Joey de Leon, may regulasyon daw sa cast ng kalyeserye

Joey-de-LeonSTILL NO talkies pero nagkita na nang harapan, buong bayan na naman ang kinilig sa AlDub kalyeserye. But just as the world waited for Alden Richard and Yaya Dub na magyakapan, some sort of a “deus ex machina” stood in their way.

Kung bakit patuloy pa ring nangangabog ang AlDub is a mix of many factors. “Ang tawag ko riyan, eh, regalo,” pinagpaliwanag namin si Joey de Leon kung bakit hindi ito binibitiwan ng mga manononood sa noontime slot, Mondays to Saturdays.

“Regalo in the sense na hindi namin ‘yon hiningi, basta ibinigay na lang. At hindi namin ‘yon inaasahan,” ani Tito Joey.

Sa totoo lang daw, maging sila nina Tito at Vic Sotto are clueless kung ano ang magaganap sa bawat araw. “Ayoko ngang malaman kung ano’ng mangyayari, eh. Pero tulad niyan na nagkita na sina Alden at Yaya Dub, sabi ko, all the more na kailangan nating i-hold ang audience.”

By holding the audience, simple lang ang ibig sabihin ni JDL, “May patakaran sila na bawal magkasakit. Kasi, nu’ng minsang wala si Wally (Bayola), instant change ang nangyari. Pinagbihis si Paolo (Ballesteros). ‘Ika ko, mas tinututukan pa ngayon ang AlDub kaya bawal silang magkasakit.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCoco Martin, lagare sa promo ng bagong serye
Next articleJasmine Curtis Smith, nagagamit sa publicity?

No posts to display