Joey de Leon, masakit daw ang biro kay Nora Aunor

INIS NA inis daw ang mga Noranians sa ginawang pambabastos ng mahusay na komedyano/host na si Joey de Leon sa kanilang idolong si Superstar Nora Aunor nang magkasabay raw na tumanggap ang mga ito ng award kamakailan.

Nora-Aunor-Joey-de-LeonNakarating daw sa mga Noranian ang nangyari sa kanilang idolo kaya naman daw galit na galit ang mga ito sa Eat Bulaga host.

Kuwento  nga ng aming source, biniro-biro raw ni Joey si Ate Guy ng, “Ano Guy, matanda ka!” At dinagdagan pa ng ilang salita na pabirong binitiwan ni Joey.

Bira nga ng mga Noranian, sana raw ay iniisip muna ni Joey ang kanyang bibitawang salita kung nakasasakit na ba ito ng damdamin ng tao o hindi bago nito sabihin nang sa ganu’n ay wala siyang nasasagasaan at nasasaktang tao.

Respeto na nga lang daw sa kanilang idolo. Hindi naman daw kasi lahat ng tao natatawa o natutuwa sa kanyang below the belt na biro. Hinay-hinay naman daw minsan ‘pag may time, galit pero pabirong pahayag ng nakausap naming Noranian.

 

INAABANGAN NA kung sinu-sinong pulitiko ang makikisawsaw sa red carpet sa Kamara para sa bagong Miss World na si Megan Young na magaganap sa Lunes ng hapon, Oct. 14.

Isang pagpugay nga sa kauna-unahang Pilipina na nanalong Miss World matapos na talunin ang 126 contender sa naturang beauty pageant na ginanap sa Bali, Indonesia noong Sept. 28. Matapos ang pagkapanalo nito ay tumulak agad ito patungong London.

Kaya naman daw inasahan ang pagdagsa ng mga pulitiko sa araw na ‘yun, dahil dagdag pogi at ganda points nga rin naman daw kung makikita sila na makikiisa sa pagbibigay-pugay sa kauna-unahang Miss World ng Bansa.

Kaya naman sa Lunes aabangan natin kung sinu-sinong pulitiko ang makikita nating rarampa sa nasabing red carpet. ‘Yun na!

 

LAKING GULAT nga raw ng Tweenstar na si Teejay Marquez nang makarating ang balita sa kanya na tatanggap siya ng award for music dahil aminado naman daw siya na hindi siya talaga magaling na singer. Pero natutuwa raw siya at napansin ng organizer ng Gawad Musika ang kanyang 1st album, dahilan kung bakit nabigyan siya ng award ng mga ito.

Kaya naman daw nagpapasalamat ito sa bagong award na natanggap sa katatapos na Dangal ng Bayan 2013 Gawad Musika bilang Most Promising Teen Recording Artist last Oct. 9 na ginanap sa Music Museum.

Kasabay nitong tumanggap ng award sina Mr. German Moreno, Sara Geronimo, Pilita Corrales, Lance Raymundo, Ronnie Liang, UPGRADE, Rhen Escano, Elizabeth Ramsey , Raph Salazar, 4 Tenors, Dance Focus, Human Touch, FAB4, atbp.

Bukod sa award na natanggap, nagpapasalamat din si Teejay sa nominasyong nakuha nito sa Star Awards for Music  for Best New Male Recording Artist, na nakatakda namang ganapin sa Oct. 13 sa Solaire at ipalalabas ng Oct. 20 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

 

MULA MISMO sa bibig ng manager ni Derek Ramsay na si Joji Dingcong na hindi siya nakikialam pagdating sa lovelife ng kanyang mga alaga, more on professional working relationships daw ang realsyon nila sa kanino man niyang alaga.
Tsika nga nito, “Hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga talent ko. But I told him, akala ko ba, long term friends na kayo, ‘di dapat, mas kakilala na ninyo ang isa’t isa? Eh, ako nga mismo, nagulat na lang ako nang malaman kong sila na pala. Nabasa ko lang sa tweet niya.”
Kaya naman daw hindi nito alam kung ano talaga ang real score sa paghihiwalay nina Derek at Cristine. Aalamin na lang daw nito  dahil magkakasama naman daw sila ni Cristine at Derek sa Hawaii, kung saan parehong may show ang dalawa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Joey de Leon, masakit daw ang biro kay Nora Aunor

  1. Hoy joey de leon ikaw ang hukluban. Bastos kang hudas ka. Palibhasa napakapangit mo. Paano naging magaling na komedyante yan.? Baku baku mukha joey

  2. Nora should just take the high-road and take the joke constructively. May mga ginawa din kasi si Nora that betray her legendary status and age. But in Nora’s defense, it seems she has mellowed naman and learned her lesson, her life being an open book. Nothing but praise has been heard from the people she has been working with of late ang patunay dito. Joey has always been known for his stinging wit. I wonder if Joey knows that he was joking around with a soon-to-be conferred National Artist kahilera ng idol niyang si Ang Kiu Kok?

  3. hindi lang yan ang ginawa ni Joey…sa backstage, nilapitan siya ni Nora Aunor sa backstage para bumati, inisnab isnab ni Joey si Nora, nag mukhang tanga ang superstar..

Leave a Reply

Your email address will not be published.