Joey de Leon, very supportive sa baguhang direktor

NAKADALAWANG SHOOTING DAYS na pala si Joey de Leon sa Star Ci-nema movie na balik-tambalan din nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson after his year’s big hit Catch Me…I’m in Love.

Masarap daw katrabaho ang kome-dyante ayon sa direktor ng movie na si Raz de la Torre dahil nagbibigay ng suggestions at inputs si Joey na ayon kay Raz ay sumuswak sa mga naiisip din niya.

Ayon pa kay Raz, hindi raw nakaka-intimidate na katrabaho si Joey dahil very supportive daw ito at creative. Tatay ni Sarah ang role ni Joey sa still untitled movie. Magsisilbing first directorial job sa pelikula ni Raz ang nasabing Sarah-Gerald second team-up, after directing two Maalaala Mo Kaya episodes in the past na ang pinakahuli ay ang episode na pinangunahan ng respetadong direktor na si Laurice Guillen, Janus del Prado, at Charee Pineda.

Mas kilala bilang scriptwriter si Raz. Siya ang sumulat ng first blockbuster nina Sarah at John Lloyd Cruz na A Very Special Love. Kuwento pa ni Raz, kinailangan daw nilang pagupitan si Gerald nang tamang-tama lang para hindi naman masira ang continuity ng buhok ni Gerald sa kanyang ongoing series na Budoy sa ABS-CBN.

 

ABANGAN ANG PAGBABALIK-KAPAMILYA ni Miss Susan Roces! Ang alam namin ay mapapanood ang Movie Queen sa teleseryeng 100 Days to Heaven.  

Malalaman din natin sa mga darating na araw kung bukod sa nasabing teleserye ay magkakaroon pa ng ibang palabas si Tita Susan sa ABS-CBN.

Willing din naman ang ambassadress ng RiteMed na si Tita Susan na makasama sa isang proyekto, sa TV man o sa pelikula si Lovi. “Katulad ng sinabi ko, nu’ng nagsimula akong mag-artista, wala namang kapwa artistang tumanggi na makasama ako. Hindi ko gagawin ‘yon (tumanggi) sa kapwa artista ko.”

 

PINABULAANAN NINA DRA. Vicki Belo at Hayden Kho na hindi sila ang couple na nakatakdang mag-isang dibdib sa dara-ting na November 11. Pero inamin ng magkasintahan na within next year (2012) pa raw nila planong magpakasal. Kung kailan ang eksaktong buwan at araw ng kani-lang wedding ay hindi muna nila sinabi.

Wala pa raw o hindi pa raw nagpapagawa ng suit si Hayden, dahil baka raw tumaba s’ya. Ibinuking naman nito si Dra. Belo na may tatlong wedding gowns na raw na puwedeng pagpilian na gawa ng mga sikat na international designers na sina Monique Lhuillier, Givenchy at Valentino.

Baka kunin daw nilang isa sa mga ninong ang kilalang skin guru sa buong mundo na si Dr. Zein Obagi na ka-partner ngayon ng Belo Medical Group sa kanilang ZO Skin Health line, dahil ayon kay Dra. Belo, ito raw ang kanyang godfather sa Cosmetology.

Payag naman si Dr. Obagi kung sakaling kunin nga raw s’yang ninong nina Dra. Belo at Hayden, lalo na’t isa raw talaga ang beauty doctor sa kanyang mga early student.

Masayang-masaya si Dra. Belo sa pagkakaayos nina Hayden at ng kanyang anak na si Quark Henares na maghahatid raw sa kanya sa altar sa araw ng kasal n’ya.

“No comment,” lang ang sagot sa amin ni Hayden nang kumustahin naman namin s’ya at ang anak na babae ni Dra. Belo na si Cristalle Henares na parehong nasa iisang event ng Belo, kung saan present din ang ama nito at dating asawa ng doktor na si Atom Henares.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “Joey de Leon, very supportive sa baguhang direktor

Leave a Reply

Your email address will not be published.