Johan Santos, may sex video scandal?!

NANG MADAAN AKO sa radio program ng kaibigang Jobert Sucaldito, kasama sina Boy Romero, Wendell Alvarez at Leo Bukas, ang pinag-uusapan ay tungkol sa kumalat na larawan at video ng mina-manage ni Leo na galing sa Bahay ni Kuya na si Johan Santos.

Nagpaliwanag na si Leo na napanood na nila mismo ni Johan ang nasabing video kung saan may kalaswaang ginagawa sa kanyang sarili ang kinunan doon. ‘Yun nga lang, kahawig na kahawig nito si Johan, lalo na kapag ngumiti na.

Nang matapos ang kanilang radio program, dumaan kami sa isang internet café para makita naming lahat ang sinasabing video at nang mapatunayan ngang kapag binuo na ang panonood sa nasabing video na ikinalat sa isang website eh, mapapatunayang hindi ‘yun si Johan na alaga ni Leo.

Ang nasabi lang namin, siguradong sisikat itong si Johan dahil ngayon pa lang, may nag-aksaya na ng panahon para paingayin ang pangalan niya. ‘Yun nga lang, sinimulan sa isang negative note. Pero dahil nga ang dali namang mabuking na pambibiktima lang sa bagong sumasalang sa mundo ng showbiz ang ginawa, at the end of the day, magiging positibo ang mga pangyayari kay Johan dahil lalabas ang katotohanan!

Teka nga, hindi pa ba magkakaroon ng batas para sa mga ganitong klase ng mga isyu?

Hahanap ng artistang kamukha. Ipalalabas at ipakakalat sa internet o sa world wide web. Paiingayin. Uumpisahan bilang tsismis. Ang mga nagpapabiktima naman, parang enjoy pa sa ilang minuto ng panahong mapag-uusapan sila.

Actually, sa iba pang nakasama naming nakapanood sa nasabing video, may nakatukoy na sa identity sa lalaking sinabing si Johan daw. ‘Di ba dapat, may katumbas na parusa rin ang mga ito?

MAY NAKARATING SA aking reklamo hinggil sa aktor na si Carlo Maceda.

Diumano, sa pamamagitan ng isang produkto rin ng Bahay ni Kuya na si Nene Tamayo, inirekomenda nito si Carlo sa isang bagong indie director na si Mel Magno, para magawa nila ang isang pelikulang kinunan sa Pampanga na ang tema ay may kinalaman sa terorismo at sa mga naho-hostage na mga bata.

Dahil may business diumano si Carlo, kung saan nagpaparenta ito ng mga equipment na puwedeng gamitin sa paggawa ng pelikula, napapayag naman daw ito na bayaran ang ang kanyang serbisyo kasama ang kanyang mga gamit sa halagang P300,000.00.

Pero nang lumaon daw, humihingi ng karagdagang singil si Carlo para sa iba pang mga gastos. Na nagkakahalaga ng P120,000.00!

Ang punto naman daw ng producer at direktor na si Mel ay ang ma-liquidate lang ang lahat ng pinaggastusan sa sinisingil na halaga sa kanya since tight naman usually ang budget sa paggawa ng isang indie film. Pero, wala raw maipakitang mga resibo si Carlo. At nang kino-contact na ito ni Nene eh, hindi na nila mahagilap.

Ang siste, na kay Carlo ang pelikula. Siya ang may hawak ng natapos nilang produkto. Ang masaklap, diumano, tinatakot nito ang nasabing direktor at producer, na kapag hindi siya binayaran sa halagang kinukulekta niya eh, susunugin niya ang nasabing pelikula.

Apparently, trust ang pinanghawakan ng bawat panig sa usapang ito. Malamang na walang kontratang napirmahan. Kaya it’s one’s word against the other.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Carlo. At p’wede pa rin naman siguro silang magkaayos ng nasabing direktor at producer na nagkaroon na rin ng karanasan sa pagdidirek sa mga stageplays at nakatrabaho na rin ang ilang bigating mga direktor.

Kung hindi makukuha ng nasabing direktor ang kanyang pinaghirapang pelikula, malamang na sa demandahan pa mauwi ang lahat.

Ano ‘to? Hino-hostage ang sariling pelikula?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

14 thoughts on “Johan Santos, may sex video scandal?!

