John Estrada at Priscilla Meirelles, excited na sa kanilang first baby

MASAYANG IBINALITA KAMAKAILAN ni John Estrada that his wife Priscilla Meirelles is more than six weeks pregnant. The two tied the knot in a romantic sunset seaside wedding noong February 26 sa Thunderbird Resorts in Poro Point, San Fernando, La Union.

“Ang sarap. Actually noong isang araw lang nasa hospital kami. Nagpa-ultrasound [ang] asawa ko at siyempre naiyak talaga siya kasi may heartbeat na [ang baby]. High-tech na pala talaga ngayon kasi kitang-kita mo na. Nagpo-form pa lang siya pero may heartbeat na talaga.”

Nagsisimula na raw magkaroon ng baby bump si Priscilla. “Meron na. Makikita mo na talaga. Wala na iyong mga abs niya dati. Naging monay na siya ngayon. Happy naman ako kasi si Priscilla kahit buntis iyan ‘di naman siya tamad. She wants to work out. She still wants to work, pero sabi ko dahan-dahan na lang.”

Proud si John sa kanyang misis dahil kahit daw pregnant si Priscilla ay hindi raw ito mahirap alagaan. Usually raw kasi kapag nagbubuntis ang isang mommy sa kanyang first baby ay nahihilo, nagsusuka o maraming gusto itong kainin. Pero si Priscilla raw ay malambing kapag ito ay may gustong ipakuha kay John sa ibaba ng kanilang bahay.

The soon-to-be parents are excited for their first baby and they have already bought several books about babies and pregnancy. Paano naman ang mga gamit na pambaby? “Siguro in a few months kasi si Priscilla is six and a half weeks [pregnant] so after a few months siguro ‘pag nalaman na namin iyong gender. Medyo excited na iyong asawa ko doon. Kukulayan niya raw ang isang kuwarto namin sa baba at noong isang araw nasa isang mall kami tumitingin-tingin na siya sa mga crib, mga medyas.”

At hindi lang ang mag-asawa ang excited sa pagdating ng kanilang firstborn kundi maging ang mga magulang ni Priscilla at mga anak ni John. Wala raw problema sa kanyang mga anak at masaya raw silang lahat.

Ano ba ang kanyang wish sa magi-ging first baby nila ni Priscilla? “Honestly, noong una talaga gusto ko boy kasi isa pa lang iyong lalaki ko, si Yuan, pero parang sa sobrang sweet ng mga anak kong babae parang nagbabago yata iyong isip ko. Kahit ano na masaya na ‘ko.”

Gaya ng madalas kong sinasabi, a baby is always a blessing. Sana ay mas lalo pang tumibay ang pagmamahalan at pagsasama nina John at Priscilla sa pagdating ng kanilang baby.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

3 thoughts on “John Estrada at Priscilla Meirelles, excited na sa kanilang first baby

  1. malalaking babae pa namn ang mga braziliana at tiyak lolobo din katawan neto, pagdumating ang araw na yun, tiyak hahanap na namn si john ng mas bata at mas sexy.. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.