JOEY DE LEON, HINDI ‘NARARAMDAMAN’ ANG HAPPY YIPEE YEHEY!

STARTING THIS SUNDAY, mapapanood na sa TV5 ang noontime game show ng beteranong komedyante at TV host na si Joey de Leon, ang Pinoy Samurai. With Mr. Fu (Gaysha), Rufa Mi (Kimonay), at Wilma Doesnt (Itimpura).

Isa ang Pinoy Samurai sa Tanghaling Go-Go-Go! block ng Kapatid Network sa Linggo, with Lucky Numbers nina Eugene Domingo at Kempee de Leon, at ang teen-oriented variety show na Fantastik na pagsasamahan naman ng young stars ng TV5.

Anong masasabi ng veteran TV host na may bagong katapat ang Eat Bulaga, ang Happy Yipee Yehey?

“Meron ba? Sanay na kami. Hindi na namin pinapansin. Sa tagal ba naman namin, pang-ilan na ba sila? Twenty-five o 26. Okay lang,” aniya.

Tsika pa ni Joey, hindi raw niya nararamdaman ang show ng Dos. Pero hindi naman daw siya gumagawa ng kontrobersiya sa mga bumubuo ng bagong rival program nila, nagsasabi lang daw siya ng totoo.

“Hindi na namin pinapansin ang mga katapat dahil alam namin na forever may makakatapat ka talaga sa TV. Hindi naman iba sa amin ‘yon, kaibigan din namin ‘yon. Galing din sa amin ‘yung iba din,” paliwanag ni ‘Emperor Yoje’.

PANGARAP NG ISA sa featured stars sa Cosplay Exhibit (Les Femmes Fatales) ng sikat na photographer na si Jay Tablante na si Rhian Ramos ang gumanap na super hero sa isang proyektong pagbibidahan niya.

Tsika pa ng GMA-7 artist na gusto raw niya na action ang dream project na maraming fight scenes. Gusto din daw ni Rhian ng character na lumilipad tulad ng litrato niya sa exhibit na si ‘Rogue’ ng X-Men.

Bukod kay Rhian, kasama rin sa exhibit ang mga larawan nina Solenn Heussaff, Bianca King, Daiana Menezes, at iba pa. Ang proceeds ng project, na nasa Crucible Gallery 4th Floor ng SM Megamall, ay mapupunta sa Vincentian Missionaries Social Development Foundation.

MASAYANG-MASAYA SI NADINE Samonte sa kanyang pagbabalik bida-kontrabida sa afternoon drama series ng GMA-7, ang My Lover, My Wife (dating Moral). Tsika pa ng young actress na mas challenging ang role niya rito kesa sa mga nagawa na niya kunsaan purely kontrabida ang ginagampanan niya. Ibang-ibang Nadine daw ang mapapanood ng kanyang mga tagahanga.

“Masarap palang maging bad girl, pero sa role lang at hindi sa totoong buhay! For a change, hindi ‘yung magdadrama at iyak nang iyak. Ikaw na ‘yung nagpapaiyak sa kanila. Dito sa My Lover, My Wife, bida-kontrabida ako. Gusto ko talaga ‘yung mga ganyang roles, nakaka-challenge. ‘Yung pag-aaralan mo nang husto ang character mo,” pagtatapos ni Nadine.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “JOEY DE LEON, HINDI ‘NARARAMDAMAN’ ANG HAPPY YIPEE YEHEY!

  1. Go HYY! Kung mababa ang ratings nyo, ok lang. Susuportahan ko pa rin kayo all the way kahit na kung minsan ay korni ang once upon a lunch time nyo. :-)

    • Ako rin orkidia, I'm for HYY, gusto ko yong My Girl and One Time Big Time. Galaing ni John mag host, madali syang maka punchline kung ano ang sasabihin ng contestant at nakakatawa. Nakita ko yong MY Girl nila ngayon at yong vegetables question, ako ang natatakot baka ma MTRCB sila again, hahahahaha :►)

  2. tamaaaa…..wag na nga kayong magtanong about EAT BULAGA,,taga na nila,,,hangin lang sa kanila mga show na yan,,,ok,,ok,,,wala lang,,,

    we love NADINE SAMONTE,,shes pretty at may values na bata,,,decent na mala JODY SANTA MARIA,,we love her,,.pang eald role nga sya ,,buti nalang di sya lumipat sa dos??malayo pa mararating nya,,,magaling panaman syang umarte..

  3. Pingback: Tweets that mention JOEY DE LEON, HINDI ‘NARARAMDAMAN’ ANG HAPPY YIPEE YEHEY! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.