John Lapus, inilaglag ang sariling staff?!

IF COLLECTIVELY SUBJECTED to a lie detector test, tiyak na TRUTH ang ipa-flash ng police inspector sa sagot ng ilang staff ng Showbiz Central (na yes answer) sa tanong kung dismayado nga ba sila kay John Lapus (at least, I didn’t make oral reference to my “favorite” TV host).

Eksena ito sa naturang programa noong Sunday, si Bianca King ang sumalang sa segment na Don’t Lie To Me. Originally, may apat na tanong na ibabato si Sweet (John’s ironic monicker), the last of which had something to do with the infamous Ampalaya Anonymous, ang cyber gang na kinabibilangan ni Bianca.

Maayos naman ang pagkaka-construct sa tanong, ‘yun ay kung feeling ba ng mga miyembro ng naturang grupo ay nakapananakit o nakasasagasa sila ng ibang artistang hindi nila kaanib. But Bianca, who was paid a hefty P15,000 for her guesting, put her foot down.

Nagbanta raw ang aktres na magwo-walk out sa studio kung itutuloy ni Sweet ang pagtatanong. Slightly bothered, kinontak naman agad ng staff ng SC ang manager ni Bianca, si Arnold Vegafria who found nothing wrong with the inquiry. At kung sakali raw mag-walk out ang kanyang alaga, well and good, at least, it would have been the next issue people would love to talk about.

‘Ika nga, the air had already been cleared. Call na ‘yon siyempre ng SC lalo’t may basbas naman ng mismong manager ni Bianca. Ang nakaiirita kasi sa mga ganitong guesting scenario, almost always, the talk show is at the mercy of its whimsical guest. In short, saksakan nang arte, samantalang bayad naman ang kanilang appearance, hello!

Instead of invoking his right to free, no-holds-barred discussion, nagpaka-sweet-sweetan itong si Sweet. Hindi na raw niya itatanong ang huling question, gayong ang ipina-plug ng SC ay ang rebelasyon ni Bianca tungkol sa kanyang kinaaanibang grupo!

Worse, Sweet commited a crime of betrayal towards his staff. Kesyo hindi raw siya na-brief ng writer assigned, gayong klaro sa kanya ang stand ng show. Hayun tuloy, disgust was written all over the face of the staff, ilaglag ba sila?!

Let’s face it, marami na ang tumutuligsa sa “old school” type of hosting ni Sweet who resorts to obsolete Filipino con-

junctions such as “subalit, datapwat, ngunit etc.” All the more na magmumukhang CHEAP ang standard spiels ni Sweet with reference to the manikuristas and the pedikuristas at some parlor in his desperate attempt to inject comedy, but certainly to no avail.

Idagdag pa ang kanyang mala-megaphone, cacophonous voice that finds its rightful place in protest rallies with no cause to fight for. Tigilan na ang ganitong uri ng pagho-host that insults the sensibilities of the viewers.

While showbiz-oriented talk shows are mostly gay-dominated, maiaangat mo pa rin ang level ng showbiz news reportage with a more decent presentation that only more decent gay personalities can deliver.

Tumigil na si Sweet in his delusions of grandeur (acronymed D.O.G.) that he’s cut out for TV hosting. Dog?… Sweet just barks, period.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “John Lapus, inilaglag ang sariling staff?!

  1. hay naku puro na lang crab mentality ito ano ba ang credential mo ronnie carrasco at kung mag bintang ka kay sweet ganon ganon na lang INGGIT BA YAN…HAHAHHA oh well sino ba di maiingit kay JOHN LAPUS magaling ang baklang yan.kahit sana mo ilagay mahusay at kung maging lalaki man sya MAS MAITSURA pa rin sya sa iyo CARASCCO..um alam mo ba ibig sabihin ng apelido mo….it means korakot at karakas hahahha how does it feel na laitin ka in fairness ronnie ang pangit mo hahha and sytle of writing mo trying hard magtagalog ka na lang…saan pipitsugin school la pa graduate

  2. I – N – S – E – C – U – R – E ke john lapus ang reporter na to kasi obvious naman na lagi niya ito tinitira.. mula pilipino star ngayon hanggang dito.. pati sa startalk..

  3. hoy ronnie carasco! halata naman na me itinatago kang inis at galit ke john lapus. palibhasa bataas ka ni boy abunda. nilalagyan mo lagi siya ng malisya bruha ka!

  4. SWEET PAKIPAYUHAN MO SI RAYMUNDING NA MAG LADLAD NA .MALUNGKOT ANG BUHAY NG TAGONG BAKLA.

  5. Disappointed lang ang marami dahil hindi na air ang dirty laundry nang Ampalaya, kung sakaling mayroon nga. Mas cheap pa tayo kay Sweet dahil naghihintay tayo nang dumi. Nabubuhay ata tayong mga pinoy na maligaya kung may masamang nangyayari sa ating kapwa. Misery begets misery. . ., iyan tayo.

  6. Si Bianca king feeling ka-level ata mga bigating artist Kung Kaya ganun na Lang ang demang ng potang starlet

    • maganda rin naman in fernes si bianca lalo na that day sa cs flawless ang dating.. kaya lang kung sa akting kontrabida na nga iisa hindi sya fluid nakakahon ang dating masyadong emphasize yung baba nya.

  7. I respectfully disagree with your insinuations of betrayal. A decision making responsibility has been placed on his hands and it’s his call to go ahead or not. People don’t always agree but one has to do what he’s got to do!
    It’s funny how the article is geared towards “staff sentiments” for John Lapus (valid) but then ends with John bashing attributed to “marami” without giving a qualifier who these “marami” are!
    Cheap shot!

  8. tama!!! naalibadbaran ako sa bading na to… paulit ulit nalang ang call center agent, manikurista, naglabada sa batis…

    malayong malayo kay boy abunda!

  9. ka cheapan naman yang si lapus! kaya ako, never nanood ng SC… trying hard! Feeling host e hindi naman…

Leave a Reply

Your email address will not be published.