlfriend sa pagsasabing he makes her feel secured. Ginagawa lang naman daw niya ang kanyang parte sa kanilang relasyon.

Sa kabila ng mga intrigang kanilang pinagdaanan (at maaari pang harapin sa future), nananatili pa ring matatag ang kanilang pagsasama. Lloydie said, “‘Di ba, what doesn’t kill you will only make you stronger? Walang ibang pupuntahan iyon kundi gagawin ka niyang matatag.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “John Lloyd, ‘di nagpapaapekto sa malisyosong isyu

  1. WE LOVE MARIEL AND ROBIN TANDEM!!!
    SOBRANG KILIG AT NATURAL TALAGA!!!
    SANA BUMALIK NA SILA ROBIN AND MARIEL FROM INDIA! MISS NA NAMIN SILA DITO SA SAN DIEGO!!!

  2. Imortal sana ang makakatulong sa pagbangon nang ABS-CBN sa ratings. Hinaluan kasi nang kamalasan nang magconcentrate sa tandem tandem ni Robin at Mariel. Marami ang nainis at inilipat ang tutok sa GMA7. Ngayon, tahimik na. PWNW, balik na ang tube sa bahay at nanonood na uli kami nang bagong PWNW. Noong panahon ni Robin at Mariel, parang gusto na naming itapon sa basura ang telebisyon sa inis. Nasayang tuloy.ang ibinabayad namin sa TFC subscription. ABS-CBN, ngayon, maganda na ang shows ninyo. To name our favorites: Noah, Kokey At Ako, Imortal, Magkaribal, Alyna, ASAP, The Buzz, PWNW, Entertainment Live with Ogie and without Mariel, Kristine PHR, Rosalka at ang news. Hindi masyado sa Idol. I have named shows that have rated well.

Leave a Reply

Your email address will not be published.