Love Compatibility: Johan Santos at Cathy Remperas: PBB’s Precious Loveteam!

JOHAN SANTOS
Real Name: Johan Morielle Santos
Birthdate: June 1, 1987
Zodiac: Gemini
Symbol: The Twins
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Air
Basic Trait: I Think
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday

CATHY REMPERAS
Real Name: Catherine Remperas
Birthdate: October 8, 1987
Zodiac: Libra
Symbol: The Balance
Ruling Planet: Venus
Quality: Cardinal
Element: Air
Basic Trait: I Balance
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

MALIBAN SA TAMBALANG Jason Francisco at Melai Cantiveros (MELASON), kinakiligan din sa Pinoy Big Brother Double Up ang muntikan nang maging mag-jowa na sina Johan Santos at Cathy Remperas. Sa ngayon ay nakadalawang projects na sila bilang magkatambal: Your Song presents Isla at Precious Hearts Romances presents Love Me Again.

Ayon pa sa ilang insider, may plano ang Dos na pagsamahin pa sila sa ibang projects. Ibig kayang sabihin nito ay may pag-asa pang mauwi sa totohanan ang naudlot na pag-iibigan ng dalawa? Tara at itanong natin sa kumikislap at tumitibok na love stars.

Magkasundo ang Gemini at Libra. Pareho silang mahilig makipagkaibigan at makihalubilo sa malalaking grupo. Malawak ang pang-uunawa ng isang Libran lalo na ‘pag tungkol ito sa pamilya, na siya namang ikinatutuwa ng isang Gemini. Pareho silang handang magsakripisyo lalo na pagdating sa pamilya at lovelife.

Pareho rin sila na mababaw lang ang kaligayahan at gusto na palagi silang masaya. Masyado nilang nage-gets ang isa’t isa kahit hindi pa sila mag-usap. Hindi rin sila mabo-bore sa piling ng isa’t isa dahil pareho silang good conversationalists.

Ang pagsasama ng isang Gemini na lalaki at Libra na babae ay may malaking tsansang magtagal dahil na rin sa hindi maipagkakailang compatibility. Maaakit ni lalaki si babae sa kanyang paraan ng pakikipag-usap, adventurous personality at angking katalinuhan. Mapapamahal naman ng babaeng Libra si lalaking Gemini sa passion sa isang bagay na kinahihiligan niya at ang pagiging balanse sa lahat ng bagay.

O, swak na swak naman pala ang zodiac signs nina Johan at Cathy! ‘Wag na kayong mabibigla kung isang araw, i-announce na ng newbie Kapamilya loveteam na ‘to na sila na nga in real-life. Chemistry pa lang, panalo na!

by Mica Rodrigeuz

Previous articleStars Candid: Wala sa script ‘yan! (Gerald Anderson)
Next articlePremiere Shots: Dear Friend presents Tisay! (Joross Gamboa-Jackie Rice)

No posts to display