Joey Marquez, goodbye na muna sa showbiz talk show

BLIND ITEM: Hindi alam ng friend ng friend namin kumbakit kailangang nakayuko ang dalawang bagets na nakasabay niya sa pagsakay sa elevator kung wala naman daw ginagawang masama ang dalawa?

Kung hindi nagkakamali ang aming source, nitong Huwebes lang nito niya nakita ang dalawa. Nakasimpleng T-shirt lang ang babae at nakapang-basketball outfit with matching cap naman ang lalaki.

Hindi kaya sila ay sabay lamang magdyi-gym bilang me gym naman talaga ang 5-star hotel na ‘yon sa Makati? O, baka me pupuntahan lamang na tsikahan with friends sa isang hotel room doon?

Pero siyempre, ‘pag ganyang dalawa lang sila, isa lang ang iniisip ng mga makaaalam. Nag-check-in sila roon para alam n’yo na. Pero ayaw naman naming mag-conclude agad. Bibigyan pa rin namin sila ng benefit of the doubt, ‘ika nga.

Pero kung sila na nga, wala namang problema, eh. Dahil alam namin, noon pa naman sila me relasyon. Ewan kumba’t hindi pa nila amining sila na, eh wala naman silang nasasagasaang ibang tao to begin with.

O, hindi kaya ang dahilan nila kumba’t ayaw pa nilang umamin ay lalo lang lalabas na “playboy” ang aktor at ang babae nama’y aakusahan na namang malandi?

Itanong natin ito kay Kuya Kim.

 

MAY NAGTANONG na sa amin kung sino ang pansamantalang hahalili kay Joey Marquez sa Showbiz Inside Report dahil sa March 29 na ang start ng campaign period para sa local elections. Tatakbong congressman si Joey sa Parañaque, kaya ang tawag na sa kanya ngayon ay “Tsong Cong”.

‘Pag naaalala nga namin ‘yon nina Janice de Belen at Carmina Villaroel ay nag-uum-pisa na kaming malungkot, dahil masayang kasama si Manong Joey, lalo pa’t ang “yaman ng utak” din ng taong ito, lalo na sa mga karanasan sa buhay.

“Kaya n’yo nang tatlo ‘yan,” sasabihin naman ni Tsong, “Pero siyempre, iba pa rin kapag ‘andito ka, ‘no!” sasabihin naman namin.

Wala kaming ibang maisip kung sino ang puwedeng humalili kay Joey kung kaila-ngang apat talaga ang sasalang na hosts tuwing Sabado.

Maging ang staff ay tinanong na rin namin dito, pero wala rin silang konkretong maisagot sa amin kung sino ang hahalili kay Joey o kung kakaririn na lang naming tatlo nina Mina at Janice.

Hay, nako… sa totoo lang, iba ang samahan naming apat. Magkakaiba ang takbo ng utak, pero ang nakatutuwa, hindi “KJ” at hindi rin “pikon” kapag nadadawit pati personal na buhay.

Kayo, me naisip na ba ka-yong puwedeng ipalit kay Cong. Joey?

 

JUICE KO, 1,500 yata ang tantiya naming bisita ng kumpare naming Senador Jinggoy Estrada sa kanyang 50th birthday na ginanap sa Manila Hotel Tent nu’ng Sabado. Talagang pasabog ang buong gabi na ‘yon, dahil pawang mga kaibigan ni Sen. Jinggoy ang sumurpresa sa kanya.

As usual, nandu’n na yata lahat ang mga pulitiko nang gabing ‘yon. Ewan kung dumating si P-Noy, pero nandu’n ang dalawang Presidential Sisters. Nagbigay na lamang ng birthday message si Ms. Kris Aquino na ang sey niya, “Dalawang beses na kitang ibinobotong Senador!”

Nakatutuwa rin na ‘yung mga kaklase nu’ng elementary at high school ay nananatiling kaibigan ni Sen. Jinggoy.

In fairness, sa totoo lang, ito ang taong ‘pag kaibigan mo, ‘wag mo lang tatarantaduhin, hanggang ending, kaibigan mo.

Kaya love na love namin si Sen. Jinggoy. Kaya anumang posisyon ang susuungin ng mahal naming senador, suportado namin ‘yan, promise.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Joey Marquez, goodbye na muna sa showbiz talk show

  1. RELAX, PEOPLE. PAREHONG SINGLE SI BUDOY AT THELMA, AT DI NAMAN SILA MUKHANG CONSERVATIVE. SO GORA LANG! WAG NA TAYONG MAGPLASTIKAN. HOT AND SEXY ANG DALAWA. TINGIN NYO MAGGAGANTSILYO LANG SILA? ASK NATIN SI KUYA KIM, ESTE, KIM.

  2. pero kung c maja at jerald yon bakit sa makati pa…syempre marami nakkakilala s kanila …sana dumayo n lang cla  out of d country like hongkong…d ba ogie…

  3. halata bng c gerald at maja,this is not the first time naman na nakita clang ng check in no, iba talaga c maja no, months pa lng clang dalawa check in agad agad,ito ang klase ng girl na gusto nyong gayahin ng mga anak nyong babae,check in na yan ha alangan namang magtitigan lng yan, enjoy while it last knowing geralds track record,

  4. anderson at maja..  ang duduwag talaga ng mga showbiz writers/columnist laging nagtatago sa likod ng source kunyari pero ang totoo karamihan ng mga sinasabi nila lalo na pag bi puro lang imbento.. 

  5. Ogie Diaz, nakakatawa naman ang source mo. FRIEND NG FRIEND NINYO ? Ang lawak naman ng source. Did you do your research ? Nagbigay ka pa ng clue na obvious. Sana idemanda ka. Wala ka ng credibility. FRIEND NG FRIEND, What a loser.

    • wala palang credibility eh bakit binabasa mo ang column niya? at nag-abala ka pang mag-comment!

      ikaw tuloy ang loser teh

      • haynaku, kilala ko si mama ogs at siya ay credible di tulad ng iba dyan… sige kayo nga ang magsulat dito sige nga… mga nagdudunung-dunungan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.