Joey de Leon, seryosong bading sa bekiserye

ALAM N’YO bang maging si Joey de Leon ay hindi pinalalampas ang gabi-gabing pag-ere ng bekiserye sa GMA? Tuloy, nakapagbiro siya sa Startalk na halaw raw ang kuwentong ‘yon sa real-life experience ng direktor nitong si Dominic Zapata.

But of course, Dom is every inch a man. Nagkataon ding malapit sila ni Tito Joey.

And guess what? Naging palaisipan tuloy sa amin ang tinuran ng TV host na huwag daw ikagulat ng mga manonood kung sa mga darating na episode ng bekiseryeng ‘yon ay ipakikila ang kanyang karakter.

Thinking it was a joke, tinanong namin si Tito Joey. And he said yes.

Tumawag daw sa kanyang si Direk Dom, asking if he could do a cameo role. JDL thought it was a good idea, pero ang pakiusap lang niya, “Dapat ang role ko rin du’n, eh, bading. Ano naman ang gagawin ko du’n kung gaganap akong macho?”

Sa ngayon, inaayos na ang pagpapakilala kay Tito Joey sa kuwento, baka raw sa buwan ng Agosto siya magsimulang lumabas. As to how his gay character will get enmeshed with the lives of Lally, Vincent and Eric ay hindi pa raw niya masasagot.

Sa kanyang filmography, ilang gay roles na ang binigyang-buhay ni Tito Joey but all of those were comedic. Mas kapana-panabik abangan si JDL as he slips into a serious gay character, for sure, intense ang kanyang attack.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

5 thoughts on “Joey de Leon, seryosong bading sa bekiserye

  1. Wow!! Kami dito sa UK London yan palagi ang inaabangan at piang uusapan. Hihintayin namin ang paglabas ni JDL at Zandro Soriano.

  2. Wow!!! Joey De Leon and Paolo Ballesteros in My Husband’s Lover grabeeh na to…
    favorite ko sila ang galing talaga ng talentcaster ng TV series na ito… Congratulations sa inyong lahat for giving us a wonderful show every night! Everything is tastefully done!

  3. OMG! can’t wait for JDL. would love to watch him as serious gay at MHL… how about Paolo Ballesteros? thought this week na namin sya mapapanood as cousin of Vincent? love love love this bekiserye!… Love much TomDen / ErVin loveteam <3

Leave a Reply

Your email address will not be published.