Joey Marquez, dedma sa Kris Aquino at Bistek romance

Joey-MarquezKAHIT NA anong iwas pa ni Joey Marquez para hingan ng reaction sa namamagitan ngayon kina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, ‘di siya tinantanan ng mga press para magbigay ng comment.

Matatandaang nagkaroon din ng relasyon si Tsong noon kay Kristeta at mayor din siya at that time nang maging magdyowa sila ng sikat na TV host/actress. Ayaw talagang mag-comment ni Tsong pero para matapos na ay nagbigay rin siya ng reaction na malayo rin ang naging sagot.

“I’m happy. I’m very happy for all of us. For the entire world. Love and peace for everybody for this coming Lenten Season, “ ang napakalayong sagot ni Tsong.

Natawa na lang tuloy ang press at understable naman na talagang ayaw nang makisali or makigulo pa sa isyu ni Tsong. Isa pa matagal nang panahon ang lumipas since nagkahiwalay sila ni Kris.

Napagbalingan na lang ang lovelife ni Tsong at kaagad na sagot niya: “Alone, but not lonely.”

Kasama nga pala si Tsong sa Da Possessed na comeback movie ni Vhong Navarro pagkatapos ng controversial na nangyari sa sikat na TV host/dancer/comedian na nakatakdang ilabas sa mga sinehan on April 19.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.