JOHN LAPUS, MAGDEDEMANDA NG LIBEL…WEH, ‘DI NGA?!

MORE THAN A mediocre TV host, mas kilala bilang komedyante si John ‘Sweet’ Lapus. Pero kapag seryoso’t imbiyerna na pala siya, he’s even more comic!

Pinalagan ni John ang artikulong isinulat ni Jobert Sucaldito (hindi rito sa Pinoy Parazzi) nitong Sabado, kung saan nambastos ito umano ng isang lalake sa The Library a few nights ago, matapos siyang ayawan sa paanyaya niyang ‘gumimik’. Dawit pa ang nananahimik na si Shalala na umano’y ipinagsisintir ni John kung bakit pinatulan noon ng lalake, samantalang tablado siya.

Ayon pa sa ulat ni Jobert, lasing umano si John, nagtutungayaw ito sa lalakeng hindi niya ‘nabighani’. Bad trip siyempre ang lalake, na kung hindi raw nakapagtimpi ay muntik nang basagan ng bote sa ulo si John.

Kung maaaprubahan ng legal department ng GMA-7, ilalabas ng Startalk TX sa darating na Sabado ang interbyu sa lalakeng binastos umano ni John, with the latter’s side as well. Kayo na ang bahalang humusga.

Jobert also made reference to a previous incident at Guilly’s Bar, same scenario. Palung-palo rin daw si John nang lapitan ang isang lalake, pinresyuhan daw niya ito, pero hindi kumagat sa bitag ni John. Kung hindi ako nagkakamali, naikuwento na ito mismo sa inyong lingkod ni Suzuki, was he the guy whom John allegedly wanted to have a one-night stand with sa halagang limang libong piso?

John flatly denied it. Fine.

But what seems “un-fine” ay ang bantang pagdedemanda ni John sa mga reporter na nagsulat, nagsusulat, at magsusulat ng maling impormasyon tungkol sa kanya. Bilang pagsunod na rin daw ‘yon sa kanyang New Year’s resolution… ang magdemanda?

John has reportedly consulted with his lawyer (weh… di nga?) dahil idedemanda rin daw niya ang kahit na sinong reporter kahit pa may ‘raw’, ‘daw’, ‘umano’ at ‘diumano’ ang anumang negative item attributed to him. So very funny!

Teka, ma-review nga ang itinuro ko sa aking Journalism class noon on libel. May four elements to constitute a libel, alam kaya ito ni Sweet?

Kung ako kay Sweet (thank God, this is just a supposition), let this be a lesson on propriety. Isa siyang celebrity whether he likes it or not, or I must say, whether we like him or not.

And puhleez, tigilan niya ang banta sa press with his libel charge. Even the biggies in showbiz tulad nina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Kris Aquino, to name a few, have not sued any reporter for libel…isang John Lapus lang na hindi lang pala nalulunod sa isang basong tubig, kundi sinasapian din sa isang shot ng alak?

MAKAPIGIL-HININGA ANG KINALABASAN ng Star Power Final Showdown nitong Sunday. In fairness, all four finalists are already celebrities in their own right.

Early on, bet ko na talaga si Angeline something. Kahit hindi nga ako pamilyar sa mga kinanta niya, I knew she hit the right notes, her vocal chords well-placed.

Pero habang pinagmamasdan ko si Angeline, lalo’t with her hair combed backwards, I heard myself saying: “Sh…t, may kamukha ang batang ‘to!” Isip, isip pa, isip pa uli.

Finally, napagtanto ko kung sino ang kahawig ni Angeline, walang iba kundi ang peborit kong komedyante…si Vice Ganda! With such identical looks, malayo ang mararating ni Angeline!

ISANG KASAMBAHAY NA hindi pinasahod nang tama ng among babae, pero sagana naman pala sa romansa mula sa among lalake. Ito ang kuwentong nakapaloob sa episode ngayong araw, Miyerkules, sa Face To Face na may angkop na pamagat na ‘Si Kasambahay, Hirap Kay Ma’am Pero Kay Sir ay Ligaya Naman’.

Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang kuwento ng isang babaeng itinakwil ng kanyang limang kapatid sa pag-aakalang baliw ito, sa episode na pinamagatang ‘Kapatid, Baliw Ka Nga Ba Kaya Ikaw ay Isinusuka?’

Bunga ng pagkakaabandona sa bida ng real-life story na ito, naitulak si Carol sa pagpapagamit ng kanyang katawan, makaraos lang sa buhay at maitaguyod ang mga anak. Nagpaka-public service naman ang Face To Face sa ipinangakong banana cue business kay Carol.

Of all negosyo… saging talaga?


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.