Joey Marquez, second choice lang sa pelikula ni Vice Ganda

Joey-MarquezGABBY CONCEPCION ang original choice para gumanap na ama ni Vice Ganda sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films. Nagkataong hindi available ang actor dahil ginagawa niya ang pelikula ni Andoy Ranay na When The Love Is Gone ng Viva Films. Pinalitan siya ni Joey Marquez na mas bagay maging tatay ni Vice.

Walang reaction si Joey kahit second choice lang siya. Katuwiran nito, “Ang mahalaga, sa akin napunta ‘yung role. Happy ako dahil sobrang nakakatawa ang mga eksena namin ni Vice pati na rin ‘yung kay Maricel Soriano. Magaling siya as a comedian. Ang bilis ng pick-up, ibang klase ang sense of humors, matatawa ka talaga,” papuring sabi ng magaling na comedian.

Ayon kay Joey, may kakaibang magic si Vice pagdating sa pagpapatawa. Nakuha raw ng singer/comedian ang kiliti ng madlang pipol kaya tinatangkilik ang kanyang mga pelikula at TV shows. Alam ni Vice kung papaano niya mapapasaya at mapapatawa ang kanyang mga fans. Kahit nga kuwentuhan lang, ang lakas daw ng dating ni Vice as a comedian.

Passion kasi ni Vice ang pagiging comedian, magpasaya ng tao. Nakilala at sumikat bilang stand-up comedian sa sing-along bar. Ngayon isang malaking bituing nagniningning ang kasikatan. Ang nakakaloka raw, kapag si Vice ang nag-deliver ng line, matatawa ka kahit hindi katawa-tawa. May certain charisma daw ito sa publiko kaya kinagigiliwan ang kanyang jokes. Kahit sabihin pa nating garapal, bastos at kung minsan nakakasakit ng kapwa, tanggap pa rin siya.

Kung anumang kasikatan ang nasa palad ngayon ni Vice, hindi niya ito inilalagay sa kanyang isipan. Ginagawa pa rin niya ang normal na ginagawa niya noong hindi pa siya sikat. “Gumigimik pa rin ako pagkatapos ng trabaho. Hindi agad ako umuuwi ng bahay, nagha-happenings pa rin ako kasama ang aking mga kaibigan kahit kailangan kong gumising nang maaga kinabukasan para sa Showtime. Ayaw kong kainin ako ng sistema ng showbiz dahil normal na tao rin ako, kailangang mag-enjoy,” banat na tsika ni Vice Ganda.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Joey Marquez, second choice lang sa pelikula ni Vice Ganda

  1. Jusko naman kung si Gabby Concepcion ang ama eh nakakapagtaka dahil sa hilatsa ng mukha ni Vice Ganda eh hindi kapani paniwala. Tama lang si Joey dahil di masyadong guwapo so ang anak expected di rin guwapo or maganda like Vice. Aminin na di naman kagandahan si Vice para maging anak ni Gab.

  2. SANA MAS NAKAKATAWANG ARTISTA NA LANG ANG GINAWANG TATAY NI VICE, HINDI KASI NAKAKATAWA SI JOEY MARQUEZ… SANA SI JIMMY SANTOS NA LANG ULIT

Leave a Reply

Your email address will not be published.