Joey de Leon, mahilig sa beauty queens!

EKSENA ITO SA dressing room ng Eat Bulaga. Tahimik ang paligid kahit ang mga host nito. Biglang bumanat si Joey de Leon.

“Wala ba kayong napapansin?”Bahagyang nakikinig ang lahat, kulang na lang dedmahin ang presensiya ng TV host-comedian na bumasag ng katahimikan. Saka nagpatuloy si Tito Joey, “Si Rene Requiestas, tahimik na tao, namatay. Si Redford White, tahimik ding tao, namatay.”

Saka raw nagkagulo’t umingay sa loob ng dressing room. Mula sa kanyang pagkakaupo, tumayo raw si Bossing Vic Sotto, sabay sigaw: “Oy, magtrabaho na tayo!”

MULI NA NAMANG itinapat sa Startalk TX tuwing Sabado ang mga klasikong pelikula ng yumaong si Fernando Poe, Jr. Tulad na lang nitong nakaraan, pelikula ni Da King kasama ang noo’y baguhan pa lang sa pag-aaksiyon na si Lito Lapit ang ipinalabas, ang Kalibre. 45.

Hindo ko na sana bibigyan ng kaukulang pansin ang monitor ng ABS-CBN na gumagana sa studio, kung hindi lang dahil sa mga past beauty queen na pumalaot din sa showbiz na gumaganap bilang leading ladies ng mga bida, sina Jennifer Cortez at Bambi Arambulo.

Sina Jennifer at Bambi, na minsan na ring nagkasama sa pelikulang Temptation Island noong dekada otsenta, ay mga produkto ng Binibining Pilipinas. I’ve always been a fan of local beauty titlist and movies back in the eighties, kaya tinawag ko ang direktor ng Startalk TX na si Floy Quintos who is as much a fan.

Maya-maya, kasunod na pala naming nanonood ng old FPJ movie si Tito Joey de Leon. May isa kasing eksena sa pelikula na magkasama sa frame sina Bambi at Jennifer. Tulad namin ni Direk Floy, tagahanga rin ba si Tito Joey ng aming henerasyon?

Gamit ang kanyang daliri, iminuwestra sa amin ni Tito Joey ang hindi marahil alam ng marami sa showbiz. “’Etong si Bambi, naging syota ni Vic (Sotto), ‘eto namang si Jennifer, naging syota ko naman!” Rebelasyon ng TV host-comedian na sa pakiwari niya’y maaaring nasa Amerika na raw ngayon ang dating nobya.

Tulad ng alam ng lahat, Tito Joey ended up marrying another former beauty queen, si Eileen Macapagal (Mutya ng Pilipinas).

ANNABELLE RAMA RETURNS to her roots in her native Cebu this August 7. Pero hindi po ‘yon for good, ‘no! Pa-fly roon si Tita Annabelle upang mag-judge among her kababayan teen hopefuls kung sinu-sino ang mga karapat-dapat mapabilang sa unang batch ng homegrown talents ng TV5 via Star Factor.

Sa Event Center ng SM Cebu gaganapin ang auditions na for sure ay maraming daragsa, kundi man ang mapipili. This is the second leg of Star Factor’s nationwide search, na nagsimula na noong July 25 sa SM Mall of Asia.

Hindi naman kasi lingid sa ating kaalaman that Cebu is one of the richest sources of talents waiting to be tapped. Hindi na mabibilang ang nasa talaan ng mga artista’t mang-aawit natin who have made Cebu proud. Kaya sa Cebuano bagets, mag-audition na!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Joey de Leon, mahilig sa beauty queens!

  1. uyy,,pa-share naman ako jay joey…lakas pa rim ng s@x appeal nya……..joey de leon,,,,,give me one nightttttt,….umbok na umbok pa rin si joeyyyy,,,

  2. malapit ka na rin pareng joeyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy tigokkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk

Leave a Reply

Your email address will not be published.