JOEY DE LEON AT POKWANG, NAGKABATI NA!

BUMISITA SA MOVIE set nina Vic Sotto at Bea Alonzo si Joey de Leon kamakailan. Hindi namin alam kung may cameo role si Joey o naisipan lang niyang dumalaw. Anyway, hindi ‘yon ang tunay na kuwento kundi ang pagbabati nina Joey at Pokwang. Nakunan pa ng litrato ang dalawa na magkasama. Halatang excited si Pokwang na nakasama niya si Joey. Isa sa cast members si Pokwang.

Nai-post sa Twitter ang pagsasama nina Pokwang at Joey sa photo. Tinutukso-tukso nga si Pokwang ng kanyang mga kaibigan sa Dos na nagkabati na raw sila ni Joey.

2008 nang magkaroon ng away ang dalawa dahil sa binagong lyrics ni Joey ng kantang ‘Imagine’ ng The Beatles. Nang mag-show kasi sila sa U.S. ay nagpakitang-gilas si Joey at tinagalog ang nasabing kanta ng British band.

Ang ilang stanza ay ganito: “Channel 2’s the only one / Makikita araw-araw ay mukha lang ni Pokwang……Makikita araw-araw / Ay mukha lang ng aswang…..”

Dahil sa nasabing lyrics ay napabalitang tinutukso-tukso ang dalagitang anak ni Pokwang sa school, na ang nanay daw niya ay aswang. Nung una ay hindi apektado si Pokwang, pero nang malaman niya ang panunukso sa anak niya ay medyo naapektuhan din siya.

Ito namang si Willie Revillame parang naging knight in shining armor ang drama at ipinagtanggol si Pokwang. Magkasama pa ang dalawa noon sa Wowowee.

Anyway, tatlong taon na ang lumipas kaya naman panahon na siguro ang naging tulay para magkabati ang dalawa. Ito yata ang first instance na nagkita ang dalawa. Finally, natapos na rin ang issue sa kanila. Truly, time heals all wounds!

NAAKSIDENTE SI ANDI Eigenmann sa taping ng Minsan Lang Kita Iibigin pero hindi namin napanood na ibinalita ito sa news program ng ABS-CBN. Parang hindi nila feel itong i-tackle gayong newsworthy naman ito.

Ayon sa kuwento ng aming nakatsika, aksidenteng tinamaan si Andi ng blank bullet na galing umano sa baril na gamit ni Martin del Rosario sa taping. Very apologetic nga raw si Martin sa dalaga.

Ang handler ni Andi na si Cris Navarro ang nagtakbo sa dalaga sa ospital. Hindi naman grabe ang nangyari kay Andi. After ng medication ay pinauwi rin naman siya kaagad at pinagsabihang magpahinga ng ilang araw bago sumabak sa trabaho.

Ang nagtataka kami ay kung bakit wala yatang sumama kay Andi na mula sa staff ng kanyang soap opera. Ang handler lang daw nito ang nagdala sa kanya sa ospital.

BLIND ITEM: TAHIMIK na ang buhay ng dalawang action star na may kanya-kanya nang misis. Nagkaroon ng gap ang dalawa noon nang makasama ni Action Star 1 ang girlfriend dati ni Action Star 2. Okay lang naman ito para kay Action Star 2. Ang hindi lang na-ging maganda ay nagsumbong ang girlfriend nito na parang binastos siya dahil inilabas daw ni Action Star 1 ang dila nito sa kanilang kissing scenes.

Naimbiyerna ang Action Star 2. Hinanap niya ang action hero at natagpuan niya ito sa isang kilalang disco. Hindi pa nakakapasok noon si Action Star 1 sa pintuan ay biglang kinausap ito ng friend niyang action star din. Nagkainitan sila at kinuwelyuhan agad ni Action Star 2 si Action Star 1.

Kahit na may image na palaban ay walang nagawa ang action hero. Hindi niya kasi kaya ang kanyang kalaban.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

6 thoughts on “JOEY DE LEON AT POKWANG, NAGKABATI NA!

  1. Kung laos si pokwang bakit daming movie at show. baka ibang comedian ang sinasabi mo baka taga GMA7 yun. hahahhaahah

  2. Itong writer na ‘to di yata nanunood ng interview kay Andy mismo nakuha sa bahay nya, Umaapaw ang ang pasasalamt ni Andy sa Staff ng “Minsan…….”na syang nag-asikaso sa kanya.

  3. tangah ka siguro carrie laos ba yan may bagong movie at isa pa di yan produce ni vic sotto kasi pi abs po yan by star cinema bobo kaba at isa pa may bananasplit si pokwang kaya di xa laos at ngpapatayo na ng bahay na umaabot na sa 18 million angt gasto

  4. asus kya binati ni pokwangc joey kc bukod sa bumalimbing alam niya na lasoyan deep na cya kya kailangan makipagbati cya kay joey baka sakali na kunin cya ni joey kapag may pelikula cguro naman ndi bobo c joey para gawin iyon talagang c pokwang alam nkya kung cno ang didikitan nadikitan na nya c willly tapos c kris ngayon naman ay c joey at bossing ano ba iyan guamawa ka ng sarili mo na maingat ndi iyong gagamit ka ng iba pokwang plastik…

Leave a Reply

Your email address will not be published.