John Arcilla, gaganap na Antonio Luna sa pelikula

John-ArcillaIT’S CONFIRMED, ang character actor na si John Arcilla na ang gaganap bilang si General Antonio Luna sa life story nito sa pelikula!

Pinamagatang Heneral Luna, masuwerte si John dahil siya ang nakapasa sa matinding auditions mula sa production headed by its award-winning director na si Jerrold Tarog.

Habang nagpe-prepare ang production para sa first shooting day, alam na naming si John ang napili to do the role ng isa sa ating national heroes, pero tikom muna ang aming bibig. At bawal pa nga raw ibalita.

Hanggang sa nag-formal contract signing na si John – at iba pang cast – for Heneral Luna kamakailan lang. Although magpapadala sa media ng official press release ng produksiyon.

Kilalang metikuloso ni Direk Jerrold, isa sa paborito naming contemporary filmmakers, dahil sa consistent good bodies of work niya tulad ng Confessional, Senior Year at Sana Dati na humakot ng awards sa Cinemalaya 2013.

Hayun at ayon sa aming source, naging “mahigpit” ang deliberation o discussion kung sino ang gaganap in the lead role as Antonio Luna, dahil may ibang actors na nakalaban ni John sa audition.

May isa ring mahusay na actor ang na-consider pero younger ito kay John. As we go to press, hindi pa naming alam kung anong part sa life span ni Luna ang sakop ng screenplay, kaya ‘di namin alam pa ang edad supposedly ng character.

“Sa conviction as the character nagkatalo sa audition, kaya nag-shine si John Arcilla,” chika ng aming informant.

Si Mon Confiado naman ang gaganap na Emilio Aguinaldo, at marami pang historical characters na sasabog na lang ang mga pangalan in the next months.

Isang de-kalibreng actor si John Arcilla, mula sa teatro, telebisyon, at pelikula’y kinilala na ang kanyang husay with his best actor/ supporting actor awards.

Last year din ay kinilala ang kanyang angking galing sa Metro Manila na isang international film, produced by foreigner Sean Ellis, at pasok din si John among the local actors sa Bourne Legacy, remember?

Sa kanyang personal Facebook account, nag-post si John ng picture niyang sakay ng isang kabayo, ‘di lang kami sure kung ito na ang kanyang costume o training pa lang for the movie.

Congrats, John!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “John Arcilla, gaganap na Antonio Luna sa pelikula

Leave a Reply

Your email address will not be published.