John Estrada, bidang-kontrabida ang role sa bagong serye

John-EstradaHAPPY FATHER’S Day sa lahat po ng mga ama. At dahil Father’s Day kahapon, Sunday, marami ang mga ama ang sinelebreyt ito kasama ang buong pamilya. At isa nga nga sa nakatsika namin ay itong si John Estrada.

“Dito lang kami sa bahay with the kids,” sabi niya.

Sa ngayon kasi, busy pa rin si John sa pagte-taping ng serye niya sa ABS-CBN 2 na Walang Iwanan.

“Malapit na rin ang airing, baka sa July na. At mukhang sa umaga kami bago mag-It’s Showtime.”

At kung hindi kami nagkakamali ay itong Walang Iwanan ang papalit sa serye ni Janella Salvador na Oh My G! na hataw sa ratings.

Mga batang mahuhusay na artista ang makakasama ni John. Mapaghamon ang kanyang role dito na kontrabida-bida. Kaya nga ang tawag sa kanya ngayon ng marami ay siya ang bagong Eddie Garcia. Na puwedeng bida, kontrabida… drama, comedy, at action ay kaya niyang gampanan.

“Okey ‘yun ha? Pero siyempre, nag-iisa lang ang Eddie Gracia,” sey niya.

Abangan siya sa Walang Iwanan na bagong sreye ng Dos.

Ang tanong: Iwan na kaya niya ang Dos?

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleSheryl Cruz, ‘di naniniwalang kapatid niya ang pinsang si Sen. Grace Poe
Next articleJudy Ann Santos, usap-usapang babae ang ipinagbubuntis

No posts to display