Joey de Leon at Willie Revillame, bff na talaga!

NAKAKATUWA NA SA mundo ng kumpetisyon sa larangan ng mga gameshows at noontime shows, ang dalawang higanteng pangalan sa mga palabas na ito ay may maganda na palang pakikitungo sa isa’t isa.

Ang aming tinutukoy ay sina Joey de Leon at Willie Revillame. Unang napabalitang inimbitahan daw ni Kuya Will si Sir Joey na sumama sa kanilang ‘victory trip’ sa Macau. Ang sinasabing biyahe ay bilang selebrasyon ng buong tropa ng Wil Time Bigtime sa pagkakabasura ng reklamong ‘copyright infringement’ na isinampa ng ABS-CBN laban kay Willie at sa TV5.

Ilang araw namalagi ang grupo ni Willie sa ibang bansa. Hindi napaunlakan ni Sir Joey ang imbitasyon dahil akala raw niya ay nagbibiro lang si Manay Lolit Solis nu’ng sinabi ito sa kanya. Pero still, hindi man siya nakasama, binilhan pa rin siya ng pasalubong ni Willie, isang mamahaling ‘Louis Vuitton’ bag at naibigay na nga ito kay Sir Joey noong Sabado, Sept. 17, sa kanyang programang Startalk.

Pagkatapos nito, nakausap namin si Sir Joey sa taping ng kanyang show sa TV5, ang Celebrity Samurai, sa Broadway at sinabi niyang napasalamatan na niya si Will sa Startalk.

Dagdag pa niya, “Meron na akong ganu’ng bag, pero maliit lang, ang ibinigay niya ay mala-king version, at natuwa naman ako sa ginawa niya,” kuwento pa ni Sir Joey sa amin. Hindi na namin inusisa pa siya kung anong model nang LV bag ito, pero tiyak naming mahal ito.

Napadako ang usapan namin ni Sir Joey sa pagkakaroon naman ng bagong noontime show daw ng TV5. “Walang problema sa amin ‘yun, welcome sa amin ‘yun, kasi ‘di ba, mas marami, mas masaya. Hindi kalaban ang tawag namin sa kanila kundi kapit-bahay. Pero kami trabaho lang, kasi naman sa mahigit tatlong dekada na namin sa Eat… Bulaga!, hindi na namin naisip ‘yang mga kumpetisyon na ‘yan.”

May mga trivia pang ibinahagi ang Wow… Mali! host sa amin. Aniya, “Mula noong nagsimula kami sa Eat… Bulaga!, hindi kami nagmi-make up tatlo nina Tito (Sotto) at Vic (Sotto). Ewan parang nasanay na kaming ganu’n, parang nasa bahay lang, kaya kumpor-table kaming magtrabaho. Ang Eat Bulaga ay parang kusina lang sa amin, kumbaga extension ng bahay namin. At ito pa, never naming tinawag ang show namin na number 1, siguro ‘yung mga kasamahan lang naming minsan nakapagsabi noon pero kaming tatlo, hindi namin sinasabi ‘yun.” Ito marahil ang sikreto kaya namayagpag pa rin hanggang ngayon ang kanilang noontime show.

Dagdag pa ni Sir Joey, “Halos 30 shows na ang nakatapat namin pero hindi naman kami nababahala ‘pag ganu’n, kami kasi trabaho lang, tapos we grow with time. Kung anong bago sa panahon, meron sa show.”

Ibinalita naman niyang maglalabas ng coffetable book ang Eat Bulaga sa darating na Oktubre, mga rare pictures daw ang makikita rito simula noong umere sila year 1979. Lahat ng mga naging kabahagi ng show ay kasama sa nasabing libro. Intensive research daw talaga ang ginawa ng mga namamahala sa libro at ang nakakatuwa raw rito ay may mga pictures na galing pa mismo sa viewers.

“Hindi ko lang alam kong for sale ito kasi parang 2,000 copies lang ang ipinagawa. Pero ang ganda nu’ng libro, kung masscom student ka, puwede mo siyang gawing research reference.”

So abangan na lang natin pagdating ng Oktubre ang nasabing libro, tiyak bongga ang launching nito.

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Tawa kami nang tawa sa isang kasamahan namin na nag-iinterview ng mga artista sa isang event. Noong Cosmo Bash lang kasi nangyari ang nasabing nakakatawang eksena, kaya fresh na fresh pa siya sa kanyang memorya.

“Ateng, naloka ako sa isang seksing reporter, lumapit sana kami at mag-i-interview kay ______ (pa-ngalan ng bachelor na nagpakita ng puwet sa show), pero hindi kami makasabay sa interview. ‘Lam mo ba kung bakit? Eh, paano ba naman, sobra siyang close sa ini-interview niya at kitang-kita kong halos ikinukuskos na niya ang kanyang bobilya sa papang ini-interview niya. So, hindi na ako nagbida-bida pa, nag-wait na lang kaming matapos siyang magtanong para kami naman. Alam mo ang ginawa ko, pinakunan ko na lang sa cameraman ko ‘yung eksena para may ebidensiya ako.”

Ayan ha, pulidong-pulido ang kuwento niya. Hindi kami nakadalo sa nasabing event kaya hindi namin nasaksihan ang nasabing eksena. Natawa lang kami dahil may-I-demo pa ang bakla sa kanyang mga nakita. ‘Yun na!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

10 thoughts on “Joey de Leon at Willie Revillame, bff na talaga!

  1. good comment from joey. the more shows the better. sa amin na nagbabayad to watch TFC and GMA shows here in the US, advantage sa amin yun kasi madami kaming napapanood. yung loyalty namin is sa buong filipino tv industry. since limited ang mga line up of shows ng mga networks na available sa amin, may replays, so we have the luxury to watch all shows. hopefully tv5 will be available dito soon. gusto din namin mapanood ng mga shows nila.

  2. c willie ang pinkaplastic kunwri bibigyan nya ng LV c joey bilang peace offering tpos magttayo sya ng afternun variety show na itatapat sa EB at HYY na sya ang co-producer..ano kya tawag mo dun?

  3. Si Joey deleon ang pinaka magandang definition na “Plastik” sa Showbiz. gagawa ng ingay aawayin ang mga katapat pero kapag nagkaharap niya yung tao friend sila. tsk tsk tsk. plastik.

  4. eto na pala ang buong article mo yung bff na sila, walang-ka-kwenta-kwenta. sino kaya ang mag-iinteres basahin yan? ako nga, iniskip ko hoping na me iba pa, yun pala BI na lang ang natira. haay arnel serrato, sira tong article mo ngayon a.

Leave a Reply

Your email address will not be published.