John James Uy, hina-harass!

NATIGILAN SI JOHN James Uy, ang Be Bench finalist na ngayon ay nagko-concentrate sa kanyang showbiz career, nang itanong namin kung sino ang tila gumagawa ng kalokohan sa kanya at ipinagkalat minsan na siya’y naaksidente habang nagmamaneho raw sa kahabaan ng EDSA.
Obviously, hindi totoo ang chikang ito dahil agad ay nag-respond si JJ the day after na kumalat ang chika sa text message namin at nakipagkita siya sa amin sa Starbucks ng ABS-CBN compound. Kagagaling lang niya sa taping ng Your Song Presents…. Gaano Kita Kamahal nang kumalat ang chika. Tinanong namin agad kung sino sa palagay niya ang gumagawa ng ganitong pangha-harass sa kanya.
Sinabi ni JJ sa amin na ilang buwan na raw na may gumagambala sa kanya sa text messages. Umabot nga sa puntong pati ang Facebook at Friendster accounts niya ay na-hack. Nanakaw rin ang password ng kanyang e-mail account sa Yahoo!
Kung anuman ang dahilan ng pangha-harass na ito, JJ has no idea. Ayaw naman niyang magpaapekto sa ganitong gawain ng mga taong hindi naman niya kilala, at hindi makaharap sa kanya. Para sa kanya, bibigyan lang daw niya ng kasiyahan ang mga ito na nagnanais lang daw talagang mabuhay siya sa takot.
Pero, aminado si JJ na naiistorbo siya. In fact, kami mismo ay napraning nang buksan namin ang ipinadala niyang photos sa e-mail account namin, and after that, sa loob ng dalawang oras, naging inactive ang aming account. Walang diperensiya ang computer na ginagamit namin at may nagsabi sa aming may alam sa computers, na there was somebody trying to get in and hack our account.
Sinabi agad namin kay JJ ito, and we have a feeling, pati mga nakaka-interact niya ay minamatyagan na rin ng kung sino. Scary, isn’t it?

THERE WAS A time, mukhang nagkakabanggan sina Martin Nievera at Gary Valenciano sa publicity nila, and obviously, pinapakulo ang rivalry nila noon. Mukhang nag-transcened ito into something like a deep friendship.
“Naku, never naman akong napikon talaga sa mga sinasabi ni Martin! Kasi, alam kong ganoon talaga siya.”
It’s about time na magsama na sa isang concert sina Martin at Gary. Iniintriga pa rin sila tungkol sa concert na ito dahil marami ang gustong makaalam sa kanilang individual talent fees for this project. Sabi ni Gary, pareho lang daw.
Sabi ng promoter ng As One concert nila ni Martin, may clamor for them to hold a series of shows abroad. So, ito na ang mag-uumpisa niyon. Lumabas si Gary sa XXV concert ni Martin, then sa 25th anniversary concert ni Gary sa Araneta Coliseum, nagpakita rin doon si Martin, kaya roon naramdaman na marami ang natutuwa kapag magkasama sila sa isang palabas.
Tiyak na magsasama rin sila sa isang album collaboration dahil sister companies ang mga pinaglilingkuran nila ngayon as contract artists. Sa PolyEast si Martin, nasa MCA Universal naman si Gary V.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.