JOEY DE LEON, POSIBLENG MAG-GUEST SA WILLING WILLIE!

KUMPIRMADONG WALA NA ang SexBomb Girls sa Eat… Bulaga!, kung ang pagbabasehan ay ang naging pahayag ng main host ng noontime show na si Joey de Leon. Marami ang nagtaka ng hindi na napapanood ang naturang grupo sa programa. Naibalita rin dito sa Pinoy Parazzi, sa kolum ni John Fontanilla, na tinanggal na nga ang SexBomb Girls nu’ng February 14 pa.

“Ang pagkakaalam kong istorya d’yan, nagpaalam si Joy Cancio (SexBomb’s manager) kay Malou (Choa-Fagar, EB’s executive producer) na raraket daw siya. Pinayagan naman siya. Kaya lang, ang raraketan niya pala, e ‘yung katapat na show ng Eat… Bulaga! Hindi yata ‘yon nasabi ni Joy kay Malou. Kaya ‘yon,” pahayag ng TV host-comedian.

So, wala na talaga ang SexBomb sa Eat… Bulaga!, muling tanong kay Joey?

“Napapanood n’yo pa ba?” balik-tanong nito.

Speaking of ‘katapat’ na show ng Eat… Bulaga!, ang Happy Yipee Yehey!, nang hingan ng reaksyon ang TV host kung ano ang masasabi niya rito, simple at maiksi pero makahulugan ang saad ni Joey, “Meron ba? Hindi ba ‘yung Showtime pa rin? Na-move na ‘yung Showtime?”

Paliwanag pa ng ace comedian, “Kami naman (sa EB), wala na ‘yang tapat-tapat na ‘yan, e. Ilan na bang shows ang tumapat sa Eat… Bulaga!? Nandito pa rin kami. ‘Di ba? Saka ‘yung mga nandoon naman, nakasama namin ‘yung iba do’n.” Joey is probably referring to Toni Gonzaga.

Mag-‘Kapatid’ na sila ngayon ng dating kabaliktatakan niya sa noontime slot na si Willie Revillame, may posibilidad kaya na mag-guest siya sa show nito na Willing Willie?

“Bakit hindi?” agad na sagot ni Joey. “Pero sa ngayon, hindi na kakayanin ng schedule ko. Hindi na talaga maisisingit. Pero, why not?”

Ano ang masasabi niya na mas ipo-promote daw ni Willie ang Eat… Bulaga! kesa sa show ng mga kaibigan nito na sina John Estrada at Randy Santiago?

“Salamat. Alam n’yo, kami naman ni Willie, wala kaming away n’yan, e. Okey naman kami. ‘Yung mga ano namin noon, wala ‘yon. Pero salamat sa pagpo-promote niya sa Eat… Bulaga!, napanood ko ‘yon. Siguro nasabi niya ‘yon, kasi naimbyerna lang siya doon sa dalawa!” pahabol na biro pa ni Joey.

Pinabulaanan din ng TV host-comedian ang matagal nang usap-usapang lilipat na ang Eat… Bulaga! sa TV5?

“Hindi puwede ‘yon. May kontrata pa kami sa GMA-7,” aniya.

Twelve years na sa Singko si Joey de Leon. Ilang taon ding humataw sa ere ang kanyang Wow! Mali sa noon ay ABC5, na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik sa new spin-off nito na Wow Meganon?! This time, kasama na ni Joey sa show si Mr. Fu. At every night na itong napapanood.

Iba talaga ang hatak ni Joey sa manonood, kaya naman patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng TV5. This February 27, Sunday, 12 noon, ay magsisimula na ang bagong show niya sa istasyon, with Mr. Fu, Wilma Doesnt, at Rufa Mi, ang Pinoy Samurai. Isa ito sa tatlong bagong shows ng TV5 every Sunday namely Pinoy Samurai, Lucky Numbers at Fantastik.

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

4 thoughts on “JOEY DE LEON, POSIBLENG MAG-GUEST SA WILLING WILLIE!

  1. hindi pinababa ni willie ang pagkatao niya… umaaamin lang siya sa katotohanan na no.1 talaga ang Eat Bulaga!!!

  2. Sa ginawang ito ni Willie and his endorsement with Eat Bulaga, lalo lang nya pinababa ang sarili nya at lalo lang niya ipinakita ang totoong pagkatao nya. His paawa effect now will not matter anymore kasi nakita na ng masa ang tunay na pagkatao nya. Selfish, lalo na sa ginawa nya ni John at Randy. Parang bata na gusto lang sa kanya lahat ang laruan. Maski hindi mag rate ang HYY, at least John & Randy stood up for themselves at ipinakita nila na Willie cannot control and dictate them. Crispy Pata are you listening?

    • I mean pinababa niya ang sarili niya sa pag endorse nya sa Eat Bulaga dahil lang sa galit siya sa ABS at hindi naman yon galing sa puso nya na gawin pero dahil lang sa galit sya sa ABS. Noong araw, he considered Eat Bulaga the difficult competitor noong nasa Wowowee pa sya kasi trabaho siya ng trabaho pero hindi pa rin nya napataob ang Eat Bulaga. Walang makapataob sa Eat Bulaga for sure. Go Go Go Eat Bulaga.

  3. Nakakalurka talaga itong si Willie, noon na sa Wowowee pa sya, palaging pinupuntirya nya yong Eat Bulaga. Ngayon na nagkagalit na sila ng ABS, doon na naman sya kumakampi sa Eat Bulaga. How childish. it shows na sa showbiz na ito, there are no permanent friends nor enemies, ONLY PERMANENT INTERESTS!!! Joey De Leon is intelligent and he is making use of what is now, Willie's endorsement of Eat Bulaga to spite HYY is not needed anyway because Eat Bulaga is already an institution. With or without Willie's endorsement, Eat Bulaga had proven in the past na hindi ito natumba na sino mang nakipag compete nito. Even Wowowee then, nagtaas ang ratings pero ilang beses lang, ni hindi rin napatumba ni Willie noon ang Eat Bulaga. Why doesn't Willie put his show sa noontime to compete with Eat Bulaga, tingnan natin kong gusto pa ba nya i endorse ang Eat Bulaga, I'm sure Willing willie will go down the drain if placed side by side with Eat Bulaga. Kaya yon, who has the last laugh now? I'm sure it is Eat Bulaga and most especially si Joey de Leon. Kaya yon tingnan mo si Joey ngayon kung makapagsalita, he welcomes the invitation. HA! HA! HA! yon ang feeling ngayon ni Joey. :) :) :) Go Eat Bulaga, go, go ,go

Leave a Reply

Your email address will not be published.