Joem Bascon, tila napabayaan na ng Star Magic

Joem Bascon

Joem Bascon

Nanghihinayang kami para kay Joem Bascon. Kung pinush sanang mabuti ang kanyang career ng Star Magic, sana ay malaking artista na siya ngayon.
Magaling naman siyang umarte at may hitsura rin siya. Lalo na nu’ng nagsisimula, puwedeng pagkamalang magkapatid sila ni Piolo Pascual.
Hindi namin maintindihan kung bakit pinabayaan siya. Tuloy ngayon, puro na lang supporting role ang napupunta sa kanya. Wala rin siyang palabas sa TV at mukhang wala pang balak na bigyan siya ng project ng ABS-CBN.
Mabuti na lang at nakagagawa siya ng pelikula at kahit papaano, hindi siya nawawala sa sirkulasyon. Ang latest film niya ay ang “Siphayo” ng BG Productions International.
Napanood na namin ang pelikula at nagulat kami sa mga nag-aalab na lampungan nila ni Nathalie Hart sa pelikula. As in nag-aalab at napakainit ng kanilang eksena, kung saan sinibasib  ni Joem si Nathalie sa maisan na parehong kita ang hubad nilang katawan.
Siyempre, kahit sabihin nang may pagka-sexy ang pelikula, nagpakitang-gilas pa rin sa pag-arte si Joem. Hindi siya nagpatalbog sa kanyang mga co-star na sina Nathalie, Luis Alandy, at Allan Paule.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.