JOHN ESTRADA, NIREGALUHAN NI WILLIE REVILLAME NG P.8-M!

ENTITLED DAW NA mag-produce ng isa pang show sa TV5 ang Wil Production ni Willie Revillame. Sa isang noontime show sana isasama ng TV host-comedian-singer ang mga kaibigan nitong sina Randy Santiago at John Estrada na iminungkahi na ng una kay Manny Pangilinan. Pero nagulat na lang si Willie nang magsabi sina Randy at John sa kanya na may noontime show din ang dalawa sa ABS-CBN, dahilan ng tampo ng TV host sa mga itinuturing nitong matatalik na kabigan.

Sa kasal ni John at ng girlfriend nitong si Priscilla Meirelles this month, ‘best man’ sana si Willie na napabalitang umatras na at hindi na a-attend. Pero bago mangyari ang lahat, how true na nagkaloob ng tumataginting na P800 thousand si Willie kay John bilang pangdagdag gastos sa kasal? Kung totoo man ang tsikang ito, gamitin pa kaya ni John ang perang galing kay Willie, o isauli na lang niya?

MAY BAGONG PELIKULA palang pinagsamahan sina Anne Curtis at Luis Manzano, ang Who’s That Girl?

Sa isang eksena ng dalawa na naghahabulan sila, walang takot na sumakay sa isang gondola o lift na pang-construction na unti-unting tumataas si Anne ng walang double, habang si Luis naman ay sinabayang pumanhik ang aktres sa pagkataas-taas na ladder na konektado sa gondola.

Nilinaw naman ni Anne na hindi nito pinalitan sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa dalawang magkaibang endorsements nito.

“I’m just an addition to the family. I don’t wanna use the term pinalitan,” paliwanag ni Anne.

Makakasama rin ng mag-best friend na Anne at Luis sina Dina Bonnevie at Eugene Domingo sa pelikulang ito na co-produced ng Viva Films at SMDC which opens on March 2.

SI ARA MINA at boyfriend nito ang mga kauna-unahang bisitang dumating sa 22nd birthday ng kapatid niyang si Cristine Reyes na ginanap sa 42nd floor ng Discovery Suites sa Ortigas Center, Pasig City last Saturday night.

Naka-Snow White costume ang birthday girl with matching seven midgets na mga lalaki as her dwarfs. Earlier that day ay kasama na ni Cristine ang boyfriend na si Rayver Cruz na nag-celebrate sa isang orphanage sa Pasig with her 18-year-old sister named Mina.

Nagulat nga raw si Rayver sa birthday costume ng girlfriend na bagay na bagay raw dito. May surprised gift daw ang binata sa dalaga. Ano kaya ‘yon?

Hangga’t maaari naman daw ay ayaw manghingi ng materyal na regalo ni Cristine kay Rayver. Wish lang daw nito na magtuloy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career at good health.

Sa totoo lang, lumabas pa rin ang pagiging bata ng sexy young actress that night. Napakalambing din nilang magdyowa sa isa’t isa. Napakaasikaso pa ni Cristine sa lahat ng bisita at kitang-kita ang kaligayahan nito.

Bukod sa pamilya nina Cristine at Rayver, dumating din ang manager nitong si Veronique del Rosario, Vhong Navarro, Rodjun Cruz at girlfriend nitong si Diane Medina, Princess Ryan, Janus del Prado, ABS-CBN’s Linggit Tan, mga producer at mga co-stars nila sa kanilang teleseryeng Kristine, tulad nina Zanjoe Marudo, JM de Guzman, Rafael Rosell, Angel Jacob at Irma Adlawan.

SINO NAMAN DAW kaya ang mga kasamang kalalakihan ni Keanna Reeves sa Malate nu’ng madaling-araw ng Linggo?

Naglalakad daw ang sexy comedienne sa Nakpil Street galing sa isang bar na mukhang pauwi na. Hindi raw mawari ng mga nakakita kay Keanna kung mga tunay na lalaki o mga paminta (mga bading na bihis at pawang lalaki) ang mga kasama nito.

UGALIIN n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “JOHN ESTRADA, NIREGALUHAN NI WILLIE REVILLAME NG P.8-M!

  1. kaya nga now palang nakita na ni john totoong ugali ni willie,,peke!!,,..sabagay,,karma din kay john iyan,,,kase kung ano anong nagawa nyang mali noon,,payback tym!!wahahaha

    kaya nga di sigurado proffesionalism at decent ang will production puro to ka nega,kaisraan,pulitika,kalaswaan,,lahat na,,dahil may power tripping na nagsisimula mismong kay willie,,wahahahah,,,

    kala mo namn may interesadong manood ng coverage ng kasal ni john,,kala mo naman sinong maswerteng babae si priscila,,wahahahahah..may anak ba si john kay vanesa del bianco???/john needs more work,,kase madami syang anak kay janice,,na dapat suportahan,,,

  2. Punta kayo doon sa journal.com.ph and read the article "Willie Power Tripping?". Doon mabasa nyo lahat ng explanation ni John about the whole incident with this misunderstanding among Willie, John and Randy. John said, tanggalin na raw siya sa show nya sa TV5 kaya nagdecide na sya to accept the offer from Channel 2 and hindi daw pala nya alam na yong tumawag sya kay Willie, pina kinig daw ang call nya ni Willie sa live show sa Willing Willie kaya na shock daw sya.

  3. mayroon bang will production si willie??nakupo,,sana naman pure proffesionalism ang gawin nya baka naman maging sa production nya e mag kasira sira ito dahil puro kalokohan at power tripping ang gagawin nya,,,knowing him,,,.well,,si joh at willie di naman nagkakalayo,,,as in!!hehe,,,

    parang di bagay kay luis ang aging actor,,sila na naman ni anne,,lovestory na naman ba itong movie nila>>hayyz nako,,

    cristine at rayver???welll,,,,,walang apil si rayver na bagay kay cristine na ewan din,,bula bula ang isip at ewan,,,isama nila si sara na isa ding nasira,,,hehehe,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.