Joey de Leon, naunsyami ang paglabas sa bekiserye

SPEAKING OF GMA’s primetime gay series, sa pahinang ito una naming isinulat ang personal na pagtawag ng direktor nitong si Dominic Zapata kay Joey de Leon para kunin ito to play a part, specifically a gay role as well.

Pero nitong Huwebes, nasa plug para abangan the following night ang pagsulpot ng isang bagong tauhan, si Zandro played by Keempee de Leon. At nito ngang Biyernes, the cross-dresser invited to the couple’s wedding anniversary party was introduced.

Buong akala namin, ang inaasahan sanang paglitaw ni Tito Joey sa bekiseryeng ito would mark any week this month.  Tuloy, lalo kaming naiintriga, leaving us breathless kung ano ang magiging partisipasyon doon ng TV host-comedian.

As we write this, we have yet to ask Tito Joey kung lalabas pa siya kuwento as planned, or would he just allow his son Keempee be on the limelight. Abangan ang aming susunod na kolum for the answer.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.