John Estrada, nagmamaldito sa mga showbiz reporter?!

Natatandaan ba ninyo si Amanda Amores? ‘Yung aktres na sumikat noon sa mga pene-kulang hubaran? Well, masaya at maganda na pala ang takbo ng buhay nito ngayon, kung saan taliwas sa mga nakasabayan niyang hubadera noon.
Kung sina Vida Verde, Cherry Madrigal, at Brandy Ayala ay nalulong sa droga at naghirap (kung saan ay nabaliw pa nga si Brandy), kaiba ang drama sa buhay ni Amanda. Si Amanda ngayon ay asawa ng isang negosyanteng Intsik.

“Hindi ko naman ikinahihiya ang mga ginawa ko nu’n. Pero kung maaari, ayoko nang balikan pa dahil masaya at kuntento na ako sa aking buhay ngayon,” pahayag sa amin ni Amanda na isa sa mga tumutulong ngayon kay Vida Verde.

Para sa kaalaman ng lahat, si Vida Verde na sumikat noon sa mga pelikulang Nene, Iskandalosa at Mainit na Magdamag ay dinapuan ng maraming sakit na siyang dahilan para matanggalan ito ng boobs at magkaroon ng ovary cancer.

“Ako naman kasi, Kuya Morly, minahal ko ang mga perang pinaghirapan ko noon at hindi ko ito dinala kung saan-saan. Isa pa, talaga sigurong mahal ako nu’ng nasa Itaas dahil binigyan niya ako ng husband na bukod sa mabait na, ubod pa ng mapagmahal.”

Sinabi ni Amanda na wala na sa isipan niya ang bumalik showbiz, pero kung minsan ay hinahanap-hanap daw niya ang masaya at makulay na mundo ng showbizlandia. “Sa ngayon ay tahimik na ang buhay ko at wala na akong mahihiling pa.”
Tulad ni Amanda, si Mike Magat na isa ring sexy actor na matagal na ring wala sa showbiz ang nagsabing miss niya ang ilaw ng camera. Pero mas masaya na siya ngayon sa pribado niyang buhay, kung saan matapos siyang magtrabaho sa Japan nang kung ilan taon, nakapag-ipon siya at ngayon ay nagbi-business na lang.

“Malaki ang kita rito, kasi mamahaling mga bags at sasakyan ang mga binebenta ko. Pero siyempre, masaya sa showbiz. Kung may kukuha sa akin, why not, ‘di ba?” sabi ni Mike.
Sina Amanda at Mike ay isang magandang halimbaha ng mga sexy stars na nawala man sa showbiz, hindi naman naging pariwara ang buhay. Tsuk!
MARIING ITINANGGI NI John Estrada ang akusasyong mayabang at feeling sikat na siya ngayon sa Channel 5. Ayon kay John, nagugulat nga siya kung bakit may mga lumalabas na balitang nagpi-primadonna na siya sa set ng mga programang pinagbibidahan niya sa Kapatid Newtwork. “Hindi ko alam yata iyan,” sabi ni John.
Marami kasi ang nagsasabing hindi na raw ngayon madaling kausapin si John. Marami raw itong drama sa buhay bago magsalita, na pinatotohanan ng aming source. Maraming beses na raw niyang nakita itong si John na “nagmamaldito” kapag may mga reporter na nag-a-ask ng interbyu.
Sa kabilang banda, happy si John ngayong kumpirmadong sa Channel 5 na muling mapapanood ang kanyang kaibigan na si Willie Revillame. Ayon sa aming source, tiyak na “kakabahan” ang Eat… Bulaga! at ang Pilipinas Win na Win sa format nang bagong show ni Willie.

“Masyadong madugo ang budget ng show ni Willie, nakakalula ang mga ipamimigay niyang prizes sa mga contestant,” sabi pa ng aming source.

Pero ang tanong: May power at appeal pa ba ngayon si Willie sa mga manonood. ‘Yun ang aabangan. Tsuk!

