JOHN APACIBLE, PATAY SA TIYUHIN

RIZAL – PATAY ANG kilalang movie actor nang barilin sa dibdib ng kanyang tiyuhin matapos na magtalo sa inuman kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Cainta

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, ang biktima na si Enrique Apacible A.KA. John Apacible, 38-anyos habang pinaghahanap naman ang suspek na si Armando Rustia, 61, anyos, residente ng Greenland Subd., Brgy. San Juan ng nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas- 2:55 ng madaling-araw sa bahay ng suspek.

Nabatid na nagkayayaang mag-inuman ang mag-tiyuhin kasama ang dalawa pang kapamilya sa harapan ng bahay ng suspek bago naganap ang insidente.

Gayunman, hindi nagtagal ang dalawang kainuman at nagpaalam na dakong alas-12:00 ng gabi at naiwan ang dalawa.

Dala ng kalasingan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magtiyuhin kung saan ay sinuntok umano ni Apacible ang tiyuhin.

Mabilis na pumasok sa loob ng bahay ang suspek at kumuha ng baril kung saan ay ipinutok pa ito sa lupa bilang warning sa biktima na tumigil na at umuwi.

Sa halip na mag-paawat ay sinira pa umano ni Apacible ang screen na pintuan ng bahay ng suspek at tinangka itong sugurin dahilan para barilin siya ng dalawang ulit sa dibdib.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang tunay na pangyayari at madakip ang tumakas na suspek. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.