John Llloyd Cruz, walang dapat ika-insecure kay Joross Gamboa – Ogie Diaz

NAKATUTUWA NAMAN SI Konsehala Alma Moreno. Napaka-thoughtful. Pag-uwi namin sa house, aba, merong isang kahong pula na ang laman ay apples.

Anyway, kahit ano pa ‘yon, basta naalala kami, eh, maligaya na kami at hindi na kami choosy.

Ang medyo nakapukaw lang ng atensiyon namin ay ‘yong greeting card na ang pangalan ng nagpadala ay si Konsehala Alma Moreno-Salic.

So, hindi true na wala na si Alma at ang dyowa niyang isang kapatid na Muslim.

TAMA ANG NAGING desisyon ni Bayani Agbayani. Eh, kung wala na nga namang project para sa kanya ang ABS-CBN, eh, ‘di maghanap ng ibang network na magtitiwala sa kanyang talento.

May pamilyang binubuhay si Bayani. Kung tatanghod lang siya sa paghihintay kung may nag-aabang na sitcom sa kanila ni Aga Muhlach ay makapaghihintay pa naman siya siguro.

Kaso, parang wala. Eh, nandiyan naman ang ibang istasyon na gusto siyang kunin, eh, ‘di… go! Basta sinabihan namin si Bayani na don’t bite the hands that fed him.

In fairness, sa ABS-CBN naman siya nakilala, nagkapangalan, kumita, kaya ang sey ng komedyante, “Oo naman. Ganu’n naman tayo, eh. Malaki pa rin ang utang na loob ko sa Channel 2, dahil malaki ang nagawa nila sa buhay ko at sa pamilya ko.

“Kahit naman si Tita Angge, malaki rin ang utang na loob ko d’yan. Nagkaintindihan kami na lilipat muna ‘ko ng Channel 7. Masyado lang identified si Tita A sa ABS-CBN, kaya kumuha ako ng manager na taga-Channel 7, si Noel Ferrer.”

So, good luck, Yani, at mas pressure sa ‘yo ngayon ‘yan. Dapat, mas mag-exert ka ng super mega effort ngayong sobrang tiwala sa ‘yo ang Channel 7.

TAMA RIN ANG naging attitude ni John Lloyd Cruz na imbes na mainis porke hindi siya, kundi si Joross Gamboa ang wagi bilang Best Actor in a Single Performance ay natuwa pa siya’t ang ka-level na niya ngayon ay ang malalaking artista.

Para sa amin, walang dapat patunayan si John Lloyd. Versatile siya. Kaya niyang umarteng parang bata.  Magpa-cute. Magpaka-seryoso, magpatawa.  ‘Yan ‘yung sinasabi naming sa hirap ng buhay nu’ng araw na pinagdaanan ni John Lloyd ay nakaaarte siya nang tama, may lalim at may pinaghuhugutang “pain” sa buhay.

At kung kami ang naging judge, siyempre, panalo si John Lloyd over Joross. Eh, ang kaso nga, hindi kami member ng PMPC para ipaglaban ang lolo n’yo. Hehehe.

ANG TARAY NG It’s Showtime! dahil kelan lang nag-umpisa, tumutuntong na sa 20% ang kanilang ratings, huh! Habang ang katapat nitong Sis ay humahamig lang sa ratings ng 6, 7, 8%.

S’wak na s’wak kasi ang ingredients ng It’s Showtime. “Sariwa” sa telebisyon ang dating ni Vhong Navarro at Anne Curtis. Si Kuya Kim naman, bagets na rin ang dating at isama pa si Jugs at si Teddy.

At siyempre, iaangat na namin ang bangko ng aming talent na si Vice Ganda na talaga namang kaabang-abang palagi ang kanyang comment sa bawat grupong nagpe-perform.

Sana, ma-sustain ang format ng programang ito na talaga namang kinaiinsekyuran na.

Nakatutuwa nga si Joey de Leon, puring-puri niya ang show, lalo na si Vice Ganda.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “John Llloyd Cruz, walang dapat ika-insecure kay Joross Gamboa – Ogie Diaz

  1. Maganda ang Showtime na pinaghalong Wowowee at Talentadong Pinoy pero hindi naman ang host ang inaabangan dito kundi ang comment ni Vice Ganda kaya kahit wala mga host na yan eh ok lang basta nandun si Vice Ganda na sya lang nagpapasaya sa viewers.

    I saw the ratings ang taas nga nya. infact nag #2 na sya sa daytime na pwesto ng Nagsimula sa Puso. at konti na lang ang lamang ng Wowowee sa kanila. Pang #6 ang Eat Bulaga for Daytime Ratings nationwide.

    Tama lang ang decision ni Bayani na lumipat sa GMA-7 kasi duon konti ang artista. Hindi maganda sa DOS kasi wala naman silang show for comedy. Tapos palakasan pa kay Deo Endrinal. Sana madami pang lumipat para maisip ng mga LOPEZ na mali ang palakad ni Deo Endrinal.

    Hindi na kailangan ng loyalty lalo na kung may pamilya kang binubuhay. Magiging favor ito sa GMA-7 kc made-develop ang mga acting ng mga Kapuso Talents. Ang laki ng TF ni Claudine, double ng TF ni Marian. Buti hindi nag-react si Marian. Kung lilipat din si Maricel Soriano na ang laki din ang TF pag gumagawa ng teleserye. Di kaya mamulubi ang GMA-7.

    • #1 ang SHOWTIME sa time slot nila mapa AGB or TNS man, bago kasi ang show at SARIWA!

      inggit lang yan bakla!
      pagbutihin nyo ang sis kasi matatanggal na! bwahahaha!

  2. ngayon ko lang napuri si JDL. hindi ako makapaniwala na pinuri niya ang showtime.. ay oo nga pala, hindi si willie ang host dito. ako rin, gustong-gusto ko ang show na ito at hindi ko pinalalampas. pag busy ako ay nire-record ko na lang sa dvr.

  3. binayaran din ni becky aguila ang pmpc para manalo si joross e mas magaling pa rin si jlc sa kanya!
    ogie, baka ma insecure si papi este will sa showtime niyan..

    • dats not true…deserving c joross 2 win
      mas mani2wala ako syo kung cnabi mo na ung ibinyad ni becky ay 4 valeries award…coz she rily not deserve d award…
      best host na pla pra sa pmpc ang taga hawak lng ng mic ng contestant sa show nila na prng palamuti lng sya don at sabay sapaw nila mariel at pokwang sa kanya….just look at d show…kawa2 c val.

Leave a Reply

Your email address will not be published.