Joem Bascon, pigil magpakasal sa GF na ka-live-in

Joem Bascon

ALMOST 6 years nang nagli-live-in si Joem Bascon at ang vlogger girlfriend niyang si Crisha Uy. Pero ayon sa aktor, hindi pa raw nila binabalak ang magpakasal.

 “Hindi pa naman. Nag-iipon pa. Siyempre, meron pa akong ano, andyan pa yung nanay ko, tatay ko, may family pang umaasa,” katwiran ni Joem na kasama sa pelikulang The Impossible Dream directed by Joven Tan.

Ano ba ang pumipigil sa kanila na magpakasal?

 “Wala naman. Ang inisip ko lang din, kasi nakikilala na si Crisha sa Youtube, gusto ko munang i-maximize niya kung ano yung ginagawa niya as a vlogger.

“Pero nagpaalam naman na ako sa parents niya sa States saka sa magulang niya sa Cebu na hinihingi ko yung kamay niya. Meron namang basbas na. Pero yung mga formalities, mga preparasyon talaga, wala pa naman,” kuwento ni Joem.

Samantala, inamin din ni Joem na wala na siyang balita ngayon sa kaibigang si John Lloyd Cruz.

“Hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni John Lloyd. Busy ata siya, eh. Nung last time ko siyang nakita was last year, December sa Cebu nung nagbakasyon kami ng girlfriend ko. Pero after that, hindi na kami masyadong nakakapag-usap,” kuwento pa ng magaling na aktor.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.