John Estrada, kakaiba ang role sa bagong serye

John-EstradaMARAMING TAGAHANGA ng mga teleserye ng Kapamilya Network ang nasasabik na mapanood nila muli ang mahusay na actor ng ABS-CBN 2 na si John Estrada. Marami nga ang nagtatanong sa amin sa aming radio program na “Wow It’s Showbiz”  sa Radyo Inquirer kung meron na bang new serye si John.

Ang huli niya ay ‘yung Ikaw Lamang, kung saan nagawaran siya bilang Best Supporting Actor ng Star Awards for Television.

Sa pagkakaalam ko, may bago siyang serye at nagte-taping na siya na may tentative title na Walang Iwanan.

Kaya sa mga nananabik sa guwapo na at mahusay pang aktor, konting pagtitiis na lang po. Kakaibang John Estrada ang inyong masisilayan.

Mga nahuhusay na batang artista ang kanyang makasasama sa nasabing serye. Kaya abangan…

 

NANG MAGTANUNGAN ang mga press people na um-attend sa Pasion de Amor, kung sino ang gusto nila sa tatlong lead actors, mukhang nangunguna sa listahan ng kanbilang pipiliin sina Ejay Falcon at Joseph Marco. Palaging pangatlo si Jake Cuenca. Bakit kaya?

“E, kasi luma na si Jake. Hahahaha!” sey ni Bading Reporter 1.

“Mas fresh si Joseph at si Ejay, yummy. Oms na Oms,” sey ni Bading Reporter 2.

“Ako si Joseph, gusto ko siya,” sey ni Reporter 3.

“Ako si Ejay… lalaking-lalaki,” sey ni Reporter 4.

‘Yun na. Kayo, sino ang inyong pipiliin n’yo?

June 1 na mapapanood.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.