John Lapus, naaagawan ni Vice Ganda ng mga project

SA PAKIKIPAG-USAP namin kay John Lapus kamakailan, agad niyang siniguro sa amin na wala siyang naramdaman na anumang sama ng loob kay Direk Wenn Deramas at maging kay Vice Ganda na hindi niya natuloy gawin ang supposed to be launching movie niya na Boy, Girl, Bakla, Tomboy at si Vice na nga ang gagawa nito.

Aminadong nalungkot siya dahil pinaghahandaan niya ang nasabing pelikula, kung saan nagpapapayat siya ngayon na siyang hininging kundisyon sa kanya ni Direk Wenn at mag-a-undergo nga sana siya ng workshop kay Eugene Domingo dahil sa mahusay na pagkaaganap nito sa pelikulang Kimmy Dora. Pero agad naman niyang natanggap at naintindihan na maaaring hindi talaga sa kanya ang nasabing proyekto.

Ikinuwento ni Sweet na dapat pala ay sa kanya rin ang pelikulang This Guy’s In Love With You Mare na pinagbidahan nina Vice, Toni Gonzaga at Luis Manzano, pero dahil nagco-produce dito ang Star Cinema ay napunta ang role kay Vice na para kay John ay kauna-unawa naman dahil ABS-CBN ang kaibigan. Sa kaso naman ng Boy, Girl, Bakla, Tomboy, kailangan nang magsimulang mag-shoot ng pelikula si Direk Wenn sa Viva at ito ang available na materyales na puwede nitong gawin. Kaya nagpaabiso naman sa kanya ang box-office director tungkol dito. At kahit sa pelikulang This Guy’s In Love With You Mare ay nagsabi rin sa kanya si Direk Wenn.

Sa sinasabi ng iba na dapat ay tinawagan siya ni Vice tungkol dito, nagbigay-pahayag si Sweet na hindi na naman ito kailangan gawin pa ni Vice bukod pa sa baka hindi nga nito alam ang sitwasyon na ito pala ang dapat na gagawin ni Sweet na launching movie.

Masaya sa magandang nangyayari sa kanya sa ngayon sa ABS-CBN kung saan kamakailan ay nagkaroon agad ng victory party at thanksgiving ang lahat ng bumubuo ng Kahit Konting Pagtingin dahil sa tumataas pa lalong ratings ng show, bukod dito ay parte rin si Sweet ng Kathryn Bernardo at Daniel Padilla launching movie na tiyak na magiging isang blockbuster. Nasa kontrata rin ni Sweet na may dalawa siyang pelikula na gagawin sa Viva ngayong taon na ito, ito ay isang pelikula na isa siya sa lead at isang solo movie na magsisilbi na niyang launching talaga.

 

MASAYA SI Karylle na balik-trabaho muli ang kanyang inang si Zsa-Zsa Padilla sa seryeng Juan dela Cruz. Alam niyang maligaya ang ina dahil bukod sa napakaganda nitong proyekto ay alam niyang malaking tulong ito para maka-move on na nang tuluyana ng Divine Diva sa pagpanaw ni Tito Dolphy.

Mas madali nga lang mapagod si Zsa Zsa dahil sa surgery na ginawa sa kanya nu’ng nakaraang taon at puyatan talaga ‘pag taping. Pero alam ni Karylle na madaals mas masakit ang emosyonal na sakit kaysa sa pisikal at alam niyang malaking tulong ito para paunti-unti ay mabitawan na nito ang sakit sa pagkawala ng Comedy King.

Kinumusta namin ang lovelife at kundi ba pinagseselosan ni Yael Yuzon ang biruan at pagpu-push sa kanila ni Jhong Hilario sa Showtime, ipinaliwanag naman agad sa amin ni Karylle na love triangle ito, kung saan kasama nila si Vice Ganda.

Ayon kay Karylle ay hindi seloso si Yael at biruan lang naman ang lahat kaya walang dapat ipagselos. Iwas at matipid pa ring sumagot ang TV host nang tanungin namin ang relasyon nilang dalawa na para kay Karylle ay ‘di niya ito pinag-uusapan at mukhang desisyon niya talagang gawing pribado na ang kanyang buhay pag-ibig.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

7 thoughts on “John Lapus, naaagawan ni Vice Ganda ng mga project

  1. e panu. sinabihan na magpa payat ang baboy na baklang sour… hindi nagpa payat! hayun at kay vice walang modo at ganda napunta mga projects niya. mga balahurang mga bakla kayo!!!

  2. NAKAKA PIKON SI WENN DIMANAS!!! HALATANG MAS KINIKILINGAN SI VICE AT SCHEDULE NIYA ANG NASUSUNOD HA!?! TO THINK NA PINAPAG DIET NIYA SI SWEET, ETCHOS LANG PALA KASI GAGAWAN DIN NIYA NG PARAAN PARA MAPUNTA KAY VICE.  ANO NAMAN KAYA ANG DAHILAN NIYA NOONG BINIGAY NIYA YUNG THIS GUYS IN LOVE WITH YOU MARE?!  ETCHOS DIN YUNG DAHILAN NA CO PRODUCER ANG STAR CINEMA.  MGA KASINUNGALINGANG EXCUSES ANG BINIBIGAY KAY SWEET.  DI HAMAK NA MAS BUSY SI VICE SA IBA NIYANG COMMITMENTS PERO TALAGANG KANYA PARIN BINIBIGAY AT SI WENN DIMANAS PA TALAGA ANG NAGDEDESISYON?!? HALATANG HALATA NA TALAGA ANG  PAGKA BIAS NETONG DIREKTOR NA ITO.  KUNG NANINIWALA KA SA ABILIDAD MONG MAGDIREK, HUWAG KANG MATAKOT SUMUGAL SA MGA KATULAD NI SWEET- DI KASING SIKAT NI VICE PERO MAY TALENT NAMAN!!!

  3. I like Sweet very much. He very talented at walang kaere-ere sa katawan. Wala rin syang masamang tinapay kahit kanino. He will go a long long way. I am praying for your success Sweet!

  4. magaling siya sa moron 5 even in temptation  , sana nga this year ma launch na siya as lead co produce din ng star cinema , now may possibility na kasi nasa abs ulit siya , very humble person ill pray for your success not  a fan but you deserve i think :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.