JOHN ESTRADA, PINAALIS NG ABS-CBN SA TV5!

NAGING mala-king issue ang hidwaan nina John Estrada at Willie Revillame. Hindi napigilan ng controversial TV host na sabihin ang kanyang sama ng loob sa kaibigan. Sinagot na ni John ang naging mga pahayag ni Willie.

“Totoong naputol ‘yung communication namin for some reason na hindi ko alam. Sinusubukan namin palambutin ang puso niya. Lagi naman niyang sinasabi na walang hindi maaayos kung may communication at magandang pag-uusap. Hindi namin nakamtan ‘yun dahil ang kabilang kampo, ayaw kaming sagutin. Ganunpaman, wala kaming hinahangad na masama sa kanya dahil kami ay nagtratrabaho lang.

“Tumanggap lang kami ng trabaho dahil may sari-sarili kaming pamilya. At dahil doon, sumama man ang loob niya, humihingi kami ng pasensiya. Kailangan naming magtrabaho, may buhay kaming sarili. Alam ko, one of these days darating ‘yung panahon na magkakaayos din kami at sana’y magkausap kami,” malumanay na sabi ni John.

Paano na ang show niya sa TV5 ngayong may bago na siyang show sa Kapamilya network?

“Hiniling sa akin ng Channel 2 na umalis ako ng Channel 5. Sabi ko, pasensiya na po hindi ko puwedeng iwanan dahil sila ang nagbigay sa akin ng sitcom na  matagal  ko nang hinihingi sa kanila. Naiintindihan ko naman ang ABS. Hindi pa si Mr. Manny Pangilinan ang may hawak ng TV5, I’ve been there for almost 3 years now.

“Ang masakit lang, ‘yung pinaglaban ko biglang sinabi sa akin aalisin na ako du’n sa mga programa ko. Sa isang sitcom ko sa TV5 na-laman ko, the management decided na aalisin na ako. Nang tinanggal sa akin ‘yung sitcom, masakit sa akin ‘yun,” kuwento ni John.

Nabalita na sina John at Randy ang magho-host sa nakaraang birthday party nito na ginanap sa Shangri-La Hotel. Marami ang nag-akala na ‘yun ang magiging daan para magkabati ang magkakaibigan.

“Hindi sa hindi kami duma-ting, hindi na kami inimbita. Tanggap namin ‘yun, ganu’n lang ka-simple ‘yun,” ani John.

Kung hindi raw tinanggap ni John ang noontime show sa Kapamilya network may show na ibibigay si Willie sa kanila ni Randy sa TV5. Nag-offer ba naman ang Kapatid network sa kanila?

“’Yung pagho-host na sinasabi ni Willie na kami ang papalit, hindi kami ‘yung papalit sa kanya. Nang lapitan kami ng ABS-CBN that is something concrete. Ang kausap mo mga boss ng network, di ba? Nagkaroon ng serious offer nang dumating ‘yung offer ng ABS-CBN so, meaning, nag-counter offer sila, ‘yun.”

Reaction ni John sa pag-uusap nila ni Willie, live on air?

“Hindi nga ako nakapag-react, kaya wala akong nasabi over the phone. Sabi ko sa kanya, tawagan na lang kita mamaya, kasi hindi tayo magkaintindihan. Sabi niya, ngayon na…”

Narinig mo bang sinabi ni Willie na hindi kayo magre-rate?

“Opo, klarong-klaro ‘yun,” diretsong sagot ni John.

‘Yung pag-uusap ninyo ni Willie on air, could you say, it’s power tripping on his part?

“Power tripping… mara-ming nagsabi sa akin. Ang ginawa niyang ‘yun pagpa-power tripping. Pero ang sa-got ko do’n, ang totoo, baka sa akin hindi, dahil itinuturing ko siya bilang isang kaibigan.”

Bilang kaibigan ni Willie, nabastusan ka ba sa ginawa niya?

“Maraming nagtanong sa akin kung kaibigan ko si Willie. ‘Yun ba ang kaibi-gan, ginanu’n ka? At saka, bakit nagawa niya sa ‘yo ‘yun?” wika ni John.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “JOHN ESTRADA, PINAALIS NG ABS-CBN SA TV5!

  1. WILLIE –MA KARMA KA SANA ANG DAMI NA TALANGANG GALIT NA TAO SAYO..GAGO KA UGALING HAYOP PALIBHASAY WALANG PINAG ARALAN..MAGHIHIRAP KARIN KC SUBRA NA YUNG KAYABANGAN MO..

      • hi maria, buti na lang at naka login ako kundi pa ako nag-create ng bagong email address. Nakalimutan ko kasi ang password ko at kahit na anong gawin ko hindi ako makapasok. Kung naaala-ala mo ako si sundyegan dati. :-)

      • Hi Sundyegan, i was wondering what happened to you. Kasi hindi na kita nakita dito. Kaya pala. Hay salamat at nakabalik ka na naman. Ako rin, may panahon na mahirap makapasok ang mga comments ko dito, hindi kagaya noon na madali lang. Welcome back, i'm happy that you are back.

Leave a Reply

Your email address will not be published.