  1. HOY BAKLA HUWAG KANG DIDIKIT KAY PAPA PIOLO PASCUAL BAKA MA TYPAN KA NG MATANDANG BAKLANG IYON.NANG HUNTING NG MGA MAS BATA SA KANYA..TANDA MO NA PIOLO MAGLADLAD KA NA LAOS

  2. The New York Times, 1987

    On September 16, 1987, Laurel formally broke ties with Aquino. The New York Times reported that Laurel had confronted Aquino about her promise in 1985 to let him run the government as Prime Minister after Marcos was ousted, because she had no experience. This was the reason Laurel agreed to shelve his own plan to run for President and put his party’s resources behind Aquino during the snap elections. “I believed you,” the New York Times quoted Laurel saying he told Mrs. Aquino. Aquino just listened without response, Laurel said.

  3. si cory ay isang taksil

    LIKE MOTHER CORY – LIKE SON NOYNOY ABNOY
    PART 11: ANG KATAKSILAN NG MAG-INA

    KATAKSILAN NG NANAY NA SI SANTA CORY
    —–Noong 1985 SA Araneta Coliseum enendorso ni Cory si Salvador Laurel para kandidato pagka pangulo. Pagkalipas ng limag buwan biglang sinabi na siya na ang kakandidato. Hinimok niya si Salvador Laurel na maging bise presidente. Kahit ayaw ni Laurel dahil mayroon siyang sariling ambisyon na maging presidente ay pumayag narin dahil sa isang kasunduan na gagawin siyang prime minister dahil wala ngang karanasan si santa cory kaya bale si Laurel ang mamamahala bilang prime minister. Kaya pumayag si Laurel. Lahat ng mga resources niya, paghahanda, pera, tao o partido, atbp… ay sinuporta niya kay santa cory. Naging president si santa cory. Tinupad naman niya nag kasunduan nila ni Laurel. Sa pamamagitan ng Presidential Order No. 1 ay naging prime minister si Doy Laurel noong Feb. 25, 1986. ETO ANG KATAKSILAN NI SANTA CORY. Pagkalipas lang ng isang buwan noong Marso 25, 1986 sa pamamagitan din ng Presidential Order No. 1 ay pinawalang bisa nya ang Batasan kasama na ang pagka wala ng posisyon ng prime minister doon.In other words binawian si Doy Laurel. Pinagbigyan naman niya si Doy Laurel ng isang buwan tapos tinaga sa likod. Nakuha na nya ang gusto niya , diba? SOBRANG KATAKSILAN.

    KATAKSILAN NG ANAK NA SI NOYNOY ABNOY
    ——-Kahapon yata ay nakita ko yung ad ni Binay na nandoon si santa cory at enendorso ni Chiz escudero si Noynoy Abnoy para presidente at El Rambotito de Makati na si nognog Binay para bise presidente. Sabi ko na nga ba mangyayari ito na tatraydurin ni Noynoy Abnoy si Mr. Palengke Mar Roxas. Nakumbinsi na nga itong mahinang tuhod na si Mar para ibigay ang kandidatura pagka pangulo kay Noynoy ABnoy, ngayon any minamaniobra na ang vice presidency para kay nognog Binay. Si nognog Binay kasi utot yan ni santa cory. Walang pinagkaiba itong si Noynoy Abnoy sa nanay nyang si santa cory. Meron pala, At least yung nanay niya hinintay munang manalo siya at pinagbigyan si Doy Laurel ng isang buwan. Eh itong si Noynoy Abnoy palibhasa may topak, hindi pa nga natatapos ang election pinagtataksilan na si Mr. Palengke.

    TALAGANG LIKE MOTHER LIKE SON … PAREHONG TAKSIL
    NOYNOY ABNOY YOU ARE TRULY YOUR MOTHER’S SON… A TURNCOAT.

  4. SEEN PBB TEENS 2010 YESTERDAY 27.04.2010? THERE’S A FORCE EVICTION TO ESLOVE. WHY? NAKITA MISMO SA CAMERA KUNG PAPAANO MANG ASTA NA HAWAK ANG KUTSILYO, JOKING OR NOT, AMBANG SASAKSAKIN ISANG HOUSEMATE. NAALA ALA KO SI WILLIE, MALIMIT GAWAIN SA WOWOWEE TO, AMBANG MANANAMPAL, SISIPAIN O SUSUNTUKIN, SABAY SABING “ SASAMPALIN KITA DIYAN EH, MADALAS DIN SABIHIN “ SISIPAIN KITA DIYAN EH”” SABAY BIRO. ( Sabi ng psychologist, subconsciously may galit sa mundo mga taong ganito, something deprived from their childhood, insecurities, traumatic experiences….. And worst having criminal minds. (Edison, bakit ba pati ilong ni Pilar pinatritripan mo???)

