John Estrada, nanadyak ng modelo

NAGKAROON PALA NG gulo sa 40th day ng pagyao ni Douglas Quijano na ginanap sa Club Filipino nu’ng nakaraang Huwebes.

Si John Estrada na naman ang involved na kung saan tinadyakan nga raw nito ang isang aspiring model na walang kamalay-malay kung ano ang nagawa  niyang kasalanan.

Selos daw ang dahilan dahil kinukulit daw ng batang ito ang kasintahan ni John na si Priscilla Mereilles.

Lasing na yata si John kaya nagawa niyang tadyakan ang batang iyun.

Sinusubukan nga naming kunan ng sagot si John sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, pero kinulang na kami sa oras nang nakontak namin ang aktor.

Nangako si John na magsasalita siya dahil magpapa-interview na ito kay Ricky Lo. Hintayin na lang natin kung ano ang paliwanag ni John sa gulong ito.

Pero ang galit na galit daw sa ginawa ni John ay si Janice de Belen dahil hindi raw maganda itong ipinapakita niya sa mga anak niya.

Nagkausap pa naman sila nu’ng gabing iyun, ngayon irita na naman si Janice.

NAKU, HA! NAKARATING sa akin na may sama ng loob pala si Lovi Poe kay Rosanna Roces dahil pati siya dinadamay ng babaeng ito sa away niya kay Jolo Revilla.

Na-interview ng Startalk si Lovi sa premiere showing ng pelikula nitong Walang Hanggang Paalam sa CCP nu’ng kamakalawa lang, at hiningan ito ng reaksyon sa pang-aaway ni Rosanna kay Jolo.

Hindi nagkomento si Lovi tungkol diyan dahil wala naman daw siyang kinalaman sa gulo ng dalawa, pero napag-alamang pati pala siya ay ginugulo nito?

Ang sabi lang ni Lovi, ayaw na raw niyang magsalita tungkol kay Rosanna na kasama niya sa Lipgloss ng TV  5 dahil iniiwasan na lang daw nitong lumaki pa ang gulo.

Hindi nga raw nito ikinukuwento kay Jolo pero siguro nakarating na rin ito sa kanya dahil sinusumbong naman ng mga staff doon.

Minsan daw tinawagan ni Rosanna si Jolo na ibalik na ang apo niyang si Gab dahil kung hindi baka hindi raw makapag-taping doon sa Lipgloss si Lovi sa mga sasabihin at gagawin niya.

Sobra na ang babaeng ito at hindi na tama ang mga pinanggagawa niya pero tama ring ‘yung huwag na lang siyang pansinin dahil wala namang naniniwala na sa kanya.

Pero naiiyak na raw si Lovi nang in-interview ito ng Startalk dahil pinipigilan lang nitong magsalita nang ‘di maganda, laban sa laos na bold star na ito!

Ang sabi na lang ni Lovi, iginagalang naman daw niya itong si Rosanna kaya sana balikan naman daw siya ng tamang respeto dahil wala naman daw siyang ginawang masama sa babaeng ito.

Sinubukan ng Startalk na kunan ng reaksyon si Jolo pero nakiusap itong huwag na lang dahil pagdating sa anak niya, ayaw na niyang pag-usapan pa ito sa publiko.

Ang mahalaga, maayos na raw ngayon ang kalagayan ng anak niya kaya dapat masaya na rito si Rosanna at huwag na siyang maglikha ng gulo para mapag-usapan siya. Pero never na talaga siyang patulan ni Jolo pati na rin sina Bong at Lani.

Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis

Related Post

loading...

3 thoughts on “John Estrada, nanadyak ng modelo

Leave a Reply

Your email address will not be published.