Joem Bascon, wagas ang pagka-demonyo!

“NAPAKA-EFFECTIVE NIYA as Tomas, pero I super hate him!”

“Walanghiya talaga ‘yang si Tomas, balang-araw, makakaganti rin sa kanya si Daniel!”

“Grabeng galing ni Tomas, pero ang demonyo lang ng ugali niya talaga!”

Ilan lang ‘yan sa mensahe sa twitter na ipinabasa namin kay Joem Bascon at aliw na aliw naman ang binata habang marami ang nagagalit sa kanya.

Pero hindi naman sa tunay na buhay, kundi sa kanyang karakter lang bilang kapatid ni Julia Montes na mapagkamkam at inaapi lagi si Coco Martin (si Daniel) at maraming iniisip na masama para lang magkamal ng salapi.

“Hindi na nga ako lumalabas ng bahay, baka me yumari na lang sa akin. Nakakatakot nang magpakita sa tao, hahaha!”

Pero ‘wag kayong mag-alala, dahil sa set ng Walang Hanggan, okay na okay sila ni Coco Martin. Nagkakakuwentuhan silang tatlo nina Nathan (Paulo Avelino) na kung minsan ay nandiyan pa si Marco (played by Richard Gomez) na tsumitsika rin.

Pero kami mismo, harapan at talikuran, sinasabi namin kay Joem na sobrang galing niya at demonyong-demonyo talaga ang dating niya sa amin.

Na hindi naman din magiging effective na kontrabida si Joem kung hindi rin lang effective na bidang nagpapaawa at nagpapaapi si Coco, ‘di ba?

Nako, nga pala, maraming salamat, dahil ang balita namin ay number one sa lahat ng primetime shows ang Walang Hanggan.

At sa mga tumatangkilik sa loveteam namin ni Arlene Muhlach (since May Bukas Pa days), nakakatuwang malaman na gustung-gusto nila.

So, we therefore conclude na ang isang loveteam, kahit sa totoong buhay ay hindi sila magdyowa, ay nagiging effective at click sa mga tao kapag ginagawa sa ayos ang kani-kanilang character.

 

JUICE KO, kami na ang magsasabi na ‘pag nai-showing na ay saka pa lang makakapagpahinga sina Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Direk Cathy Garcia-Molina, dahil hindi uso sa kanila ang meaning ng tulog.

Grabe nga ang puyatan nila araw-araw para makahabol lang sa playdate ang Unofficially Yours na palabas na ngayon. Saksi nga kami, dahil madaling-araw na no’ng Feb. 10 ay kailangan pang umiyak talaga ni Angel, kalokah.

Sabi nga sa amin ng kasama rin sa pelikula na alaga namin, si  Boom Labrusca, “Ang sarap sa set, kasi, lahat ng tao, kaibigan mo. Walang mabigat. Walang pa-star, parang lahat, pantay-pantay. Kung sa karapatan, me karapatan namang magmaldita ang mga bida, dahil nga bida.

“Pero alam mo ‘yon, hindi sila gano’n sa set. Hindi mo sila mararamdamang bida, kundi katrabaho, kasama sa trabaho, kaya ang gaan sa set.”

In fairness kina Angel at JLC, kilala namin ang dalawang ito pagdating sa professionalism at love nila sa kanilang craft at pagtingin sa maliliit na manggagawa sa kanilang pelikula.

Showing na ngayon ang Unofficially Yours at babalitaan namin kayo sa aming next column kung ano ang ganap nu’ng premiere night kagabi.

 

ANG HIRAP pa ring manghimasok sa lovelife ng may lovelife. Tulad ng kina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na kalat na kalat nang split na, at ‘yon ay very evident sa kanilang mga tweets na nakakalokah.

Isang itinuturong dahilan si Nancy Castiglione, pero hindi naman alam ni Nancy kung ba’t siya ang itinuturong third party tulad sa naunang tweet ni Dr. Belo.

Anyway, habang nabubuhay ang tao ay hindi naman din humihinto ang puso nito para sa kanyang minamahal. Alam naming hindi naman si Hayden ang huling lalaki sa buhay ni Dra. Belo.

Kung talagang hindi na sila magkakaayos at magkakabalikan, eh, ang dami namang nagtatanong kung paano na si Hayden? Saan na raw ito pupulutin?

Obviously, kaya naitanong ‘yan, eh, dahil ang alam ng lahat ay “nakasandal” sa pader si Hayden at ang pader na ito ang sumusuporta sa kanya. So, paano na nga naman siya, lalo na’t natanggalan pa siya ng lisensiya sa panggagamot.

Buti na lang at maraming kaibigang nagmamahal dito kay Doc Belo, kaya hangad namin na sana ay makatagpo naman ng right guy si Doc Belo o kung ayaw na niya, mas mainam na i-focus na lamang muna niya sa mga anak at negosyo ang kanyang atensiyon.

Hay, ang pag-ibig nga naman, ‘no? Parang video scandal.

Saka lang nalalaman na may sex video pala ‘pag kumalat na at sinadyang ipagkalat.

Ano nga kaya ang natuklasan pa ni Doc Belo?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Joem Bascon, wagas ang pagka-demonyo!

  1. MALANDI NAMAN YAN SI BELO! ANO PANG AASAHAN MO! WALA NAMAN TLGA MAG SESERYOSO DYAN SA MATRONANG YAN! PERA LANG HABOL NG MGA KALALAKIHAN DYAN! PANO MUKANG BAKLA!

  2. hay belo,tama lng yang ginawa mo hiwalayan mo na si hayden kc hahanap at hahanap talaga yan ng ibang keps,,malibog sobra yan eh,,kaya tigilan mo na vicky ang pagiging ilusyonada mo na mahal ka nyan,,pera mo lng habol sau,kc nga naman luwag na laylay ang balat ng keps mo..

  3. losyang na belo kc. pinipilit ibalot ng keps niya mga batang nota! gagwah ka dyan! mukha mo lang pwede ma-stretch… ang keps mo di noh! hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.