  5. HETO NATUTUTUNAN NG MGA KABATAANG PINOY KAY WILLIE REVILLAME SA WOWOWEE: KUMAKALAT SA INTERNET NGAYON) REAL ANSWERS FROM WOWOWEE CONTESTANTS-
    1. Q: “Ano sa Tagalog ang teeth?” A: “Utong!”
    2. Q: “Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?” A: “Umiilaw!”
    3. Q: “Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao? A: “Humanitarian?”
    4. Q: “Sina Michael at Raphael ay mga.” A: “Ninja?”
    5. Q: “Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?” A: “Sunog!”
    6. Q: “Magbigay ng sikat na Willie.” A: “Willie da pooh!”
    7. Q: “Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?” A: “Hindunesia?”
    8. Q: “Anong hayop si King Kong?” A: “Pagong!”
    9. Q: “Magbigay ng mabahong pagkain.” A: “Tae!”
    10. Q: “Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?” A: “Canadia!”
    11. Q: “Kumpletuhin – Little Red.” A: “Ribbon!”
    12 Q: “Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?” A: “Buhok?”
    13. Q: “Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin.” A: “Tinga!”
    14. Q: “Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?” A: “Pag balita?”
    15. Q: “Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?” A: “Baby oil?”
    16. Q: “Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?” A: “Sweetserland?”
    17. Q: “Sinong higanteng G ang tinalo ni David?” A: “Godzilla?”
    18. Q: “Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?” A: “Itlog ng tao!”
    19. Q: “Anong S ang tawag sa duktor nag nago-opera?” A: “Sadista?”
    20. Q: “Blank is the best policy.” A: “Ice tea?”
    22. Q: “Saan binaril si Jose Rizal?” A: “Sa likod!”
    23. Q: “Fill in the blanks – Beauty is in the eye of the ____.” A: “Tiger?”
    24. Q: “Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?” A: “Saging!”
    25. Q: “Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?” A: “Baliw!”
    26. Q: “Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?” A: “Kamag-anak!”
    27. Q: “Saan nakukuha ang sakit na AIDS?” A: “Sa motel?”
    28. Q: “Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?” A: “Cold water!”
    29. Q: “Sinong cartoon charcater ang sumisigaw ng yabba dabba doo?” A: “Si scooby dooby doo?”
    30. Q: “Heto na si kaka, bubuka-bukaka.” A: “Operadang bakla?”
    31. Q: “Ilan ang bituin sa American flag?” A: “Madami!”
    32. Q: “Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?” A: “Abnormal!”
    ( Bukod sa kulang na talaga sa pagkain ang ilan sa mga pinoy kaya “low IQ” na at ang tunay na dahilan : SA KAPANONOOD NG PINAKABADOY NA WOWOWEE SHOW, WHAT DO YOU EXPECT? KASI BASTOS AT IGNORANTE ANG HOST. DATI VILLAR AKO,.. NOW NOYNOY NA, NAGBAGO DESISYON KO DAHIL LANG KAY WILLIE. I CANT IMAGINE MYSELF WILLIE TAILING AROUND INSIDE MALACANANG, BEING BUGAW SPECIALIST AND INDECENT MARKETING DUMMY BY VILLAR.

    • Sabi ni Noynoy:

      “Gusto ko iliwanag, sa akin kandidato ko kaisa-isa kong partner sa laban na ito, si Mar, dahil sigurado akong ipagpatuloy niya kung sakaling di ko kayanin (I want to make it clear that I have only one candidate and one partner in this fight, and that is Mar, because I am certain he will finish what I have begun), ” he said.

      Inamin na po!

      Pati siya, may duda na baka hindi niya kayanin!

      Ngayon pa lang, sinasabi na niya ang maaaring mangyari . . .

      Yan ang talagang mahirap kung wala kang matibay na pundasyon sa liderato!

  6. dyows ko po! hindi si johan ang sa video.

    langhiya, kamukha talaga ni johan sa side angle. pero nung humarap na sa camera hindi pala.

    in ferness, sarap panoorin ng video. may ipagmalaki ang mokong! bwahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.