JOHN APACIBLE, BINARIL NG TIYUHIN, PATAY!

UMAGA KAHAPON, LINGGO, nakatanggap kami ng text message mula sa aming colleague na si Neil de Guia. Ipinasa nito sa amin ang text ni Anna Leah Javier sa kanya na ang nakasaad ay:

“John Apacible left us already. He was shot at 3 a.m. by his own uncle during a drin-king spree.”

Si Anna Leah ang girlfriend ni John nang mahigit walong taon na. At ayon sa aming nabalitaan, sa Cainta sila naninirahan. Unang lu-mabas sa pelikula sa Shake, Rattle & Roll VI noong 1997 si John matapos siyang sumalang sa pagiging isang modelo. Nakagawa rin siya ng mga sexy movies na gaya ng Huwag Po, Huwag Po, Onsehan, Eskandalosa, Nympha at marami pa.

Katabi ko sa isang internet café ang kaibigan ni Anna Leah na si Roel Caba nang i-text ako ni Neil at tinanong ko siya kung kilala niya si John.

Magkaibigan pala sila ni Anna Leah. At agad niyang tinawagan si Anna Leah, na mukhang hindi pa makapaniwala sa nangyari. Ang sabi lang nito, hindi na nga raw umabot sa ospital ang aktor.

Ipagdasal natin ang mga naulila ni John.

MUKHANG HINDI Rin natiis ni Angelica Jones ang sunud-sunod na mga  intrigang  ipinukol sa kanya. Na nagsimula sa mga balitang nagkaroon sila ng confrontation ng girlfriend ni Illac Diaz na si Julia Clarete. Nadagdagan na ito nang nadagdagan. Kaya demanda na ang inihain ni Angelica at si Illac na ang kanyang kinasuhan ng Grave Oral Defamation.

Pinabulaanan ni Angelica ang ba-litang nag-abot sila ni Julia sa isang simbahan sa Laguna. Hindi raw sila nagkita nito. Kaya naman daw niya nakikita si Illac ay dahil sa proyektong pinagtutulungan nila para sa Bottle School Project na itinatag nila sa Laguna.

Si Illac daw ang lumapit sa kanya para sa proyekto. Nakiusap daw ito sa kanya, nagmakaawa at nanuyo na tulungan itong makahanap ng site sa Laguna para sa naturang proyekto dahil natanggal ang kanyang proyekto sa Taguig. Hindi raw nito nakasundo ang Mayor sa nasabing lugar. Nakita naman daw niya na maganda ang proyekto, tumulong naman siya.

Pero ayon kay Bokal Angelica, sa simula pa lang ay meron na siyang hindi    nagustuhan  kay   Illac.  Ang pagtrato raw nito sa kanya na akala mo raw ay kung sino kung makapag-utos na sinisigaw-sigawan siya. Nanahimik lang daw siya at pina-lampas ‘yun. Nang kinailangan daw nitong makipag-meeting kay Laguna Governor ER Ejercito, nag-walkout daw ito dahil hindi makapaghintay sa nasabing Gobernador. Nagpasensya na lang daw si Angelica.

Na-achieve naman na magkaroon ng lupa sa nasabing proyekto sa pamamagitan ni Mayor Vic Amante. Pero nang lumaon, may mga kuwestiyon na raw si Illac sa kanya sa funding ng proyekto.

“Gusto ko lang pong linawin sa lahat na ni minsan ay hindi ako humawak ng pera dahil wala naman siyang ibinibigay. Ang minsan niyang ibinigay ay sponsor mula sa Pepsi na one hundred thousand, pero hindi ko alam  kung  magkano  talaga  ang ibinigay ng Pepsi. Pati ng Insular Life. At iba pang sponsors. Dahil hindi ko naman nahawakan ang mga tseke ng mga ito. Kaya, nagtataka ako kung bakit niya ako biglang pinagbibintangan ng mga ganitong mga bagay na pinalalabas niya na may ninakaw akong pera,” lahad ni Angelica.

Hinahanapan daw siya ni Illac ng mga reports sa expenses nila. Nagbigay naman daw siya. Sinikap naman daw niyang pag-usapan ang lahat ng mga problemang nakita niya. Pero ang nangyari, pinagmumura na raw siya ni Illac sa mga text messages nito sa kanya. Kasunod ang pag-aanyaya sa media sa site kung saan daw ito nagsalita na ninakaw ni Angelica ang pera for the project.

Ngayon ay naka-hold ang Bottle School Project dahil sa kaguluhan sa pagitan nila. Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Eric Lanzuela, nagsampa na ng kaso sa San Pablo City si Angelica laban sa kanyang partner sana sa isang ma-kabuluhang proyekto na si Illac.

Hinihintay pa namin ang panig nina Illac at Julia sa usaping ito.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “JOHN APACIBLE, BINARIL NG TIYUHIN, PATAY!

  1. ANG GUWAPO PA RIN NI JOHN APACIBLE AT MALAKI DAW ANG T**** NYAN SAYANG NAMAN…. SANA EH MAHATULAN NG BITAY ANG GUMAWA SA KANYA NG KRIMEN….

Leave a Reply

Your email address will not be published.