Joey de Leon, hinawakan ang bird ni Wally Bayola

Wally-Bayola-Joey-de-LeonBUONG-PUSO RAW tinanggap ng Dabarkads sa pangunguna ni Joey de Leon ang pagbabalik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga after nitong masuspinde ng ilang buwan. Tsika nga ni Joey sa pocket interview sa mismong set ng newest comedy show nito sa TV5 na One of The Boys, siya raw ang huling nakaalam sa pagbabalik ni Wally dahil nasa Japan siya noon nang bumalik si Wally sa EB.

Tsika nga ni Joey nang first time nilang muling magkita, “Nu’ng binati niya ako nang magkita kami at iaabot niya ang kamay niya sa akin, hinawakan ko ‘yung bird niya, sabay sabing ‘kamusta ka’? Tapos nagtawanan kami, ganu’n lang, no more no less. Mangement decision ang pagbabalik ni Wally sa show, natural lang na may iba-ibang reaksiyon. Tsaka ‘yung pagbabalik niya, okey lang ‘yun.”

Dagdag pa ni Joey na kung ‘yung iba nga raw na may iskandal ay nag-aartista pa, kaya naman ‘yung kaso raw ni Wally ay ‘di nalalayo sa kaso ng iba na pagkatapos pag-usapan ay makalilimutan din ‘pag tagal-tagal.

Dagdag pa ni Joey na medyo matagal-tagal din daw siyang nahinto sa paggawa ng sitcom na tumagal nang 7 years, na sarili naman niyang desisyon dahil ‘di na raw nito gusto ang mahabang puyatan. Kaya naman hindi rin siya gumagawa ng pelikula kahit maraming offer sa kanya.

Pero nagustuhan daw nito ang istorya ng One of The Boys, kaya naman daw napa-oo siyang muling gumawa ng sitcom, kung saan makakasama niya si Eula Caballero na lalabas na anak niya at ang Juan Directions.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Joey de Leon, hinawakan ang bird ni Wally Bayola

Leave a Reply

Your email address will not be published.