HINDI KINAKABAHAN SI Marian Rivera sa kung anumang demandang ihahain sa kanya ng kampo ni Bela Padilla. Una at higit sa lahat, malinis ang kunsensiya ng aktres na hindi niya minaltrato ang baguhang aktres.

“Actually, sa totoo lang, obvious na ginagamit ng Bela na iyan sina Marian at Dingdong Dantes para pag-usapan. Kasi sino ba siya noong hindi pa nali-link ang pangalan niya kay Dingdong? E, never heard naman ang babaeng iyan sa showbiz, ‘di ba?” sabi iyon ng aming source.

Sakabilang banda, tuloy pa rin ang “panggagamit” ng kampo ni Bela kay Marian, dahil bukod sa demanda ay kumukuha pa raw si Claire dela Fuente (manager ni Bela) ng ilang kasamahan namin sa panulat para maging tagapagtanggol ni Bela sa laban, na ikinatataas lang ng aming kilay.
Hindi kami close ni Marian at lalong hindi namin kilala pa nang personal si Bela. Pero sa tagal namin sa showbiz, hindi na bago sa amin ang ganitong eksena. Tiyak namin na kaya lumalaki ang isyu ay may personal agenda si Bela para lalo siyang mapag-usapan. Iyan po ang personal naming opinion lang. Humpt!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “John Estrada, nagmamaldito sa mga showbiz reporter?!

  1. kapapanood ko lng sa studio 23 sinungaling station. ang interview kay sm ipapatrace daw nila kng sinung nagkalat ng chismax sa kanilang dalawa ni jlc tungkol sa hosptal scandal kya lagfot nagklat non magmumulta daw ng 1000000000000 euro sabi ng tatay ng starmagic na si jmanahontas ang akin lng artista sila public figure kng bga bkit sila naiinis kng anuman ibig sbihin ng ibang tao ehhhhh ito pa nga ang nagpapasikatttttttt sa kanila eh at db ang propesyon nang artista pag chizzmzan ng mga chizmakers getzzzzzzzzzz un na.

  2. Tama ang inyong opinion about the issue. It’s obviously a small issue na pinalaki, that’s how opportunist see and take advantage of a situation. A simple talk blown out of proportion. What Claire fe la Fuente does’nt realised eh di sisikat iyong alaga niya, walang x factor, galing pala ng abs and tv 5 and may record na maraming kaaway lalo yung mommy niya.

  3. SCOOP : MARIAN RIVERA NANG HOSTAGE. MARIAN RIVERA IDINI-DENY PA RIN ANG SIKRETO NIYA SA NAVOTAS, MARIAN RIVERA, INAWAY ANG FANS , NAKA VIDEO PA. . .HAY NAKU, MALDITA NA NGA, MAY TOYO PA SA TUKTOK. IPAKULONG NA NGA ITO SA MENTAL . . .

    • oh akala ko ba sa novaliches ngayon naman sa navotas na naman. hanggang ngayon pa ba hindi nyo pa ba nahahanap yung prinsesa ni marian tagal naman.

  4. hindi mo kilala si Marian pero pati kunsensiya niya alam mo kung ano ang laman? magkano naman ang bayad para malaman ang nilalaman ng kunsensiya. kung sa anak, ina, kapatid o asawa mo gawin ang ginawa sa bata? would you still think the same way? paano ng mga katulad mong writer nakukunsensiya na baliktarin ang mga pangyayari to serve to work of evil? obvious na obvious na babaliktarin mo pa. para sa isang libo isasanla mo ang kaluluwa mo sa impiyerno.

    • naks naman!!! naghahanap na nga ng babayarang press si claire eh para mapabango pa yang no-name starlet. kita no naman kaya panay ang tirada ni cristy ke marian na ambunan na ng grasya. ikaw na lang ang hindi.

    • INENG CARINA, alam mo rin ba ang tutuong pangyayari? kung hindi at pawang sa telebisyon at sa babasahin mo lang nalalaman ay huwag kang makasiguro na inapi niya ang wa name Bela P. na iyan. Magpunta ka sa ABS CBN star magic at TV5 at mag research ka doon kung anong klaseng bata iyang sinasabi mong kawawa. Yun lang PAK!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.