Joey de Leon, ‘di makalimutan ang trip sa Israel

Joey-de-LeonMEMORABLE DAW para kay Joey de Leon ang kanyang recent trip sa Israel. May ginawa sila ni Mike Enriquez na Lenten Special doon sa Holy Land na pinamagatang Banal Na Paglalakbay which will be aired sa GMA 7 on Maundy Thursday, 7:30 to 9:00 pm.

“Si Mike, do’n ko lang nakita na… alam n’yo naman si Mike Enriquez, isang tunay na tao. Naging emotional siya sa isang misa namin,” kuwento nga ng TV host-comedian.

“Ayokong sabihin na napaiyak siya. Pero… parang gano’n na nga! Mga twelve days din kami doon sa Holy Land. Kaya abangan n’yo po, Banal Na Paglalakbay with Mike Enriquez and Danny Samonte.

“Ikukuwento namin ‘yong… naligo kami sa Dead Sea. Lumutang kami do’n. Maganda sa Dead Sea. Lulutang ka talaga, eh. Mga buhay, ha! Dito kasi sa Pilipinas, kapag may lumutang sa dagat, alam mo… patay na, ‘di ba?”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.